EDITED VERSION*****
Althea's POV
When I was a kid, someone once told me that I should not be afraid of the dark. And it turns out that darkness became my companion. I'd rather be in the dark than be in the light and be hurt.
Natatakot ako, e. Takot na takot ako. It may sound funny, But I'm weak. Mahina ako dahil ayaw kong nasasaktan. That's why I don't want anyone to get close to me. Kasi kapag napalapit ka sa mga tao, they will have the power to hurt you.
And I can't afford to be hurt because I'm already broken. No one can fix me.
"Nandito na tayo sa training room." Huminto kami sa tapat ng isang pinto. Binuksan 'yon ni Isaac at bumungad sa amin ang napakalawak na kwarto. But in the side of the huge room, mayroong metal table na mahaba. Nilapitan ko 'yon at namangha ako. There are lots of fighting gears, swords, bow and arrows, katana, and high quality guns.
Nilapitan ko 'yon at hinawakan ang espada. Ang hawakan nito ay kulay itim at may nakaukit na silver lining. Napangiti ako nang maalala kung ilang araw pa lang ako rito
Ilang araw na ako rito sa Academy. Pero hindi ko magawang maging komportable sa kanila. Lalo na nang sabihin ni Lydia sa akin ang totoong mayroon sa paaralan na ito.
They have freaking powers and how can I live with that? I mean, I know I have that, too. Pero hindi ko naisip na mayroong paaralan na magtuturo kung paano gamitin ito.
Ang kapangyarihan na mayroon sila ay nakabase sa kulay ng kanilang mga mata. Red-eyed students have the power of fire and air. While, blue has the power of ice and water.
Si Isaac, at ang magulang niya ay mayroong naiibang kulay ng mga mata. His father has a violet pair of eyes which consits of three powers, fire, ice, and air. While his mother has a forest green pair of eyes. Tatlo rin ang kapangyarihan nito. Nakuha ni Isaac ang mata niya sa kaniyang ina.
"Althea." Lumingon ako sa likod ko. "You can use that." Napatingin ako kay Isaac. Pinagmamasdan na pala niya ako. "Pwede mong magamit yan sa 23rd Tournament. Kung yan ang gusto mo."
"Sure," tipid kong sagot at tinalikuran ko siya. Bigla akong hinila ni Cath palapit sa kanila at doon ko napansin na nakasuot na pala sila ng fighting gears. Napalingon ako kay Lydia na hindi pa sinusuot ang kaniya.
"Sit down," utos ni Isaac. Umupo kami at naglabas ng mini blackboard si Isaac. Then he wrote the word "The 23rd Tournament".
"Where is the hoaxer?" tanong ni Isaac. Lahat naman sila ay napatingin sa direksyon ko.
"What?" nagtataka kong tanong sa kanila.
"You're the hoaxer!" sigaw nilang lahat sa akin. Napairap na lang ako at tumayo.
"Where are the warriors?" Nagtaas naman ng kamay si Kristian at Kurt. Alam na nila kung ano ang posisyon at kung anong gagawin nila. Samantalang ako ay wala pa ring ideya.
"The Healer?" Cath raised her hand. So, she is the healer? "The shooter?" Then Lydia stood up. Si Isaac ang leader. He possesses the ability of leeadership and it suits him. Agad naman akong napailing sa iniisip.
Then Isaac started to explain our responsibilities to the group. "Cath, as a healer. You are tasked to find the member as soon as you can. You must study the whole arena." Tumango lang si Cath sa sinabi niya.
"Lydia, you need to be more aware of how our enemies will move. Kapag tayo ay tumungo sa Magical University, suriin mo ang bawat isa sa kanila. Look at their profiles. Kabisaduhin mo kung paano sila gumalaw." Walang anu-ano'y tumango si Lydia. Makikita mo sa kanila ang paggalang kay Isaac kahit pa magkakaedad lang sila.
"Kurt and Kristian, warriors' job is to fight, endlessly. Hanggat may makukuha kayong points, huwag kayong titigil. Isasabak kayo sa maraming traininings until you're ready."
Nilingon ako ni Isaaxc. "Hoaxer's job is to distract and deceive other players inside the arena. Pero katulad din ng warrior at ng shooter, hoaxer has to fight for the group, too. Kaya isasabak ka rin sa maraming trainings," paliwanag sa akin ni Isaac.
"Leader..." Napabuntong hininga si Isaac. "I have to stay alive para hindi masayang ang points na makukuha natin sa loob ng arena."
"What makes this tournament deadly?" tanong ko out of nowhere.
Muli akong tiningnan ni Isaac. "This tournament measures our ability to fight. Kumbaga, stepping stone lang ito ng Alexandria Academy. Sinusubok lang dito kung gaano na ba kahanda ang Academy na ito kapag nagkaroon ng digmaan. Kaya mayroong mga pinipiling estudyanteng handang isugal ang buhay nila at tayo 'yon."
Tiningnan niya kami isa-isa. "Try to stay alive or I'll kill you," sabi nito na nagpatawa sa kanila.
"We will, President," sabay-sabay nilang sabi. Napansin ko naman ang emosyon ni Isaac. He's happy, and at the same time kinakabahan. Natatakot siya. Pero bakit? He's so much ready for this.
"Let's start the training!" sigaw niya at nagsitayuan na kami. They gave me fighting gears to wear. "Lahat tayo ay sasabak sa training for us to know how to defend ourselves inside the arena."
Nang marinig ko 'yon ay hindi ako makapaniwala. May ganito pa lang mundo, ano? Ang mundong magpapabago sa lahat ng pinaniniwalaan mo noon.
"First fight, Cath vs. Althea!" Agad akong nagulat nang marinig ko 'yon. Hindi pa ako marunong pero isasabak na nila ako sa laban at kay Cath pa?
"Start the simulator," sabi ni Isaac kay Kristian. Agad namang ginawa ni Kristian ang sinabi ni Isaac. Cath and I walked in the middle of the room. Kinakabahan ako pero hindi ko pinapahalata.
"Ready?!"
"1"
"2"
"3"
"Go!"
Then the next thing happened, nasa isang forest na kami ni Cath. Hindi ko na makita ang iba pa naming kasama pero alam kong nandiyan lang sila. Pinapanood kami. It's just the simulator that brought us in this illusion. Sigurado ako roon dahil 'yon ang pinaliwanag ni Isaac kanina.
"Let's start. Shall we?" Cath's voice isn't like the usual. Tila seryoso siya sa laban na ito.
Tumango ako. Lumingon ako para maghanap ng armas na magagamit namin pero wala. Shit! Paano kami maglalaban nito?
"Use your power, Althea." Napatingin ako kay Cath nang sabihin niya 'yon. His eyes are glowing, and her hands as well. Napaatras ako.
"I-I don't have any--" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil naghagis siya ng isang ice ball na naging dagger na agad ko namang iniwasan. Tumarak 'yon sa punong nasa likod ko.
Nanlalaki ang mata ko habang pinoproseso ko pa rin sa isip ko ang nangyayari.
"Althea, your eyes are different just like ours," rinig kong sabi ni Cath. I looked at my hands. Tila kumikirot ang palad ko na para bang may gustong lumabas doon pero pinipigilan ko. I'm afraid I can't control it.
"Huwag mong pigilan, Althea. This training will help you control it. Huwag kang mag-alala, walang mapapahamak." Cath's voice echoed on my head. Walang mapapahamak? Pero ilang beses na akong nakasakit dahil sa sumpang kapangyarihan na mayroon ako.
"Trust me," sabi ni Cath dahilan para mapalingon ako sa kaniya. Then I felt my hands are heating. Napaigtad ako nang may apoy na lumalabas galing doon pero hindi ako napapaso.
"I knew it," Cath said then smile. Naglabas siya ng yelo at inihagis 'yon sa akin pero sinalo lang 'yon ng kamay ko at nalusaw.
Tama, walang laban ang yelo at tubig sa apoy. I smirked. I guess this is not bad after all.
*******
BINABASA MO ANG
Alexandria Academy
Fantasy"You knew how hard it was for me to trust people! You knew what I've been through, but you still broke me!" Althea Genovie grew up without someone to lean on. Kaya't sa tuwing may gustong pumasok sa buhay niya ay itinutulak niya palayo. Her life rev...