N O T E:
Read this chapter while playing the music on the media. The title of the song is If You're Not The One by Daniel Bedingfield. Para mas dama ang scene na ito. Enjoy reading!
EDITED VERSION
********
Isaac's POV
Healing plant. 'Yon agad ang hinanap ko pagkalapag ko kay Althea sa loob ng kuweba na nakita ko. That's what Rica told me when we were having a meeting about our advantages and disadvantages inside the Realm of Monsters.
The healing plant can heal few wounds pero isa lang ang makakagamit nito, and I choose to save Althea bago ang sarili ko. Ang isang healing plant ay dala-dala pa ni Cath ay hindi ko rin alam kung nasaan siya. But I don't care about that anymore. Before the tournament, I promised to myself that I will protect Althea even if she doesn't want me to.
Kaya ngayon, siya ang pagagalingin ko bago ang sarii ko. I'd rather let myself die than her. Tinitigan ko ang mukha niyang napakaganda pa rin kahit napakarami ng sugat. Hindi ko maiwasang mapangiti. I missed her. I missed her smile whenever she looks at me. Makikita ko pa kaya 'yon?
Nahanap ko ang healing plant at maliit lang ang halaman, hindi pa nga halos tumutubo. It has a violet color on the tip kaya mabilis siyang mahahanap dahil naiiba 'to sa lahat ng halaman dito. Itinapal ko 'yon sa iba niyang sugat. Wala pa rin siyang malay habang nakahiga siya sa tabi ko.
Napangiwi ako sa sakit nang maramdaman ko ang malalim na sugat ko sa balikat. The blood that's coming from my head is blocking my vision. Nakakapahingna at pakiramdam ko, anumang oras ay mawawalan na ako ng malay.
Napasandal ako sa malaking bato na nasa likod ko at tinitigan si Althea. Will she believe me if I tell her that I really love her? That despite of her being angry towards me, I can't help myself but to fall harder than I already am? Because that's the truth. I love her that it hurts.
Napangiwi ako nang lumalabo na ang paningin ko at nahihilo ako. Anumang oras, magkakamalay na si Althea. She'll be angry at me for not healing myself. But I can sacrifice myself just to save her. Doesn't she know that? Kasi ako, alam ko sa sarili ko kung ano ang kaya kong gawin para sa kaniya.
Yes, at first I saw Rhian at her. Pero nang tumagal, I saw the difference between them. Rhian is soft and a princess-like, while Althea, she's unique. Hindi mo siya mamahalin dahil sa bagay na makikita mo sa panlabas na aniyo niya, you'd love her because of what she hides inside her. She's everything that no one can surpass. She doesn't see her worth, pero ako? Kitang-kita ko 'yon, and she loved me on days that she can't even love herself. Kusa akong minahal ng puso niyang naging matigas na para sa iba.
I can't help but to cry while looking at her right now. Hindi ako sigurado kung siya na ba ang nilalaman ng puso ko, at ayaw ko na siyang saktan pa. She'd been through a lot. Kung ang paglayo namin sa isa't isa ang magpapagaan sa loob niya, I'd gladly hurt myself and leave her than to see her cry with me.
Napapikit ako. Hindi ko na kaya ang sakit. Nilulukob na ng mga sugat ko ang buong katawan kong hinang-hina na.
I'm sorry, Althea. I guess this is the end of us. I'll never stop loving you, baby.
*********
Althea's POV
Napabangon ako at habol ko ang hininga habang lumilingon sa paligid. Where am I? Para akong nasa loob ng kuweba. Hinanap ng mata ko si Isaac at nanlaki ang mata ko nang makita siyang nakasandal sa bato at walang malay.
My tears started to pour. Lumapit ako sa kaniya at napahikbi ako. Wala na siyang malay at puro dugo siya. "Isaac, hey. Please don't give up on me... Isaac, please." Hindi na siya gumagalaw. Inilagay ko ang tainga ko sa dibdib niya at bumabagal na ang tibok ng puso niya.
BINABASA MO ANG
Alexandria Academy
Fantasy"You knew how hard it was for me to trust people! You knew what I've been through, but you still broke me!" Althea Genovie grew up without someone to lean on. Kaya't sa tuwing may gustong pumasok sa buhay niya ay itinutulak niya palayo. Her life rev...