Chapter 7: The 23rd Tournament

8.2K 294 18
                                    


EDITED VERSION

****

Before the accident on the falls, I told myself that I won't let anyone enter my life again. Nagtayo ako ng pader na maghaharang sa mga tao papasok sa buhay ko.

Pero pakiramdam ko, unti-unting sinisira ni Cath, Lydia, Kurt, Kristian, at Isaac ang pader na matagal kong itinayo. But I won't allow them.

"Althea, are you listening?" tanong ni Isaac sa akin. Napabuntong hininga ako at tumango. "As I was saying, lahat tayo may gagampanan na role sa grupo na ito." Isinulat ni Isaac sa blackboard ang mga posisyon. Ininom ko ang tubig sa hawak kong baso.

1. The Group Leader - The chance of winning depends on the leadership. Leader is one of the most important part of the group.

2. The Warriors - this position consists of two people. Warriors will be the strength of the group.

3. The Shooter - the one who holds the armor.

4. The Healer - this position is essential. The healer will help their co-members to be healed and be able to fight.

5. The Hoaxer - this position will help to deceive enemies.

"In short, this tournament can harm as. Physically," sabi ni Isaac.

Nahulog ko ang baso sa sahig at nabasag 'yon. Tiningnan naman nila akong lahat. Nanginginig ang kamay ko nang mabasa ang nasa blackboard. What the fuck are all of that? This tournament is deadly?

"Is there something you want to say, Ms. Genovie?" Mr. Hawkins asked me. Siya ang adviser namin sa gaganapin na Tournament ayon kay Isaac. Isa lang ang gusto kong itanong, makababalik pa ba kami?

"W-Wala po." Hindi ko magawang itanong 'yon. Bakit pa nga ba ako mangangamba kung makabalik man kami o hindi? Wala naman na akong babalikan.

"You can back out if you want," sabi pa ni Isaac. I shook my head. Back out? Para saan pa? There's no reason to back out. Wala akong halaga sa mundo na ito. Kaya mas magandang hindi na talaga ako makabalik. Umiling ako at yumuko na lang.

Marami pa silang napag-usapan, pero naramdaman ko ang isang mainit na likido na tumulo galing sa mata ko. I wiped it away.

"Next monday, magsisimula na ang training. Make yourself comfortable in fighting. Have no mercy in killing those freaking illusion monsters," ani Isaac. Tinitingnan ko lang sila habang nag-uusap at nagtatawanan. I envy them. How they show their true selves on each other without doubts. Samantalang ako ay hirap na hirap.

"Althea." Napaangat ako ng ulo nang marinig ko ang pangalan ko galing kay Isaac. "On monday, fix your hair. Ayaw kong makakita ng buhok diyan sa mga mata mo. Understand?"

"H-Hindi pwede." I stuttered. Ayaw kong makasakit. Baka tulad nang dati ay mawalan nanaman ako ng control sa mangyayari. Natatakot ako.

"That's an order. You choose. Either you break it. Or I'll break you." Napabuntong hininga ako atsaka tumayo para lumabas pero inawat ako ni Isaac. "Where are you going, Althea?"

"Anywhere as long as you're not there," I said with sarcasm at marahas kong isinara ang pinto. Lagi na lang siya ang nasusunod. Tss. Nakakainis na siya!

"Hindi na ako magtatakang wala kang pinapakinggan." Napatingin ako sa direksyon sa kanang bahagi ng hallway at nakita ko ang isang babaeng may mahabang itim na buhok, nakakatakot ang hitsura niya, itim na itim ang bilugan niyang mata.

"Sino ka naman?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Hindi na mahalaga kung sino ako." Tumingin ito sa mga mata ko. Napalunok ako sa uri ng titig niya sa akin. "Ikaw, ano ka?"

Nang itanong niya sa akin 'yon ay nainis ako. Parang tinuturing niya ako bilang isang bagay. Dahil imbes na "sino" ay "ano" ang itinanong niya.

"Let me see your fate," she said with a serious tone. Hinayaan ko siyang tingnan ang palad ko pero bigla siyang napahinto at tumingin sa akin nang matalim. "Ikaw nga!"

Marahas kong hinila ang palad ko sa kaniya. "Ano ba'ng sinasabi mo? Tigilan mo na nga ako!" Tumalikod ako sa kaniya at naglakad paalis. Pero mayroon siyang sinabi na dahilan para mapahinto ako.

"You will fall. You will fall hard until you can't even stand without him. Siya rin. Mahuhulog." Lumingon ako sa kaniya pero wala na siya roon.

I will fall? Saan ako mahuhulog? Sino ang tinutukoy niya? Napahawak ako sa palad kong biglang uminit. Naglakad ako papunta sa dorm at pabagsak akong humiga sa kama.

Habang iniisip ko ang sinabi ng babae kanina, biglang nagflash sa isip ko ang seryosong mukha ni Isaac.

His authoritative voice, his penetrating gaze, his intense forest green eyes, his messy hair, his pointed nose. He's not even that tall pero nangingibabaw siya sa lahat ng estudyante rito.

"At bakit ko siya iniisip?!" asik ko nang maalala kong iniisip ko pala si Isaac. Which is wrong. Napagpasyahan kong matulog muna at huwag ng pumasok sa mga assigned classes na papasukan ko ngayon.

*****

"Hi, Althea!" Napangiwi ako nang marinig ko nanaman ang matinis na boses ni Cath sa loob ng dorm ko. Hindi ako makatulog. Although nakapikit ako, pero gising ang diwa ko. Ilang oras din ang lumipas nang pumasok si Cath sa dorm ko nang walang paalam. Bakit ko ba kasi nakakalimutang i-lock ang pinto?

"What?" asik ko. Privacy, people! Privacy! Gusto ko yan sabihin sa kanila. Pero mukhang hindi naman yata nila alam ang salitang 'yon.

"Training tayo!" aniya. Napabuntong hininga ako at bumalikwas ng tayo. Nakita ko si Cath na nakaupo sa sofa.

"Pass. I'm tired." Bakas sa boses ko na wala akong ganang kumilos ngayon.

"Hindi pywede." Kumunot ang noo ko nang sabihin niya 'yon. "Magagalit nanaman si Isaac." Cath pouted.

"I don't care. Your president is a jerk." I said then I shrugged. Bumuntong hininga siya at lumapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko.

"You know what, Althea? He may look strict, badass, and a douchebag. But if you get to know him, malalaman mo na higit pa siya sa iniisip mo. He's a man full of determination." She smiled as if remembering something. "He keeps on showing us that his perfected side yet he thinks he mess things up. Pakiramdam niya lahat nang gagawin niya ay hindi pa rin sapat."

"Bakit mo sinasabi sa akin 'yan?" kunot noong tanong ko.

"Althea, I want you to understand him. Even though Isaac is so strict, understand him as long as you can. At kapag nakilala mo na siya nang husto, mauunawaan mo kung bakit pinipili namin siya bilang kaibigan namin at president ng paaralang ito."

Hindi ako nakapagsalita. Cath stood up and walked towards the door. Pero bago siya makalabas ay nilingon niya ako.

"He's afraid to lose us, Althea. Because he treat us as his own family. Ganoon din kami. We treat each other as family. Ngayong nadagdag ka sa amin, we will value you as our own family. And we hope, you do the same, too."

Tuluyan na siyang umalis at napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam ang pakiramdam na may pamilya. Pero gusto kong subukan para sa kanila. But I don't know how to start. Gusto ko ring intindihin ang lalaking kanina ko pa iniisip. Ni hindi ko nga alam kung bakit kanina pa siya sumasagi sa isipan ko.

Isaac, help me understand you.

****

Alexandria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon