EDITED VERSION
****
Althea's POV
Napaupo ako sa kama at sinuklay ang buhok gamit ang kamay ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog dahil sa sinabi ni Cath. Napatingin ako sa paligid, napakadilim. Hindi ako sanay na bukas ang ilaw kapag natutulog kaya sinadya kong patayin ang ilaw. Kinapa ko ang lampara sa bedside table at binuksan 'yon, kaya nagkaroon ng bahagyang liwanag.
Muli akong humiga sa kama at nag-isip, pero hindi rin nakatulong ang pag-iisip ko dahil mas lalo lang akong nagising. Kaya tumayo ako at pumunta sa kitchen para sana uminom ng tubig pero biglang may kumatok.
Nagsitayuan agad ang balahibo ko. Why would someone knock and visit me in midnight? Hindi ko na lang 'yon pinansin pero napaigtad ako nang muling kumatok.
Kaya marahan akong lumapit sa pinto at napabuntong hininga. Paano kung masamang loob ang nasa labas at gusto akong patayin?
Sinapo ko ang ulo ko. Silly me, I have powers for pete's sake. Kaya agad kong binuksan ang pinto at nanlaki ang mata ko.
Isaac is standing in front of me with a dark aura as if he's not feeling well at all.
"I-Isaac, anong ginagawa mo rito?" My voice sounded so flustered because I am. Anong gagawin niya rito nang ganitong oras?
"I miss you." Natigilan ako. For a moment, I feel my cheeks being heated up. Shit.
"A-Ano ba 'yang sinasabi mo--" I was cut off when he pulled me closer to him and hugged me. Tila tinakasan ako ng hininga nang mga oras na 'yon at gusto ko na lang na ganoon kami hanggang matapos ang gabing 'to.
"Can I stay here for awhile?" he uttered like he's really sincere. Napabuntong hininga ako at tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin. I looked at the hallway and then pulled him inside my dorm. Agad kong isinara ang pinto.
"Isaac, what if this time may makakita na sa 'yo rito? You're the president, alam mo ba kung ano ang sasabihin nila sa atin? Sasabihin nilang may namamagitan sa atin!" I want him to see how I hate issues. I don't want to drag him down. He's on top and he should stay there. He doesn't have to stoop this low for me. Ang layo ng pagitan namin.
Hindi ko gaano makita ang reaksyon niya dahil dim pa rin ang kuwarto at tanging ang lampara ko lamang ang nagbibigay ng kaunting ilaw.
"Maybe you're right," he said that made stop. "Baka nga kung ano ang isipin nila sa atin, and I want that. Gusto kong isipin nila na sa akin ka talaga."
Nangunot ang noo ko. "Isaac--" I was stunned when he held my face and kissed me. This time it was more intimate. I felt his soft lips, penetrating mine. It was as if he's asking me to kiss him back.
But he doesn't have to ask. Napakapit ako sa dulo ng damit niya nang mas lumalim pa ang halik na 'yon. Napaatras ako at naramdaman ko ang pinto. Nakasandal na ako ngayon habang patuloy pa rin siya sa paghalik sa akin.
I was losing my breath but for a moment, I don't want to stop. He gripped my waist and his kiss went to my jawline. Napapikit ako. Shit.
"Althea, what did you do to me? I'm getting fucking insane, do you know that?" His voice was husky. Tiningnan niya ako nang diretso sa mga mata. There are a lot emotions on his eyes but I can't name atleast one.
"Isaac, why do you like me?" Gusto kong malaman. Kasi ano ba ang dapat magustuhan sa akin? Mata ang unang nagmamahal. Kaya imposibleng nagustuhan niya ako dahil sa pisikal na aniyo ko.
"I don't know." Nagulat ako nang itapat niya ang kamay ko sa dibdib niya. "This heart of mine just couldn't stop thinking about you."
Napakagat ako sa aking labi. Bawat salita na nanggagaling sa kaniya ay nakapagpapahina sa akin.
"This is forbidden," I muttered. Maraming mata ang nakabantay sa akin, lalong-lalo na sa kaniya dahil siya ang presidente ng paaralang ito. I don't care about my reputation. I care about his. Ayaw kong masayang ang posisyong matagal niyang iningatan nang wala pa ako.
Niyakap niya ako nang mahigpit. We stayed like that dahil gusto niya raw ay ganoon muna kami. Gusto kong magprotesta pero hindi ko magawa. Part of me wants to push him away, but there's also a part of me that wants him to be here beside me. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sundin.
"Don't worry, Althea. Gagawa ako ng paraan," nang sabihin niya 'yon ay para bang may pinaplano siya.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong. He caressed my hair and kissed me on the forehead.
"I don't want to lose someone again, Althea. I can't." Bakas sa boses niya na miski siya ay nahihirapan pero ayaw niya lang ipahalata. "Just promise me one thing."
"Ano 'yon?" Hindi ko na napigilan ang mga braso kong yumakap na rin sa kaniya pabalik.
"Trust me and stay by my side. Maliwanag ba?" Para bang kontrolado niya ako dahil napatango ako agad.
Palagi niya akong tinatanong kung ano ba ang ginawa ko sa kaniya para maramdaman niya ang nararamdaman niya sa akin. Where in fact, ako ang dapat magtanong no'n sa kaniya.
What did he do to me? My whole system is shouting his name and I can't help but to think of him every single fucking time.
"But I don't want to promise," bulong ko. "Hayaan na lang natin ang mga mangyayari. Ayaw kong mangako, dahil lahat ng pangako ay hindi natutupad."
I heard him chuckled. "Okay, then. Don't promise. Just do it."
Tumango ako muli. "Bumalik ka na sa dorm mo at gabi na." Kumalas ako sa pagkakayakap at akmang bubuksan ko na ang pinto nang maramdaman ko ang kamay niya sa beywang ko, kaya napaharap ako sa kaniya.
I felt his warm lips again, kissing me. Pagkatapos ay agad siyang ngumiti. Umiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko ay ang pula na ng pisngi ko nang mga oras na 'yon.
"U-Umalis ka na nga!" asik ko pero hindi ako makatingin sa kaniya. Tinawanan niya lang ako at lumapit sa pinto.
"Naisip ko lang..." He looked at me. "Huwag na kaya tayong sumali sa tournament?"
*******
BINABASA MO ANG
Alexandria Academy
Fantasy"You knew how hard it was for me to trust people! You knew what I've been through, but you still broke me!" Althea Genovie grew up without someone to lean on. Kaya't sa tuwing may gustong pumasok sa buhay niya ay itinutulak niya palayo. Her life rev...