Chapter 37: Her Promise

4.4K 153 4
                                    

EDITED VERSION

********

Althea's POV

Wala akong tigil sa pag-iwas sa bawat hagis ni Amanda ng apoy at yelo sa direksiyon ko. Hingal na kami pareho dahil sa natamo naming sugat mula sa isa't isa.

"Will you listen to me?! Mga halimaw ang kalaban natin dito at hindi ang isa't isa!" sigaw ko sa kaniya. Pero hindi niya ko pinapakinggan.

Nakuha na namin si Cath mula sa kanilang dalawa ni Kaye pero ayaw nilang tumigil. Pilit nila kaming kinakalaban. I don't know what's gotten into them, but they keep on attacking us as if we're their enemies.

Lydia and Cath are fighting against Kaye. Habang si Isaac naman ay nakikipaglaban din kay Andrei. Ganoon din si Kurt at Kristian na pilit ding pinapatigil si Elvin at Joshua.

I was about to attack Amanda when Cath yelled, "Althea, may halimaw!" Sabay kaming umiwas ni Amanda nang ihagis ng halimaw ang malaking sanga ng puno sa direksiyon namin pero huli na at dumaplis ang sanga sa binti ko dahilan para tumilapon ako at mapangiwi sa sakit. The branch of the tree scratched my leg and it was hard for me to move and breathe.

"Althea, oh my ghad!" Tumakbo papunta sa akin si Cath para tulungan ako. Si Amanda naman at Lydia ay pinapatay ang halimaw.

Isinandal ako ni Cath sa isang malaking bato at kitang-kita ko ang binti kong walang tigil sa pagdugo. I was startled when Isaac ran toward my direction and kneeled infront of me. Napapikit ako nang yakapin niya ako nang mahigpit.

"Don't close your eyes, okay? Everything will be okay, Baby. I promise." Nagsimulang pumatak ang luha sa mga mata ko. Magiging ayos nga ba?

----------

Isaac's POV


Flashback...


"Just now, Althea looks a lot like Rhian, or am I just seeing things?" hindi makapaniwalang tanong ni Kristian habang pabagsak na umupo sa swivel chair. They're on my dorm, kakahatid lang namin kay Althea sa office ni Mrs. Athena, they're going to interview her. I don't know what to say the moment I saw her. I don't even know what to feel.

"Hey, Isaac." Kurt snapped his fingers in front of me to get my attention.

"What?" Hinawakan ko ang sentido ko. Lydia and Cath is quiet. Rhian is their bestfriend, and seeing someone who looked exactly like her reminds them of the past. I can't blame them. Even I was shocked. Pero mali 'to. Maling makita ko si Rhian sa isang babaeng ngayon ko lang nakilala.

"Bakit ganoon? Bakit magkamukha sila ni Rian? Are they twins? But that's absurd! Wala namang naikuwento noon si Rian na may kakambal siya!" Kurt hissed. Saglit kaming binalot ng katahimikan. Walang gustong magsalita. I don't want to talk about it as well.

The moment I saw Althea, I can't stop looking at her face, and my heart couldn't stop beating so fast that it annoys me. Naramdaman ko ba 'yon dahil nakikita ko si Rhian sa kaniya o dahil may iba pang dahilan? I don't know and I'm afraid to figure it out.

"Alam ko na!" Napatingin kami kay Kristian nang bigla siyang magsalita. "May nabuo na akong plano sa isip ko--" I cut him off.

"If your plan includes that girl named Althea, spare me. I don't want to involve her on our lives." 'Yon ang tama. As much as possible, I want to stay away from her. In that way, magiging ayos ang lahat.

"Hear me out for a second," ani Kristian. Bumuntong-hininga siya pagkatapos ay tumitig sa akin na para bang gusto niya talaga na makinig ako. "We all want to know why Althea look exactly like Rhian, right? Then, let's get close to her! Let's befriend her and figure out if they're twins or not. If that happens, malalaman natin ang totoo..."

"...Isali natin siya sa grupo natin. Kulang tayo ng miyembro para sa Tournament, 'di ba? Let her be the hoaxer. Let's just think that she's Rhian's substitute."

Naikuyom ko ang kamao ko sa inis. "Are you saying that we're going to use her just to know everything about her? What the hell, Kristian?!"

Kristian leaned on the table. "But you're dying to know about her, too. I can see that in your face, Isaac." Umiwas ako ng tingin at hindi ako nakasagot. Is it really that obvious?

"Kristian has a point. At isa pa, hindi naman niya kailangang malaman na may kailangan lang tayo sa kaniya. Let's treat her as a friend. Kapag malapit na tayo sa kaniya, atsaka na natin itigil ang plano. Wala namang mawawala sa atin, 'di ba? I just really want to know everything," Lydia said.

"I'm in with the plan. Kayo ba?" pagsang-ayon ni Cath. Nilingon niya kami at sumang-ayon na rin sa kaniya si Kurt at ang iba. Ako na lang ang hinihintay nilang sumagot.

But I don't want to. I have my ways to find out the truth. Hindi ako sasabay sa plano katulad ng pinag-usapan nila.

"Bahala kayo kung ano'ng gusto ninyong gawin, basta kahit ano'ng mangyari, face it by yourselves. Huwag ninyo akong idamay." Tumayo na ako at iniwan sila ro'n. Althea Genovie, who are you, really?

End of Flashback...


"The Tournament will end in thirty seconds. Players, be ready." Sabay-sabay kaming natigilan. Althea is lying her head on my lap. Hinang-hina siya at kitang-kita kung gaano na siya nahihirapan. Hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko. I promised to protect her, yet here she is. Wounded in front of me. Bakit ba paulit-ulit ko na lang sinisira ang mga pangako ko sa kaniya? Bakit ba paulit-ulit ko na lang siyang sinasaktan?

"I-Isaac, I'm sorry," sabi niya na nagpatigil sa akin. Tinitigan niya ako at tumulo ang luha niya na agad ko namang pinunasan. "I'm sorry for not forgiving you. I just can't."

"No, you don't have to be sorry. Kasalanan ko kung bakit hindi mo ako mapatawad. Just...just please stay." Kahit 'yon lang. Kahit 'yong manatili na lang siya, kahit na hindi ko siya mahawakan, basta nakikita kong ayos siya. I can endure that.

Lumamlam ang mata niya at mas lalong rumagasa ang luha niya. "I can't stay. I'm sorry but I have to leave." She caressed my cheek and wiped away the tear that keeps on pouring from my eyes. Siya lang ang may kakayahang saktan ako nang ganito. And I can't hate her for that.

"Ten seconds," sabi sa speaker. I leaned my head on the rock and closed my eyes. It hurts. It hurts a lot that it's killing me. Iiwan niya ako. Alam kong pagkatapos nito, aalis siya. I know but it still hurts.

"Five seconds."

"Isaac, you know that I love you, right?" Napadilat ako nang sabihin 'yon ni Althea. Tumango ako bilang sagot. "Then, hold on to me. Babalik ako. Babalik ako kapag ayos ka na. Kapag ayos na ang lahat sa buhay natin. We can't hurt each other anymore. Kapag nanatili ako, masasaktan at masasaktan lang tayo pareho. Pero kapag umalis ako dala ang pangakong babalik ako sa 'yo, magiging ayos tayo."

I held her hand and kissed it. I want her to stay. I want her to fix herself while she's with me, but I can't be selfish kaya tumango ako. "I'll wait, Baby. I'll wait for you to come back." Tumulo ang luha sa mga mata ko.

"The Tournament is now closed. Congratulations, Alexandria Academy for winning the 23rd Tournament! You will now go out from the Realm of Monsters." Althea and I held hands at ilang minuto lang ay nawalan na kami ng malay.

Kasabay nang pag-alis namin sa Arena, ay ang pag-alis ni Althea sa buhay ko. But she promised. Panahon na siguro para ako naman ang maghintay sa kaniya. Hihintayin namin ang isa't isa.


********


Alexandria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon