EDITED VERSION*******
Althea's POV
I looked at my bedside table, it's already four in the afternoon. The hallways are busy as well as those students that are now excited because of the ball that will happen later. Pero ako? Ni hindi ko magawang tumayo at lumabas dito sa dorm ko. I just want to rest for a while and have a break.
Until someone knocked on my door. Tumayo ako at binuksan 'yon. "Hunter?" Nilingon ko ang hallway, mabuti na lang at magkakalayo ang dorm at wala masyadong estudyanteng dumaraan dahil busy silang nag-aayos. Kun'di, malalagot kami ni Hunter pareho.
"Why aren't you preparing?" tanong niya pagkapasok sa loob ng dorm ko. Prente siyang umupo sa sofa at nilingon ako. "You should attend."
"I don't want to." Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama ko at hindi siya pinansin pero lumapit siya sa akin at hinila ang braso ko. "What?!" I whined.
"Come, may pupuntahan tayo." Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako patayo.
----
Bumuntong hininga ako. "What the hell are we doing here, Hunter?" We're standing in front of the Crystal falls. The crystal clear water amuses me. Isama mo pa ang magagandang bato sa ilalim ng tubig na kitang-kita at mga magandang puno na nakapaligid sa falls.
I smiled. It's been almost a year the last time I got here. Sino ba namang mag-aakalang magiging parte ako ng ganitong klaseng mundo? It all happened so fast I can barely keep up. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsisi sa mga nangyari, o dapat akong matuwa dahil sobrang dami kong naunawaan at nabago sa sarili ko. The old me is fearful, a coward. Yet the new me is strong. But, an idiot. Why didn't I saw that coming? Matalino ako, pero bakit sa pagmamahal, ang tanga ko?
"Catch up!" Nagulat ako nang itulak ako ni Hunter sa tubig kaya napasigaw ako lalo na nang lukubin ng tubig at lamig ang buong katawan ko.
Pag-angat ko galing sa tubig ay narinig ko ang malalakas na halakhak ni Hunter. I glared at him. "What the hell is wrong with you?!"
He stopped laughing. Umupo siya sa lupa at nilubog ang paa sa tubig. "Your world won't stop, Althea. This is just a plot twist on your own book. A conflict, and do you think a protagonist will stop just because she's hurt? No. In fact, she's going to be much more stronger than she was. Huwag mong itigil ang mundo mo dahil nasaktan ka nila."
"I'm not strong--"
"Then, be strong. Not for other people, but for yourself. Paano naman ang mga taong gusto rin maging parte ng mundo mo?" makahulugan niyang tanong kaya nilingon ko siya.
I walked and sat beside him. "I don't want to attend because I don't want to see him," pag-amin ko. Pakiramdam ko, kapag nakita ko siya ay hindi ko mapipigilan ang nararamdaman ko. Magsisinungaling ako sa sarili ko kung sasabihin kong wala na akong nararamdaman para kay Isaac.
He chuckled. "Pero pinapaliit mo lang ang mundo mo, Althea." Ramdam ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Does he expect me to cry again just like what I did earlier and yesterday? But I'm not that kind of girl. I don't cry a lot, umiiyak lang ako kapag sobra na. Kapag hindi ko na kaya. Pero hanggat kaya ko, pinipigilan ko. Nasasaktan ako, oo. But I'm not that weak.
"What happened to you?" Hunter asked, still looking at me with his confused gaze. "That you became like this...fragile and broken."
Napapikit ako at inalala ang lahat nang nangyari sa buhay ko. Kung tutuusin, mas marami pa ang masamang pangyayari sa buhay ko kaysa maganda. Life is cruel. Society is cruel. People are cruel. All I want was to be accepted. Pero nang pakiramdam kong tanggap na ako, ginagamit lang pala ako. In the end, they're all just the same.
"My life would be better if my foster parents didn't die. Mr. and Mrs. Genovie gave me a good life when I was a kid, I didn't mind everything that people said about me, because I have them. But everything turned upside down when they died in a car accident. Mas lalo pa akong kinamuhian ng mga tao, lalo na nang mamatay ang mga sumunod na umampon sa akin. Isa raw akong sumpa," paliwanag ko. Habang inaalala ang lahat nang 'yon, gusto kong magalit sa sarili ko. Pakiramdam ko, kasalanan ko ang lahat.
Tahimik lang si Hunter at nakatanaw kami pareho sa tubig na bumabagsak galing sa itaas na bahagi ng falls, hinihintay niya ang susunod kong sasabihin. "Kaya every time na may gustong umampon sa akin, tumatakas ako sa convention center. I don't want to cause any more problem. But then, nahanap ako ni father. 'Yong pari na umampon sa akin. I thought everything will change. Instead, he turned out to be just like the other foster parents I had. He died, too. And this time it was my fault--"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay hinila ako ni Hunter at mahigpit niya akong niyakap. Napapikit ako at may tumulong luha galing sa mata ko. Kahit anong pagkalimot ang gawin ko, masalimuot pa rin ang lahat at patuloy ko pa ring naaalala kung ano ang mga nangyari.
"Hush, you don't have to hate yourself anymore." He caressed my hair. "Everything that happened, it wasn't your fault. It wasn't your fault to be yourself, Althea."
Bata pa lamang ako, sentro na ako ng mga mapanghusgang tao, dahil sa mata kong magkaiba ng kulay. Some are amused about it, but some people find it creepy and scary. Sabi nila ay isa raw akong sumpa at lahat nang mahahawakan ko ay maglalaho o mamamatay. Pero hindi ko 'yon ginusto. Wala akong ginawa na ikapapahamak ng ibang tao. All I ever did is to be myself, but it turns out to be a wrong decision for the society. I don't even remember who I am before these happened.
Hunter caressed my face. "You know what I like about you?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya pero agad naman akong umiling. "You're the color of the sky in every sunset."
Hindi ko maiwasang mapangiti. For a minute, he helped me forgot what's ahead of me. "Cringe!" Tinulak ko siya sa tubig katulad nang ginawa niya sa akin kanina kaya natawa ako at pag-ahon niya ay tinalsikan niya ako ng tubig.
"Let's go back. We're going to attend to the Ball." Nanlaki ang mata ko sa sinabiniya. Umiling ako at tumayo. He went out of the water.
"I don't want to." Nagsimula kaming maglakad pabalik sa Academy. Pero tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako.
"Be my date, Althea. Please?" I was shocked at hindi ako makasagot sa tanong niya.
Come to think about it, Hunter is always there for me pero ako, wala pa akong nagagawa para sa kaniya. Maybe this is the right time to make it up with him. After all, he's right. Hindi hihinto ang mundo ko dahil lang nasaktan ako. There's more to life than this.
"Sure."
********
BINABASA MO ANG
Alexandria Academy
Fantasy"You knew how hard it was for me to trust people! You knew what I've been through, but you still broke me!" Althea Genovie grew up without someone to lean on. Kaya't sa tuwing may gustong pumasok sa buhay niya ay itinutulak niya palayo. Her life rev...