Chapter 30: Realm of Monsters

4.8K 154 3
                                    


EDITED VERSION

******

Althea's POV

Natapos ang gabing 'yon at hindi na ako bumalik pa sa hall, nagpahinga na ako agad dahil maaga kaming susunduin papunta sa Arena o tinatawag nilang Realm of Monsters.

Bago pa tumunog ang alarm clock ko ay nagising na ako eksaktong alas tres ng madaling araw. Five o'clock daw ay kailangan nasa labas na kami ng Academy dahil nandoon na ang sasakyan.

I went on the bathroom and looked at myself in the mirror. Kinuha ko ang gunting na nakalagay sa sink at hinawakan ang buhok ko.

--------

Paglabas ko ng Academy ay bumungad sa akin sila Isaac na tila ako na lang ang hinihintay. Paglapit ko sa kanila ay hindi maalis ang tingin nila sa akin.

"You cut your hair," pagbati ni Hunter sa buhok ko. I didn't know na kasama rin pala sila ni Rica papunta sa Arena. "It suits you."

Napangiti ako at sumakay na kami sa sasakyan. Si Mr. Hawkins at Mrs. Athena ay magkasama sa sasakyan, kasama rin nila si Isaac dahil kakausapin daw nila ang team leader. Nandoon din si Rica bilang representative sa former group.

Katabi ko si Hunter sa sasakyan pero hindi ko siya kinikibo. Gusto kong mag-sorry dahil hindi ko siya binalikan kagabi. Pakiramdam ko kasi, pagkatapos nang nangyari, e hindi ko na kaya pang harapin siya at pumasok doon sa loob kaya bumalik na ako sa dorm.

I felt his hand on mine kaya nilingon ko siya. "Everything will be okay, Althea." Tumango ako dahil 'yon din ang sinasabi ko sa sarili ko. After all, pagkatapos ng lahat ng ito ay babalik na ako sa totoong mundo na kinalakihan ko.

Tahimik lang kami buong byahe, walang nagsasalita kila Lydia, Cath, Kurt, at Kristian. Ganoon din kami ni Hunter. Wala akong balak kibuin ang kahit sino sa kanila.

Madilim pa sa mga dinaraanan namin dahil pasikat pa lang ang araw ng mga ganitong oras. Sa tingin ko ay mahaba-haba ang byahe patungo roon kaya sumandal muna ako sa salamin at natulog.

Nagising ako nang may mga kamay na humawak sa dalawang balikat ko, pagmulat ng mga mata ko ay bumungad sa akin si Hunter.

"We're here." Agad naman kaming lumabas ng sasakyan at natigilan ako sa nakita. Nasa harap kami ng isang napakalawak na building at hindi ko maiwasang mamangha. The materials used on building it looks strong to be able to use it as Realm of Monsters. Hindi ako makapaniwalang may ganitong klaseng gusali rito sa mundong ito.

Lahat kami ay napatingin nang may mag-park ja sasakyan sa tabi ng amin at sabay-sabay kaming napalingon doon nang lumabas galing rito ang Team Magical University.

Amanda smirked at me and rolled her eyes as they walk towards the building with an escort. Sabay-sabay naman kaming napatingin sa isang lakaking siguro ay nasa middle age at nakasuot ng formal suit na biglang tumayo sa harap naming lahat. May kasama itong dalawang babae nakasuot ng uniform.

"Good morning, Team Alexandria. I'll be your escort for today, I'm Robert. Mayroon kayong pitong oras para magpahinga at pagkatapos no'n ay magsisimula na ang Tournament," anunsyo nito sa amin. "Sumunod kayo."

Gaya ng sinabi niya ay sumunod kami sa kaniya, pero humiwalay sa amin si Hunter at Rica. Hiwalay siguro talaga sila sa grupo. Tahimik lang kaming naglakad papasok sa loob ng Arena. Akala ko malawak na 'yon sa labas, pero may mas lalawak pa pala pagkapasok sa loob.

Mayroong mga taong nakasuot ng lab gown, I think they are scientists or doctors who are in charge for the Tournament. Mayroong mga malalaking flat screen television na makikita sa kanang bahagi ng malawak na hall, at mayroong mga upuan sa harap no'n na tila puwedeng manood ng isang palabas.

Alexandria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon