EDITED VERSION
*****
Althea's POV
Marahan kong binuksan ang pinto ng training room trying not to make a noise but it did. Pagbukas ko ay kompleto na sila Isaac sa loob at ako na lang ang kulang. Kaka-discharge ko lang kasi sa clinic, pero dumiretso na agad ako rito.
"Sorry, I'm late." Umupo ako sa bakanteng upuan at nagsimula na rin magsalita si Isaac na saglit huminto dahil sa pagdating ko.
"This week will be much more hectic dahil hanggang ngayong linggo na lang tayo sasabak sa mga training. Sa sabado, may sasakyang maghahatid sa atin patungo sa arena kung saan magaganap ang 23rd Tournament." Isaac sighed. I can see the nervousness on his face right now and I know why. Sa kaniya nakaatang ang malaking responsibilidad ng grupo. He needs to be strong for us.
"We will be escorted towards the Realm of Monsters. 'Yon ang tawag sa lugar kung saan tayo lalaban dahil ang kalaban natin doon ay hindi lang ang grupo ng mga taga-Magical University. We're going to fight monsters."
Bumuntong hininga ako at humarap sa kay Kristian, who happens to be sitting beside me. "Hey! Kailan nga ulit ang Grand Magical Ball? I thought this week, we will be busy?"
"Yes, we will be busy, but a tradition will always be a tradition. In fact, dalawang Ball ang magaganap, una ang Grand Magical Ball which is tomorrow, while the Enchanted Ball will happen in friday night. Nine o'clock pm. And we are expecting you to attend. Necessarily, we need to attend or else, Isaac..." Itinuro niya si Isaac na patuloy pa rin sa pagsasalita. "Will be mad."
Hindi na ako nakasagot at napatingin na lang ako kay Isaac. Is he really going to be my date? I wonder what he looks like wearing a tuxedo, or any formal attire. I shook my head, ano ba 'tong iniisip ko?
Umalis na sila Cath dahil may klase pa sila at naiwan kami ni Isaac sa loob ng training room. Lumapit ako sa kaniya habang inaayos niya ang mga armas na gagamitin daw namin mamaya sa training.
"Isaac..." Natigilan siya at nilingon ako. He smiled but it vanished when he saw my serious expression. "I'm leaving as soon as this tournament ends."
His jaw clenched, he dropped the sword he was holding and looked at me intently. "No. You belong in here, Althea."
Napapikit ako, I feel frustrated. "Isaac, you belong here. Not me. My real home is out there. And as long as I'm here, you're distracted and I don't want that--"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay ipinaglapat niya ang mga labi namin. He held my waist, making me flinch. Pakiramdam ko sobrang pula na ng pisngi ko nang mga oras na 'yon.
"Althea, what am I to you?" Hindi ako nakapagsalita nang itanong niya 'yon. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam. I fear that one day, what I feel for him will hurt me so much. Natatakot ako sa puwedeng mangyari.
"I don't know." Nagkibit-balikat ako. He smiled, a half one and I felt his lips again.
"I don't care how long it takes for you to love me back, because I love you. And I don't want to lose you, Althea. So, please don't leave." Kusa akong napatango. Tila umiikot na ang mundo ko sa kaniya at hindi ko alam kung bakit halos sumabog na ang puso ko.
*******
"This group will be divided into two. Para mas maging madali ang magiging takbo ng training. Kristian, Kurt, and Althea. You're the first group. Lydia, Cath and Me will be the second. Ang unang grupo ay nakadestino sa gubat. Pagkabukas ng illusion simulator, magsisimulang tumakbo ang oras na nakakabit sa wrist ninyo," paliwanag ni Isaac sa mangyayari.
Sinuot na namin ang aming mga gears dahil kami ni Kurt at Kristian ang unang sasabak sa training. "Bago matapos ang oras ninyo, dapat ay nahanap ninyo na ang red flag sa loob ng illusion. Ganoon din kami. There are monsters inside the illusion at 'yon ang magsisilbing hindrance para mahanap ninyo ang flag."
Muli siyang nagsalita. "Masusubok ang teamwork natin dito. Hindi lang ang buhay nimyo ang dapat niyong ingatan. Pati na rin ang mga kasama niyo. I want no scars, wounds, hanggat maaari maging matalas ang pandinig at pakiramdam ninyo."
I smiled. He's a good leader, president, and a friend. He has everything. I don't even know why he likes me. He has everything and he can get someone better than me. Bakit ako pa na walang kasiguraduhang kaya siyang mahalin pabalik?
"I repeat, I want my members complete after this bloody day of training. Be wise," Isaac said. Napansin ko ang panginginig ng kamay niya. Kinakabahan siya sa puwedeng mangyari. Naka-red gear kami, habang ang grupo naman ni Isaac ay naka-blue, palatandaan kung saan kaming grupo.
Kurt and Kristian started to fix the simulator. Lumapit ako kay Isaac at hinawakan ang nanginginig niyang kamay. Nagulat siya sa ginawa ko, pero maya-maya ay napangiti rin. Sinakop ng dalawang kamay ko ang isang kamay niya at inilapit 'yon sa bibig ko, pagkatapos ay hinipan ko.
"What are you doing?" nakangiting tanong niya sa akin. I smiled back.
"Hinihipan ko kasi ang palad ko every time na kinakabahan ako, baka sana gumana sa 'yo." Binaba ko ang kamay niya pero iniangat niya ulit 'yon.
"Do it again, it calms me." Napangiti ako at hinipan ulit 'yon. "You never fail to amuse me."
Umiwas ako ng tingin dahil pakiramdan ko ang pula-pula na ng pisngi ko.
"Hoy, training na. Mamaya na 'yan!" Nagtawanan kami nang sabihin 'yon ni Kurt.
Nilingon ko si Isaac bago pumasok sa illusion. "We're here for you." Napangiti siya nang malawak dahil sa sinabi ko at nang lingunin ko ang kamay niya ay natigil na ang kaniyang panginginig. Good.
*******
BINABASA MO ANG
Alexandria Academy
Fantasy"You knew how hard it was for me to trust people! You knew what I've been through, but you still broke me!" Althea Genovie grew up without someone to lean on. Kaya't sa tuwing may gustong pumasok sa buhay niya ay itinutulak niya palayo. Her life rev...