Chapter 33: In His Arms

4.3K 158 3
                                    

EDITED VERSION

*********

Third Person's POV

Pinapanood ng lahat ang nangyayari sa loob ng Arena. Si Hunter ay nakatutok ang mata sa screen kung saan ipinapakita si Althea na ika-ika maglakad dahil sa mga natamo nitong sugat.

Hanga siya sa dalaga dahil halata sa mga mata nito ang determinasyon na mahanap ang kagrupo. Saksi siya sa pinagdaanan ni Althea kaya masasabi niyang matatag ito at matapang.

Pero napatayo siya nang makitang bumagsak sa lupa ang dalaga at hirap itong makatayo. "Shit! Anong nangyayari?!" sigaw niya. Nilingon siya ng lahat pero wala siyang pakialam. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang dalaga na nanghihina na.

"Hunter, calm down. Hindi ka rin naman maririnig ni Althea. So, sit down." Hinawakan ni Rica ang braso niya at pilit siyang hinihila paupo pero tinabig niya lang 'yon dahil labis talaga siyang nag-aalala para kay Althea.

"Lalabas lang ako. I need some fresh air." Hindi na niya hinintay ang sagot nito at agad siyang naglakad paalis sa Media Theatre, pero napahinto siya sa paglalakad nang may humarang sa kaniya. It was Isaiah. Ang nakatatandang kapatid ni Isaac.

"Hey, man!" Akmang yayakapin siya nito nang humakbang siya palayo at tinabig niya ang kamay nito.

"What do you want?" Puno ng iritasyon ang boses niya. Simula nang mga nangyari noon, hindi na niya ito inimik pa. Siya ang may kasalanan kung bakit naputol ang magandang samahan nila ni Isaac.

Oo nga't nagustuhan niya noon si Rhian Serina. Pero nagpaubaya siya para kay Isaac dahil nakikita niyang mahal din naman ito ni Rian. Pero siniraan ni Isaiah si Hunter sa nakababatang kapatid nito.

"Tss. Ganiyan mo ba ako batiin? Oh come on, man! I didn't mean to--"

"Na siraan ako sa kapatid mo? You know what? Fuck you! Lumayas ka na sa harap ko. Wala ako sa mood makipag-usap sa tarantadong katulad mo." Nilagpasan niya si Isaiah pero hinawakan nito ang braso niya at hinila siya.

"Inaagawan mo kasi ako. I'm the older brother pero mas itinuturing ka pa niyang kapatid!" pag-aamin nito na mas lalo pang nagpagalit kay Hunter. Napaisimid siya at muling hinawi ang kamay nito.

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo?! Isaac lost me and he lost you, too. Dahil sa ginawa mo, pareho tayong nawala sa kaniya. At inaasahan mo pang itatrato ka niya bilang nakatatandang kapatid?" Humalakhak siya pagkatapos ay sinamaan ito ng tingin. "Hindi tanga ang kapatid mo, Isaiah. Huwag mo siyang idamay sa pagiging makasarili mo."

"Fine, I'm sorry--" hindi na nito natapos pa ang sasabihin nang makarinig sila ng sigaw mula sa loob ng Media Theatre kaya tumakbo sila at tiningnan ang nangyayari. Napangiwi si Hunter nang makita ang haharapin na halimaw ni Althea. Wala nang lakas ang dalaga pero nagawa pa nitong makatayo at magtago sa likod ng isang puno.

"You can do this, Althea," bulong ni Hunter sa sarili. Kilala niya ang dalaga, wala itong inuurungang pagsubok.

-----

Althea's POV

Napasandal ako sa puno nang muling kumirot ang balikat at ang binti ko. Naririnig ko pa rin ang pag-ungol ng halimaw na unti-unti nang lumalapit sa kinaroroonan ko.

Muling tumulo ang luha sa mga mata ko. Agad ko 'yong pinunasan, I don't want to be weak in this kind of situation. Sinilip ko ang halimaw. Ilang puno na lang ang layo niya at maaaring maamoy niya na kung nasaan ako. Kaya agad akong nag-isip ng plano.

My eyes flickered kasabay ng paglabas ng apoy sa kamay ko, I ran towards the nonster at inihagis sa kaniya ang apoy. Napasigaw ito nang tumama ito sa mukha niya, pero bago pa ako makalapit at mapatay siya ay tinulak ako nito nang malakas at tumilapon ako sa damuhan. Napaubo ako ng dugo sa labis na sakit ng likod ko. I was about to stans up when the monster grabbed my foot and pulled me.

Nakaladkad ang likod ko sa lupa kaya napasigaw ako sa sakit at naglabas ako ng yelo sa kamay. It formed into a dagger and I stabbed his arm para mabitawan ako.

Muli akong naglabas ng yelo at muling nag-forn ng mahabang espada pagkatapos ay sinaksak 'yon sa tiyan ng halimaw na agad bumulusok sa lupa at namatay. Nanghihina ang mga tuhod ko kaya napadausdos na rin ako sa lupa kasabay ng panginginig ng likod ko sa sakit. Pakiramdam ko, anumang oras ay magshu-shutdown na ang katawan ko.

Hindi pa ako nakakatayo ay nakarinig na ako ng pag-ungol hudyat na may halimaw nanaman. Napahigpit ang hawak ko sa dulo ng damit ko. Na para bang doon ko kinukuha ang lakas.

Using my strength, lumapit ako sa isang puno at itinago ang sarili ko ro'n. In this kind of state, hindi ko na magagawang lumaban kung susugurin ako ng halimaw at maaaring katapusan ko na. Lalo na nang marinig ko ang malakas na sigaw ng halimaw at hinugot nito ang punong kinasasandalan ko kaya napadausdos na ako ng tuluyan sa lupa.

Nawawalan na ako ng lakas na idilat ang mata ko o itaas man lang ang kamay ko para maglabas ng apoy. "I-Isaac..." I don't know why I uttered his name. Basta ang alam ko lang, I want to see him. I want to see if he's okay even if I'm not.

"Isaac..." Hahawakan na sana ako ng halimaw nang tumigil ito at may lumabas na dugo sa bibig. My vision became blurry pero natanaw ko ang pagbagsak ng halimaw sa lupa. May dumating. Someone saved me.

"Althea!" Nang marinig ko ang boses na 'yon ay tuluyan na akong napaluha. He came. My system is shouting for his name. I felt his warm hands on mine kaya napadilat ako and I saw a lot of blood dripping from his head. Duguan siya at napakarami na niyang natatamong sugat. But he chose to save me.

"I-Isaac...I want to rest," I muttered but enough for me to hear. Ramdam ko ang pag-angat ko sa lupa, he's carrying me kahit na hirap na hirap na rin siya dahil sa mga natamo niyang sugat.

"Then rest, in my arms. I'm here now, Althea," sabi niya kaya mas lalo akong napaluha. He came and saved me despite of everything he'd been through because of me. Tuluyan na akong nawalan ng malay sa mainit niyang bisig.

Even how many times he hurt me, I'll always truly love him. Isaac, I will always find my way back to you.


**********

Alexandria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon