Chapter 24 [Part 2]: Second Training

4.4K 150 0
                                    

EDITED VERSION

********

Althea's POV

Kinabukasan ay maaga kaming nagpunta sa training room dahil maaga raw naming kailangan simulan ang training.

Isa-isa kaming inabutan ng isang bag na punong-puno ng dagger sa loob. I touched the edge of the dagger. Sobrang talim nito kaya nahiwa ako ng maliit.

"Listen up," Isaac said to get our attention. Sabay-sabay kaming tumingin sa kaniya. "Nakikita ninyo ang mga shooting range na 'to?" Itinuro niya ang nasa likod niya. Napamangha ako.

Dati, nakikita ko lang ito sa mga palabas. Mayroong shooting target na hugis tao na nasa malayo at kailangan naming ma-bull's eye ang pinakagitna nito. Sa mga pulis o mga taong gustong matutong bumaril, ang shooting range ang paraan para matuto sila.

"This training is for our senses to be more sharp even when our eyes are covered. Gamit ang mga dagger na hawak natin, kailangan nating matamaan ang gitna ng human shooting target. But the catch is, nakasuot tayo ng piring habang ginagawa ito. Five bull's eye and we're done training. Pero kapag hindi ninyo nagawa, hindi kayo titigil sa pag-training."

Napalunok ako, paano kung hindi ko magawa? E di buong araw akong nakapiring at maghahagis sa shooting target?

"Let's start!" I flinched when Isaac yelled. Ngayon naman ay ako na ang kinakabahan.

Tumayo kami sa kaniya-kaniya naming mga puwesto at inilapag namin sa mesa na nasa harap namin ang mga daggers. Nagsuot kami ng mga piring.

"Our training starts..." Mas lalo akong kinabahan nang sabihin 'yon ni Isaac. "Now!" Dali-dali akong kumuha ng dagger at inihagis 'yon nang diretso pero tumunog ang alarm hudyat na sumablay ang hagis ko.

Muli akong kumuha at sa pagkakataong ito ay pinakiramdaman ko na ang paligid pero tumunog pa rin ang alarm. Shit!

Ilang minuto pa ay may tumunog na alarm. "Isaac Villanueva, mission accomplished."

Napanganga ako. Nagawa na niyang makalimang bull's eye? Samantalang ako, ni isa ay wala pa? Muli akong dumampot ng dagger at inihagis 'yon pero kahit anong gawin ko ay panay pa rin ang sablay.

"Come on!" sigaw ko dahil sa inis. Muli nanamang tumunog ang alarm ng kung sino man hudyat na may nakatapos na ulit.

"Kurt Calyx Scott, mission accomplished." Isa-isa na silang nakakatapos. Wala akong balak mapag-iwanan kaya kinalma ko ang sarili ko. Wala akong makita pero kailangan kong pakiramdaman nang maigi ang bull's eye and I should trust my instinct. Nang makalma ko na ang sarili ko ay kumuha ako ng dalawang dagger at sabay na pinakawalan 'yon. Hindi tumunog ang alarm kaya napangisi ako. Finally!

Muli ay naghagis ako at tumunog na ang alarm ko. "Althea Genovie, mission accomplished."

Napangiti ako at tinanggal ang piring ko. Palapit sa akin ang human shooting target at kinuha ko 'yon. Nagawa ko.

Nakatapos kaming lahat at sabay-sabay nila akong nilapitan at niyakap. "You made us proud, 'Thea."

---------

Ipinatawag ang lahat ng estudyante sa grand hall at panay ang pagnginig ng kamay ko dahil ngayon na kami opisyal na ipapakilala. Nasa gilid kami ng stage habang hinihintay ang pagtawag sa amin ni Mrs. Scott. Ang grupo naman ni Andrei ay nasa kabilang side, salungat sa amin.

"This year's players from our own Academy..." bungad na sabi ni Mrs. Scott. Hindi ako sanay sa ganitong klaseng atensyon kaya mas lalo akong kinakabahan.

"Kristian Nicholai. Nineteen years old, his position is fighter." Nagpalakpakan ang lahat ng nasa hall. Umakyat naman sa stage si Kristian at nag-vow.

"From Magical University's group, Joshua Martinez. Nineteen years old, his position is fighter." Katulad ng ginawa ni Kristian ay ganoon din ang ginawa ni Joshua at tumabi siya kay Kristian.

"From Alexandria Academy's Group, Lydia Hawkins, nineteen years old, her position is shooter." Nagpalakpakan ang tao. Ngumiti naman si Lydia at naglakad papunta sa tabi ni Kristian.

"From Magical University's Group, Kaye Yllona, Twenty years old, her position is shooter." Kapansin-pansin ang tapang sa mga aura nila kahit umaakyat lang sila sa stage.

"From Alexandria Academy's group, Cathryn Dela Fuente, nineteen years old, her position is healer." Ngumiti si Cath at naglakad papunta sa stage kasabay ng pag-vow niya.

"From Magical University's group, Sophia Fatima, eighteen years old, her position is healer." Matiim na naglakad si Sophia na walang emosyon ang mukha at hindi man lang ito nag-vow.

"From Alexandria Academy's group, Kurt Calix Scott, twenty years old, his position is fighter." Kurt walked towards the stage with his familiar genuine smile.

"From Magical University's group, Elvin Bautista, twenty years old, his position is fighter." Nakangiti itong umakyat sa stage. Napalunok ako lalo nang malaman kong ako na ang sunod.

"From Alexandria Academy's group, Althea Genovie, eighteen years old, her position is hoaxer." naglakad ako papunta sa stage at rinig kong nagpalakpakan ang mga tao. Nang makalapit na ako kila Kristian ay nginitian nila ako at hinawakan ni Cath ang kamay ko para hindi na ako kabahan. Ni hindi ko nga magawang tumingin sa dagat ng mga estudyanteng nanonood sa amin ngayon.

"From Magical University's group, Amanda Gonzales, twenty years old, her position is hoaxer." Naglakad si Amanda na nakangiti sa akin at may kakaibang ekspresyon sa mukha nito.
Napapikit ako dahil sa kaba sa darating na Tournament. Pero napadilat ako sa sunod na sinabi ni Mrs. Scott.

"From Alexandria Academy's group, Isaac Smith-Villanueva, twenty years old, his position is The Team's Leader." Napatingin ako sa kaniya. Pinagmamasdan siya habang paakyat siya sa stage. He really paved the way. He deserves where he is right now.

"From Magical University's group, Andrei Phoenix, twenty years old, his position is The Team's Leader." Nagpalakpakan ang tao nang mapakilala na ang lahat ng members. "Sila ang mga lalaban sa darating na Tournament. Our Brave players!" muling sabi ni Mrs.Scott.

Napatingin ako sa kabilang grupo, nag-uusap sila pero naagaw ang atensyon ko ni Amanda. Nakatingin siya sa akin at nakangiti. pero may kakaiba sa mga ngiti niya na nagdala ng kaba sa akin.


****

Alexandria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon