Chapter 32: Destruction

4.2K 160 18
                                    

EDITED VERSION

*******

Althea's POV

Lumipas ang ilang minutong nakaupo ako sa ilalim ng puno at nagpapahinga. Hanggang sa naisipan ko nang kumilos dahil lumilipas na rin ang oras. I already encountered four monsters. Ang ibang parte ng damit ko ay punit na at punong-puno ng dugo. Mabuti na lang at may tube ako sa loob. Exposed ang ilang parte ng balikat ko, mabuti na lang at hindi gaanong malamig dito. My jeans were slightly ripped on the knee part dahil sa halimaw kanina na hinila ang binti ko gamit ang mahaba nitong kuko. My bare arm was already wounded. My points keep on rising as I encounter monsters.

I already have five points. Habang nagtatagal ang tournament, mas lalo kong nararamdaman ang panghihina ng katawan ko, pero kahit isa sa teammate ko, hindi ko pa nakikita.

Natigil ako sa paglalakad nang makarinig ng kaluskos sa kaliwang bahagi ng tinatahak kong direksyon. Nagtaasan ang balahibo sa katawan ko nang makarinig ng pamilyar na ungol ng isang halimaw. Lumingon ako at hindi nga ako nagkamali. There's a monster standing and looking at me as if it wants to devour me. Oh crap.

Bagsak ang balikat ko dahil halos kakatapos ko lang pumatay ng halimaw at kumikirot pa ang sugat ko pero ito nanaman at may panibagong halimaw nanaman akong papatayin.

I ran, nagtago ako sa likod ng puno at inilabas ang ginawa kong sandata na gawa sa sanga ng puno. Matulis ang dulo nito at sapat na para makapatay ng halimaw.

Umungol nang malakas ang halimaw at napadausdos ako sa lupa nang biglang hugutin ng halimaw ang puno na tinataguan ko mula sa lupa at hinagis ito sa malayo. Kumpara sa mga na-encounter ko kanina, mas malaki ito at mas malakas. Tatakbo na sana ako nang hilahin niya ang paa ko at ramdam ko ang pagbaon ng kuko niya sa balat ko. Kaya halos mapaiyak na ako sa labis na sakit. Hinihila niya ako palapit sa kaniya pero pinipilit kong abutin ang panaksak na nahulog at nabitawan ko kanina. Pero hindi ko magawang maabot.

"Shit!" I cursed at napapikit na ako sa labis na sakit. Mas lalo pa niya akong hinila at mabuti na lang na agad kong nakuha ang sandat at sinaksak siya sa kamay kaya nabitawan niya ako.

Ika-ika akong tumayo at binilisan ang pagtakbo habang iniinda niya ang sugat. Nagtago ulit ako sa isang puno hindi kalayuan sa kaniya. Hawak ko parin ang binti kong walang tigil sa pagdugo at pagkirot. My breathing became rigid as pain enveloped me. Napapikit ako sa sakit at mahigpit na napahawak sa sandata. Naririnig ko ang palapit na paghakbang ng halimaw.

Nag-isip ako ng paraan at dumako ang tingin ko sa isang sapa na nasa di kalayuan sa pinepuwestuhan ko. Pero hindi 'yon ang nagpatigil sa akin. Mayroong sanga ng puno na nasa gilid ng sapa at ang isang dulo nito ay matulis.

Kung ang ginawa kong sandata ang gagamitin ko sa pagpatay sa halimaw, hindi ako magtatagumpay dahil masyadong maliit ito para sa halimaw na triple ang laki sa akin.

Nang makaisip ako ng plano, sinilip ko ang halimaw at medyo malayo pa siya sa akin. Kaya tumayo ako at hinarap siya.

"Hey!" Napalingon siya sa akin at nagngitngit ang ngipin niyang naglalaway. "Come and get me!" Tumakbo ako papunta sa sanga at narinig kong hinahabol niya ako. Sinikap kong tumakbo kahit na nagdudugo pa rin ang sugat ko at anumang oras ay maaari akong himatayin sa sakit na lumulukob na sa binti at braso ko.

Muling umungol nang malakas ang halimaw at ramdam kong sobrang lapit na niya sa akin. Hindi na ako nagtataka. Doble ang laki sa akin ng halimaw at malalaki ang hakbang nito kaya mabilis niya akong mahahabol. Pero kailangan ko paring magawa ang plano ko.

Nang makalapit na ako sa sanga, mas binilisan ko ang takbo at pinulot ang may kabigatang sanga. Iniangat ko yun at humarap sa halimaw kasabay ng pagtalon niya sa akin ay tumusok sa dibdib niya ang sanga at tumalisik din ako sa tubig.

Alexandria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon