EDITED VERSION******
I woke up in the middle of the night because of the same nightmare. Everynight, paulit-ulit ko na lang siyang napapanaginipan. Tila nilalamon ako ng kadiliman sa panaginip ko. I wiped away my sweat that's running down my forehead. Tila tumakbo ako sa napakahabang open field.
Tumayo ako sa kama at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Tiningnan ko ang wall clock at tama nga ako. Four o'clock in the morning, I need to work. I'm a service crew in a fast food restaurant. Part time job for my expenses. Gobyerno ang bumubuhay sa akin pero ayaw kong umaasa lang sa mga tao.
I went to my bathroom at nagsimula na akong maligo. Natapos din ako agad kaya nagbihis na ako ng uniform. I'm still thankful dahil eighteen years old na ako at puwede na akong magtrabaho kahit high school pa lang ako. Umalis na ako at naglakad sa madilim na kalye. Apartment lang ang tinitirhan ko. At gaya ng sinabi ko, ang gobyerno ang nagbabayad. My grades are my eay to pay them back. Dinala ako sa orphanage dati. Maraming umampon sa akin. Pero hindi nila ako natatagalan.
"Start working, Althea," sabi ng manager namin. Kinuha ko ang mop at sinimulan kong lampasuhin ang sahig. Bawal daw kasi ako sa counter at waiter dahil hindi raw papasa ang itsura ko roon. Ayaw ko kasing tanggalin ang bangs sa mga mata ko dahil ayaw kong may nakakakita ng mata ko at baka makasakit nanaman ako.
I was only fourteen years old back then when Father Kynlee, the priest on the orphanage adopted me. Maalaga naman siya at napag-aaral niya ako. But one day, he asked me to take off the hair on my face. Pero agad akong umiling. Sa hindi ko alam na dahilan, pakiramdam ko hindi ko 'yon puwedeng tanggalin.
But he insisted. Hinawi ko ang bangs ko at tumingin ako sa kaniya. But then a strong wind came. Ang bilis ng pangyayari. Napakabilis na bigla na lang iwinasiwas ng hangin si Father Kynlee. But I was just there, I stood there at hindi alam ang gagawin. Tumutulo na ang mga luha sa mata ko. Nasira ang bahay na tinitirhan namin sa kombento. Namatay si Father dahil sa sumpa kong mga mata. I ran, tumakbo ako dahil sa takot at hindi na muling nagpakita sa kanila dahil sa kahihiyan.
Nagsimula na akong maglinis ng paligid. Lampaso roon, lampaso riyan. Paulit-ulit lang at hanggang sa natapos na ako.
"Very good, Althea. Ikaw ang isa sa inaasahan kong crew rito," sabi ng manager namin. Ngumiti ako at nagpasalamat sa kaniya. Pagkatapos ay nag-ayos para makapasok na sa school.
Naglakad na ulit ako sa kalye. Walking distance lang naman ang school sa pinagtatrabahuhan ko kaya hindi na rin ako gaano nahihirapan.
"Hi, Althea!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Mary. May mga pasa at sugat pa siya sa katawan. Pero mukhang may balak nanaman siyang asarin ako. Hindi pa ba sapat sa kaniya ang nagawa ko kahapon?
"Bitch," bulong ko pero alam kong narinig niya kaya umusok nanaman ang ilong niya sa galit.
"What did you say, geek?" she asked. Inirapan ko siya. Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari? Na tuluyan na siyang mamatay?
"Get out of my way," tanging nasabi ko na lang at dinaanan ko lang siya. Pero bigla niyang hinila ang braso ko paharap sa kaniya.
"Alam kong ikaw ang gumawa sa akin no'n kahapon. You, mysterious crap! Kapag may nalaman lang ako na isa kang demonyo, ako mismo ang papatay sa 'yo!" Pananakot niya sakin. Pero napsmirk na lang ako. Hinawi ko ang kamay niya pero hinarap niya ako sa kaniya at biglang sinampal.
"How dare you," bulong ko. Napahawak ako sa pisngi kong siguro ay namumula na dahil sa sampal niya.
"I fucking hate you--" I cut her off.
"You hate me because you can't be on top dahil sa akin. Dahil hindi mo malagpasan ang mga grado ko, tama ba?" Dahil sa sinabi ko ay sasampalin nanaman niya ako pero hinawakan ko na ang kamay niya bago pa niya 'yon magawa.
Hinawakan ko ang kamay niya ng mariin. "Get off me!" sigaw niya pero parang hindi ko na kayang i-control ang sarili ko. Nalalapnos ang balat niya kasabay ng pagdiin ko roon. Parang may apoy ang mga kamay ko at nasusunog ang kamay niya.
"No, please!" Napaluhod si Mary dahil sobrang lapnos na talaga ang balat niya. "You're a demon!" sigaw niya kaya napaatras ako at napabitaw sa kaniya. I looked at my hand. I'm a demon.
Biglang nagflash sa utak ko ang nangyari noon at ang ginawa ko kay Mary ngayon. Sa sobrang galit ko sa sarili ko ay napatakbo ako roon paalis habang walang patid sa pag-iyak.
I ran as fast as I could. Kasabay no'n ang pagdausdos ng mga luha sa mata ko. Sumpa. Isang sumpa ang mga nangyayari sa akin ngayon. Bakit sa akin pa? Bakit hindi na lang ako maging normal?!
Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Pero takbo lang ako nang takbo.
Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit kapag nagagalit ako, nagkakaroon ako ng ganoong kalakas na kakayahan? Ano ba ang mayroon sa magulang ko at bakit nangyayari sa akin ito?
'Yan ang mga katanungan sa isip ko nang mga oras na 'yon na hindi ko masagot-sagot. Ano ba ang mayroon sa akin?
****
BINABASA MO ANG
Alexandria Academy
Fantasy"You knew how hard it was for me to trust people! You knew what I've been through, but you still broke me!" Althea Genovie grew up without someone to lean on. Kaya't sa tuwing may gustong pumasok sa buhay niya ay itinutulak niya palayo. Her life rev...