EDITED VERSION******
Namangha ako nang makita ang kabuuan ng napakalaking gusali na ito. Right now, I feel like I'm standing in an enchanted place. Sa gitna ng gubat, may ganito kagandang lugar?
"Welcome to our school, Althea," bulong sa akin ni Lydia. Pinagmasdan ko ulit ang loob, a lot of frames are lining the wall. The floor is carpeted with a logo of fire. Chandeliers are giving enough light to emphasize the beauty of the place, there is a grand staircase in the middle of the huge hall. Doors and windows are all over the surroundings. Hindi ako makapaniwala sa nasasaksihan ko ngayon.
Hindi ko namamalayan na napapanganga na pala ako sa ganda ng lugar na ito.
"Stop drooling," mariin na sabi sa akin ni Isaac dahilan para samaan ko siya ng tingin. Hindi ako naglalaway! Namamangha lang ako!
"Greetings, Officers. Mr. And Mrs. Scott are calling you," sabi ng babae na nakasuot ng magandang tela ng damit. Kapareho niya ng suot ang mga naglilinis sa paligid. Pero mukhang siya ang mas nakatataas sa kanila.
"Okay," tipid na sagot ni Isaac at naglakad na kami papunta sa Grand Staircase. Pag-akyat namin doon, bumungad sa akin ang pader na may picture ng dalawang babae. Magkamukhang-magkamukha sila. A lot of their pictures are everywhere.
Tinitigan ko ang nakasulat na pangalan sa ibaba ng frame.
Katherine Smith and Zecharia Villanueva
'Yon ang pangalan ng dalawang babae sa larawan. Nilagpasan na namin ito at naglakad kami sa isang tahimik ngunit malawak na hallway. This place gives me chills.
"We're here." Pumasok kami sa isang kwarto. It's huge, a lot of bookshelves are covering the glass window. There's a fire place in the side of the room. May dalawang babaeng nakaformal attire. Nagmumukha silang elegante sa mga suot nila. Ganoon din ang dalawang lalaking nakacoat and tie. They have an aura of authority. May tindig sila na nakakatakot.
"Good morning, Mr. President," sabi nung magandang babae kay Isaac. Hindi na ako nagtakang si Isaac ang president. The others are following everything he says.
"Good morning, Mrs. Athena," magalang na sabi ni Isaac dahilan para matawa si Mrs. Athena na tinutukoy niya.
"Just like your mom. Always calling me Athena." Then Mrs. Athena laughed again.
"Who are you?" Napatingin ako sa lalaking nagtanong sa akin. Doon ko nakita ang asul niyang mga mata. Nakakamangha. Pero bakit naiiba ang mata ni Isaac. His eyes are forest green. Pero ang mas ikinagulat ko, wala akong katulad sa kanila. My eyes have different colors.
"Althea Genovie po," magalang kong sagot. Nagkatinginan sila atsaka humarap muli sa akin. Sinuri nila ako na para bang may mali sa akin.
"What are you doing here in the forest? Paanong nakapunta ka rito?" nagtatakang tanong sa akin ni Mrs. Athena.
"She's soaked with water and her head is bleeding. Isa lang ang ibig sabihin nito. She's from the other world," singit ng isa pang lalaki. Pinagmasdan ko ang sarili ko at basang-basa nga ako ng tubig. Idagdag pa ang nagdudugo kong ulo at ang buhok kong magulo.
"She needs to be healed right now. Isaac will lead her on the clinic," singit ni Lydia.
"We will talk to her first. Just give us a second," sabi ni Mrs. Athena. Kaya agad nagpaalam sila Cath at lumabas na. But I want to run towards them. Nakakasakal ang hangin dito sa loob. Pakiramdam ko hindi ako makahinga.
"Althea, I'm Mrs. Athena Hawkins the former leader of Alexandria Academy. And the mother of Cath. And he's my husband, Mr. Carlo Hawkins," pagpapakilala ni Mrs. Athena sa sarili niya at sa asawa niya.
"I'm Mr. Scott, the new leader of this Academy. And she's my wife. Mrs. Kaye Scott. We are the parents of Kurt," sabi naman ni Mr. Scott.
"What brought you here, Althea?" tanong sa akin ni Mrs. Athena. What brought me here? Ang mga paru-patong sinundan ko papasok sa gubat. Pero hindi ko magawang isagot 'yon sa kanila.
"I-I don't know," sagot ko. Hindi ko naman talaga alam na pagkagising ko mapupunta ako rito.
"Your eyes are different," rinig kong bulong ni Mr. Hawkins habang sinusuri niya ang mga mata ko.
"I think, you need to stay here." Nagulat ako sa sinabi ni Mr. Scott. Pati na rin si Mrs. Scott, Mrs. Athena, at Mr. Hawkins ay nagulat sa biglaang pagdedesisyon ni Mr.Scott.
"Why?!" sabay-sabay naming tanong. Ngumiti sa akin si Mr. Scott. A smile to encourage me. Parang nadadala ako sa mga ngiti niya. Pero paano ang pag-aaral ko?
"Paano po ang pag-aaral ko?" kunot noong tanong ko. Hindi ganoon kadaling lumipat ng school at mas lalong hindi ko alam kung totoo bang nangyayari ang lahat ng ito. Hindi pa rin ako makapaniwala. Tila nasa ibang dimension ako ngayon.
"It's okay, Althea. Alexandria Academy can help you to finish your studies. We will help you." Napatango na lang ako. Hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag. I know this place is not normal. May kakaibang aura ito na wala sa eskuwelahan na pinapasukan ko. Maybe because people here are generous. Ni hindi ko rin inisip kanina na kakausapin nila ako. No one talked to me like that.
"We are ready to help you, Althea. As long as hindi ko pa nahahanap ang kasagutan sa tanong ko, stay here. Study here. And be a student of Alexandria Academy." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mr.Scott.
"Be a student of Alexandria Academy."
Totoo ba ang narinig ko? Gagawin niya akong estudyante ng Academy na ito? Am I really awake? Shit!
Doon ko tila naunawaan ang lahat. Ang lugar na ito ang sasagot sa lahat ng katanungan sa aking isip na matagal ko ng hindi mahanap ang kasagutan.
******
BINABASA MO ANG
Alexandria Academy
Fantasy"You knew how hard it was for me to trust people! You knew what I've been through, but you still broke me!" Althea Genovie grew up without someone to lean on. Kaya't sa tuwing may gustong pumasok sa buhay niya ay itinutulak niya palayo. Her life rev...