Chapter 6: Faded Trust

8.3K 306 12
                                    


EDITED VERSION

******

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. Pinakiramdaman ko ang paligid. Kung nandito pa rin ba ako. Kung panaginip lang ba ang nangyari at kung totoo ba ang Academy.

Bumuntong hininga ako. Totoo ang lahat. Naligo na ako at nagbihis ng uniform na binigay sa akin ni Lydia. A blue skirt, white longsleeves with a logo of fire. Tapos necktie na blue. Sobrang iksi ng palda kaya patuloy ako sa pagbaba nito. Sinuot ko na ang black long socks at ang black shoes na may takong. Pero naiilang pa rin ako.

"Isa na lang ang kulang." Napalingon ako kay Cath at Lydia na nasa pinto ng dorm. Teka, paano sila nakapasok? Alam ba nilang I have my own privacy? Tsk.

"A make-up will do," dagdag ni Lydia kaya agad akong umiling. I will never wear make-up. Hindi roon masusukat ang kagandahan ng isang tao. A girl can be beautiful just being what they are in the inside. Lahat naman siguro ng tao, may magandang kalooban. In their own way.

"Why?" kunot noong tanong nila. Hindi pa ba obvious na hindi ako palaayos na tao? I have no fashion like them.

"I never wear make up," sagot ko. I tucked-in the longsleeves, kinuha ko rin ang backpack na ibinigay nila sa akin. Kompleto na rin ang gamit ko. Sinuklay ko ang buhok ko at as usual, nakababa pa rin ang bangs ko.

"Sabay na tayo, Althea," sabi ni Lydia. Tumango na lang ako at lumabas na kami. Naglakad kami sa hallway. Every steps, pakiramdam ko nasasakal ako. All of the students are looking at me with their curious face. Sana lang hindi sila katulad ng mga kaklase ko sa school.

"Don't mind them, Althea. Hindi lang sila sanay na makakita ng newbie." Tumango na lamang ako sa sinabi ni Cath. I don't know if I can trust anyone here. Buong buhay ko, sarili ko lang ang kaya kong pagkatiwalaan.

Pumasok kami sa isang malawak na silid at doon ko lang narealize na nasa isang cafeteria kami. Lumapit kami sa counter. Si Lydia na ang nag-order at naghanap na kami ng bakanteng mesa. Pag-upo namin, nagulat ako nang nakaupo na rin si Kristian at Kurt. Sobrang lapit nila sa amin na nagpairita sa akin. They are all generous yet parang hindi nila alam ang salitang privacy.

"Hindi ba kami malulusaw sa mga titig mo?" sabi ni Kurt na nakatingin sa akin.

"Don't mind him. Kurt's hobby is to predict what you're thinking," singit naman ni Lydia na kakarating lang. "Isa 'yan sa gusto niyang makuhang ability."

Natigilan ako. Ability. Is she serious? Nagtataka pa rin ako sa mga sinasabi niya.

"Siguro nga naguguluhan ka pa. We can explain it you. But for now, hayaan mo lang na mapahinga 'yang isip mo. Stop thinking things that complicates you," sabi ni Kristian. Hindi na lang ako nagsalita pero gulong-gulo na ako sa kanila.

Kumain na lang kami pero papatigil ako nang marinig ko ang mga yabag na palapit sa mesa namin.

"Leaving your President? Tsk. Mga walang kuwenta!" At doon ko na lang nalaman na tama nga ang hinala kong si Isaac 'yon. Nalaman ko agad sa bawat yabag niya. He messed his already messy hair. Lumitaw ang berde niyang mata at hindi ko maiwasang titigan 'yon.

"Officers, Listen!" Panimula niya ng umupo siya sa harap ko. 'Yon na lang kasi ang puwesto dahil sinakop na ni Kurt at Kristian. "The 23rd Tourmament will be held soon yet we can't find anyone who's qualified to our team. Bukas na tayo bibisita sa Magical University upang kilalanin ang makakalaban natin. We have to find a new member." Dahil sa sinabi ni Isaac ay natahimik ang lahat na tila nag-iisip pero hindi ako makasabay sa usapan nila. Ilang saglit pa ay sabay-sabay nila akong tinitigan na parang nasa mukha ko ang sagot sa mga tanong nila.

"What?" naguguluhang tanong ko. Nagsitanguan naman sila na para bang nasagot na ang mga problema nila.

"You will join our group!" sabay-sabay nilang sabi. Nanlaki ang mata ko. Ako?! Ni hindi ko nga alam ang pinag-uusapan nila!

"No!" asik ko. Kumunot ang noo nila. I let out a deep sigh. I stood up and walked away. Malayo na ako sa mesa nila, but a strong wind flashed in my back that gave shiver down my spine.

"You will be part of our group. That's an order, Althea. From the president of Alexandria Academy. You'll choose. Either you'll break it. Or I'll break you," pananakot ni Isaac sa akin. Kahit nasa likod ko siya at hindi ko nakikita ang expression niya, alam kong seryoso na siya. Napatingin ako sa paligid at nakatingin sakainn ang mga estudyante na kumakain. Nasa amin na ang atensyon nila ngayon. Shit! I hate this.

"Fine," sagot ko at naglakad na ako paalis doon. While I'm walking on the silent hallway, napaisip ako.

Alam kong ang grupo ni Isaac ang unti-unting babago sa akin. Pero hanggat maaari ay pipigilan kong magtiwala sa kanila. I can't trust anyone anymore. Hindi ko kakayaning masira nanaman kapag nagtiwala ako. Dahil lahat ng taong pinagkatiwalaan ko ay sinira ako. And I can't afford to be destroyed again. Not again.

****

Alexandria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon