Chapter 25: Her Beauty

5K 173 5
                                    


EDITED VERSION

*******

Althea's POV

"What are we doing here?" nagtataka kong tanong kila Lydia na namimili ngayon sa mga gown and dresses na nakakalat sa kama ni Cath. This is my first time here in Cath's dorm. Kasing laki lang ito ng dorm ko pero mas maraming furniture at iba pang mga gamit.

"Grand Magical Ball is tonight, 'Thea! We must prepare now dahil babyahe pa tayo patungo sa Magical University," sabi ni Lydia nang hindi man lang ako nililingon. Busy siyang tinitingnan ang mga dress.

"Let's go!" Hinila ako ni Cath patungo sa walk-in closet niya at iniabot sa akin ang isang black cocktail dress at mga accessories.

"Wear it all," said Lydia. They both smiled at me and shut the door closed. What now? Ni hindi ko naisip na magsusuot ako ng ganito. I'm not a  girly-type kind of woman. Mas pinipili ko ang flat shoes kaysa mga takong na tulad ng black stiletto na hawak ko. I prefer big shirts to dresses.

Napabuntong hininga ako at nagsimulang magpalit ng damit. Mayroong full-length mirror sa loob ng walk-in closet kaya nakikita ko ang hitsura ko habang nagpapalit. Nang maisuot ko ang black cocktail dress ay hindi ko mapigilang mapangiti.

"Is this really me?" bulong ko sa sarili ko. I smiled and it's not bad after all. Sinuot ko ang necklace, bracelet, pati ang hikaw. Bumagay ito at hindi ko maiwasang mamangha. I don't compliment myself. I don't even consider myself as beautiful. Pero ngayon, I know I'm beautiful. I'm starting to see the beauty of who I am.

Lumabas ako sa walk-in closet, nakasuot na rin ng dress si Lydia as well as Cath. They are stunning. Lydia is wearing a blue pencil cut dress that has embossed lines on the tip of the dress. Her curves are surfacing. Her hair is tied in a messy style that made her so gorgeous even more.

Cath is wearing a maroon tube-style gown. Litaw na litaw ang kaputian niya at ang maganda niyang katawan. Bagsak ang kaniyang buhok. Napangiti ako. They're so beautiful and they possesses the beauty of a royalty.

Nakatingin sila sa akin. "Do you realize how beautiful you are right now?" hindi makapaniwalang sabi ni Lydia habang nakatingin sa akin. Napakamot ako sa ulo ko at umiwas ng tingin. I'm not used of compliments nor how to react with it.

"Come here. Aayusin namin ang buhok mo." Cath smiled and offered her hand na malugod kong tinanggap. Pinaupo nila ako sa harap ng isang salamin at sinimulan nila akong ayusan. They curled my hair that makes it wavy. Pinanatili nila itong nakalugay. They put a little bit of make up on my face.

"I can't wait to see Isaac's reaction when he looks at you," sabi ni Cath. Biglang sumagi sa isip ko si Isaac. Ano kaya ang susuotin niya ngayon?

Nang makapag-ayos kami ay nagsalita si Lydia, "Tara na. Naghihintay na sila Kristian sa harap ng Academy."

Naglakad kami palabas ng Academy, ang ibang estudyante ay napapalingon sa amin kaya mas lalo akong nahihiya. Until we reached the outside, tuluyan na akong nahiya nang mamataan ko si Isaac. He's looking straight at me.

Isaac is wearing a black coat and a black turtle neck inside, his hair is in a brushed-up style, he's wearing a silver necklace that complimented his suit. Napakaguwapo niya at hindi ko maiwasang mamangha. Nang nakatayo na ako sa harap niya ay lumawak ang ngiti sa kaniyang mga labi.

"A masterpiece," he uttered. Pakiramdam ko, ang pula na ng pisngi ko nang mga oras na 'yon. He offered his hand. "You're the epitome of perfection, Althea."

He made me feel beautiful even more. I felt like I can be who I am when he's around. He offered his hand na agad ko namang tinanggap at inakay niya ako patungo sa sasakyan kung saan naghihintay sila Lydia.

Kurt is wearing a blue coat and tie, he looked so handsome and manly, as well as Kristian who's wearing a gray tuxedo. Napakaguwapo nila.

Pagkasakay ko sa kotse ay nilingon ko si Isaac. "Well, you're the definition of flawless." I winked at him. Isinara ko ang pinto at naiwan siyang natigilan sa labas. Sa passenger's seat siya umupo, habang si Lydia at Cath naman ay nasa tabi ko.

Nang makarating kami sa Magical University ay agad kaming pumunta sa grand hall kung saan ginaganap ang Grand Magical Ball. Maraming tao ang bumati sa amin at inanunsyo ng emcee na nakarating na ang team Alexandria Academy. Red and white ang motif ng ball at maraming mga mesa ang nakakalat sa buong hall.

Umupo kami sa designated table namin. I can't help but to feel conscious of what I look right now. Maya-maya ay naramdaman ko ang kamay ni Isaac sa kamay ko, kaya napalingon ako sa kaniya.

"Don't be nervous." He smiled. Napanatag ang loob ko dahil alam kong kasama ko sila at hindi nila ako pababayaan.

Nagsimula ang program at may mga kumanta sa stage. Nasa kabilang table lang ang grupo nila Andrei, napansin ko siya na palingon-lingon sa mesa namin.

"Excuse me, punta lang ako sa restroom." Umalis si Isaac at naiwan kami roon. Nilingon ko ang magulang ni Isaac na nakaupo sa mesa na hindi kalayuan sa amin. His father is handsome, at ang ganda rin ni Mrs. Zecharia. Nakuha ni Isaac ang features niya sa papa niya, pero ang mata niya ay sa mama niya. I smiled, a family of perfection.

"The dancefloor is now open," anunsyo ng emcee at nagsimulang magsayawan ang mga estudyante.

Natigilan ako nang may tumayo sa tabi ko, nagulat din sila Kurt dahil tumayo si Andrei sa harap ko. "Can I have a dance with a beautiful lady?" pag-aaya niya sa akin.

Napabuntong-hininga ako. "I can't. Mamaya na lang--" Natigilan ako nang lumapit pa siya lalo sa akin.

"I won't take no for an answer," he whispered. He offered his hand at marahas ko 'yong tinanggap, masyado siyang mapilit. Inakay niya ako sa dancefloor at nagsimula kaming sumayaw. I can feel the gazes of the people, looking at us.

"What are you doing?" asik ko sa kaniya. "Kung ano man ang problema ninyo ni Isaac, huwag mo akong idamay."

He chuckled. "I'm not that kind of person. Althea. In fact, I want to help you--shit!"

"Sorry," sabi ko dahil natapakan ko ang paa niya. Kunwari hindi ko sinasadya where in fact, sinadya ko talaga. I hate arrogant people like him.

Hinawakan ako muli sa beywang pero may humila sa akin palayo, at nang lingunin ko 'yon ay ang galit na mukha ni Isaac ang bumungad sa akin.

"Stay away from my girl, Andrei." Bakas sa boses niya ang galit. Napayuko ako, nasa gitna kami ng dancefloor at malamang na naaagaw na namin ang atensyon ng mga tao.

Itinaas ni Andrei ang mga kamay niya na para bang sumusuko na siya. "Alright. I'm out." He smirked at para naman akong nabunutan ng tinik nang maglakad na siya palayo. Pero natigilan ako nang may sinabi siya, "But better watch your back, Isaac. I know your secrets."

Nilingon ko si Isaac, he's looking at Andrei's direction with so much rage. Hinawakan ko ang kamay niya kaya napunta na ang atensyon niya sa akin. I smiled. "Can I have a dance with you?"

Agad na lumambot ang ekspresyon niya at ngumiti. "My pleasure, baby." He put his hands on my waist and I put mine on his shoulder. We danced along the rhythm of the song.

"Kamukha mo si paraluman..." he sang the lyrics of the song. Hindi nakakasawang pagmasdan ang mukha niya. "...at ang galing-galing mong sumayaw."

Napangiti ako nang mas humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. In that exact moment, I felt euphoric being by his arms.

Doon ko lang mas naunawaan ang nararamdaman ko para sa kaniya. I'm in love with him. I'm in love with Isaac Villanueva.

********

Alexandria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon