Chapter 8: Genuine

7.5K 280 36
                                    


EDITED VERSION

*****

Cath's POV

"Kurt, ano ba?! Can't you see I'm training?" iritado kong sabi sa kaniya pero niyakap niya pa rin ako.

"Sweetheart, hindi mo na ba ako mahal? May iba ka na ba--" hindi ko na siya pinatapos pa at sinampal ko na siya sa inis ko.

"Ano ba 'yang iniisip mo?! Tumigil ka nga sa kakaisip ng ganiyan, a!" asik ko. Nagulat ako nang bumitaw siya sa akin at bahagyang lumayo, nakayuko na siya at hindi ako pinapansin. Nandito kasi kami sa training room at kaming dalawa lang dahil ayaw ng iba. At ang magaling kong boyfriend, kanina pa ako ginugulo. Yakap nang yakap. Ngayon lang kasi kami nagkaroon ng chance na magkasama na kaming dalawa lang.

Kurt Calyx Scott is my boyfriend for four years. He's been there for me all those times. And I love him for that.

"Kurt," tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin. Nakayuko lang siya at hindi umiimik. Alam kong dapat na akong masanay na may pagkabaliw siya. Pero parang nakonsensya ako bigla.

"Kurt." Aba't ayaw talagang lumingon. Napairap ako sa kawalan pero biglang may nagflash sa isip ko.

"Call me sweetheart. And I'll respond."

"Sweetheart." At tama nga ako. Kasi iniangat na niya ang ulo niya at nakangiti siya sa akin. Kurt Scott. Makulit, sakit sa ulo, but at the same time, ang taong paulit-ulit kong minamahal. I don't care if our relationship is forbidden. Hindi alam ng magulang niya o miski ng magulang ko. We were too young at alam kong pagbabawalan nila kami. Si Kristian, Lydia, at Isaac lang ang nakakaalam.

"Why are you smiling? May iniisip ka ba?" tanong niya na parang nagtatampo. Mas lalo lang akong napangiti.

"Mayroon." I winked at him that made him smile.

"Sino naman?" He asked. He hugged me again just like everytime.

"Kurt Scott," sabi ko at pinamulahan agad siya ng pisngi.

"Ako rin may iniisip," sambit niya.

"Hindi ko tinatanong." Bigla siyang nanlumo sa pamimilosopo ko. Tumawa ako nang malakas kaya mas lalo siyang nalungkot.

"Hindi ko tinatanong kasi alam kong ako lang 'yon." Napaangat ang tingin niya sa akin. "I know I'll be the only girl you love because you promised. Lahat nang mayroon ako ay sa 'yo, at lahat nang mayroon ka ay akin. I love you." When he heard that, his captivating smile showed up. Napakaguwapo talaga niya.

"I will forever be here for you," bulong nito sa akin. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin.

Napangiti ako. He kissed me on my forehead. "I love you too, Cath."

******

Kristian's POV

"Natatakot ako." Napatingin siya sa akin dahil sa sinabi ko at nakita ko nanaman ang maganda niyang mukha, ang maamo niyang mata, at ang matangos niyang ilong. Lydia.

"Ikaw? Matatakot? Oh come on, Kris! Kailan ka pa natakot?" Natatawa niyang sabi. Hinigpitan ko ang hawak ko sa magkabila niyang kamay.

"Takot akong mawala ka sa akin. Natatakot akong hindi kita mailigtas sa tournament na 'yon," pag-aamin ko. Bumuntong hininga siya at niyakap ako nang mahigpit.

"Kris, you don't have to be afraid. We will win on that tournament. I promise." Napangiti ako nang marinig ko 'yon galing sa kaniya. "Just trust me, okay? Kahit gaano pa kadelikado ang laban na 'yon, makakaligtas tayo."

Napabuntong hininga ako at mahigpit siyang niyakap. Alam naming lahat kung gaano kadelikado ang tournament na 'yon pero roon masusubok kung gaano kami kalakas at kung ano ang kayang gawin ng mga estudyante ng Alexandria Academy.

I kissed Lydia's cheek. Five years na kami, but the spark is still with us. Mahal na mahal ko siya. Kahit pa patago rin ang relasyon namin katulad ni Cath at Kurt.

"I love you, Lydia."

"I love you too, Kristian."

*****

Althea's POV

It's already midnight. Pero naglalakad pa rin ako sa hallway. Hindi kasi ako makatulog. Naglalakad ako sa tahimik na hallway nang maramdaman kong hindi lang ako nag-iisa. Nakaramdam ako ng presensiya sa likod ko.

"What are you doing here in the middle of the night?" Naramdaman kong nakatayo na siya sa likod ko at sobrang lapit niya. Pero hindi ako humarap sa kaniya. Parang may pumipigil sa aking harapin siya.

"I-I can't sleep," sagot ko. He let out a deep sigh. Mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Pero nanatili akong nakatalikod sa kaniya.

"Rest, Althea," sambit niya. Napairap ako at humarap sa kaniya pero nanlaki ang mata ko nang muntik ng magtama ang mga ilong namin kaya napaatras ako. "I-I'm sorry," paumanhin ko.

Napahawak ako sa dibdib kong naghuhuramentado sa hindi ko malamang dahilan. Bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang lapit niya.

"Aalis na ako." Nagmamadali akong umalis pero hinila niya ang braso ko kaya napahinto ako.

"Look at me," sabi niya. Kumunot ang noo ko at tinitigan ko ang seryoso niyang mukha na nakatingin sa akin. I flinched when he tried to remove the hair on my face.

"Anong ginagawa mo? Gusto mo bang mapahamak?" naiinis kong tanong. Pero seryoso pa rin ang tingin niya sa akin at nangingibabaw ang seryoso niyang expression.

"Let me see your eyes," aniya na dahilan para mabigla ako. Will I let him? Pero hindi na ako nakagalaw nang hawiin niya ang buhok ko. Tumingin ako sa kaniya pero alam kong nabigla siya. Of course he will. Magkaiba ang kulay ng mata ko at hindi 'yon normal.

Pero hindi 'yon ang ipinagtataka ko. Walang nangyari. Walang malakas na hangin ang dumating. I should be happy. Pero bakit ako kinakabahan? Kasi nagawa ko siyang tingnan nang walang nangyayari? Pero bakit? Lahat ng tao na tinitigan ko at nakakita ng mata ko, lahat sila namatay o nasaktan.

"It's beautiful." Napakurap ako sa sinabi niya. Beautiful? Ang mga mata ko? mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong tumakbo nang ilang kilometro pero nakatayo lang naman ako roon.

"I-It's not." Umiwas ako at bahagyang humakbang palayo sa kaniya.

"You are beautiful." Natigilan ako dahil doon sa sinabi niya. Miski siya ay umiwas ng tingin. "Y-You don't have to hide your eyes and your face," pagkasabi niya no'n ay nagmamadali siyang umalis.

"Damn you, Isaac," bulong ko pero nakangiti na ako. A genuine smile. Naglakad na ako pabalik sa dorm ko at pabagsak na humiga sa kama. Nakatitig lang ako sa ceiling at biglang napangiti nang maalala ko si Isaac.

Napailing ako at napasapo sa aking noo. Hindi ko 'to dapat nararamdaman.

******

Alexandria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon