EDITED VERSION
*****
Althea's POV
I woke up feeling dizzy and exhausted. Siguro ay dahil isang oras lang ang tulog ko at nakaligtaan ko pang kumain kagabi dahil wala rin akong gana.
I had to wake up early for our training kahit na hilong-hilo na ako. Natigilan ako nang hawakan ni Cath ang balikat ko.
"Are you alright?" nagtataka nitong tanong. Agad naman akong tumango para hindi na siya mag-alala pa. Kakatapos lang ng una naming training at water break namin ngayon.
"Our second training will start after five minutes, be ready," said Isaac and he walked out from the training room.
"Okay, seriously..." Nilapitan ako ni Lydia. "What's the problem between you and Isaac? Mula kanina, iwas na iwas kayo sa isa't isa, and it's not like you. What the hell happened?"
Nagkibit-balikat ako, ayaw ko munang sabihin sa kanila ang nangyari. Ayaw ko na silang idamay pa sa problema namin ni Isaac. They still don't have any idea about Isaac's decision leaving this team.
"I-I don't know. Aalis muna ako, magpapahangin." Bago pa nila ako maawat ay naglakad na ako palayo. I went to the rooftop to clear my mind for a minute or two. Nakakapagod ding isipin ang lahat ng mga bagay na nangyayari. The thought of Isaac's face being angry at me, pisses me off.
Hindi kami nag-uusap at dapat matuwa ako, pero kabaliktaran ang nangyayari. Nasasaktan ako pero hindi dapat.
"Hindi na lang pala si Isaac ang tumatambay rito ngayon." Napalingon ako sa gilid at natigilan ako nang makita si Hunter. He walked closer to me and messed my hair.
"What are you doing here?" tanong ko. He looked at the amusing view in front of us.
"Same as you, nagpapahangin." I heard him chuckled. "Ang pinagkaiba lang natin, wala akong tinatakasan."
Nangunot ang noo ko at nilingon ko siya. "Wala akong tinatakasan." Tiningnan naman niya ako na tila wala siyang balak maniwala sa sinabi ko.
"Yeah, right." He raised his brow. The wind blows his hair that exposed his red eyes. "Hanggang kailan mo siya balak itulak palayo?"
Napakagat ako sa aking labi. "Why do you keep on saying things like that as if I'm always the wrong one?" Bakas sa boses ko ang inis. "I push people away to protect myself. You don't have any idea what shits I've been through."
"Althea, all people will bring pain to you. You just have to find someone worthy of that pain," he said, more on like he's lecturing me.
"Hindi 'yon ganoon kadali. Look at Isaac, he's..." Napapikit ako. Kapag naaalala ko ang agwat ng buhay namin, lagi kong iniisip kung gaano ako kaliit. "...just too good for me."
"You should stop worrying about your gap. Kung ayaw mong hilahin si Isaac sa kung nasaan ka man ngayon, umakyat ka para maabot mo siya. Kasi 'yon ang gusto niya." Hindi ako makasagot. Maybe because I realized that he has a point.
"Pero galit siya sa akin," mariin kong sabi. He looked at me again at napaigtad ako nang pitikin niya ang noo ko. "Para saan 'yon?!"
"Bumalik ka na sa training mo. Naghihintay sila sa 'yo, and think about how you feel about Isaac. Huwag mo ng hintaying mahuli ang lahat." He winked. Agad akong nagpasalamat at nagtatakbo pababa sa training room.
I got carried away that I forgot our training. Pagdating ko sa training room ay hindi pa sila nagsisimula. Looks like they're waiting for me.
"Saan ka galing?" Isaac's voice is full of anger. Napakagat ako sa labi. I was about to answer when he started to talk. "O mas tamang tanungin kung sino ang kasama mo?"
Nangunot ang noo ko. "It doesn't matter. Nandito na ako--"
"Well, it does to me. Why did you pushed me away and then talk to other guys? You're doing this on purpose," galit na sabi nito. Now, Lydia and Cath are looking at me with too much confusion as well as Kurt and Kristian.
"All right. Ano ang mayroon? Ano ang hindi ninyo sinasabi sa amin?" nagtatakang tanong ni Kurt na tila hindi na napigilan.
"We're fine," Isaac and I said in unison, pero masama pa rin ang tingin sa akin ni Isaac.
"Seriously, kayong dalawa sobrang dami ninyong itinatago sa amin. I thought we're a family here?" For the first time, Cath is pissed. Ngayon ko lang siya nakitang magalit nang ganito.
Napasapo ako sa ulo ko, kumikirot 'yon at pakiramdam ko anumang oras ay tutumba ako.
"I need to rest." Tatalikuran ko na sana sila pero may sinabi si Isaac na nagpatigil sa amin.
"I did what I did because I thought I can have you. Akala ko kapag iniwan ko ang posisyon ko at hindi ka na parte ng grupo, hahayaan mo na akong maging parte ng buhay mo. Pero nagkamali ako. Because you're too insensitive. You don't even consider my feelings for you."
Sa sobrang inis ko ay nilingon ko siya. "Don't even say that." I can feel my eyes are watering. How dare him?
"Wait..." Kurt interrupted. "You wanted to leave us behind for Althea?" Bakas sa kaniya ang pagkainis ng mga oras na 'yon.
Mas lalong sumakit ang ulo ko sa nangyayari. "Hindi kasalanan ni Isaac--"
"No, Althea! This is Isaac's choice!" Lydia yelled. "All of these are planned, but you're gonna leave us behind?"
Ito na nga ba ang ikinatatakot ko, ang malaman nila ang tungkol sa pag-alis ni Isaac sa grupo.
"This is all my fault," nang sabihin ko 'yon ay sabay-sabay nila akong nilingon. "I should leave."
"Pero hindi pa tapos ang training--" I cut Kristian off. Tumulo ang luha sa mga mata ko.
"No, I'm gonna leave and go back to my real world. This is all my fault." Pagtalikod ko ay agad kong hinawakan ang knob ng pinto at lalabas na sana ako nang naramdaman kong umiikot ang paningin ko.
"Althea!" sigaw nila ang umalingawngaw sa buong silid at bago pa ako makahawak ay agad na akong bumagsak sa lupa, and all went black.
******
BINABASA MO ANG
Alexandria Academy
Fantasy"You knew how hard it was for me to trust people! You knew what I've been through, but you still broke me!" Althea Genovie grew up without someone to lean on. Kaya't sa tuwing may gustong pumasok sa buhay niya ay itinutulak niya palayo. Her life rev...