Chapter 35: Agony

4.3K 143 2
                                    

EDITED VERSION

********

Isaac's POV

Napadilat ako nang maramdaman kong may pumapasok sa kuweba, hindi ko maaninagan kaya naglabas ako ng apoy sa kamay kahit pa napapangiwi na ako sa hapdi ng ulo at mga sugat ko. I was about to throw the fire on my hands when I heard a familiar voice.

"I-Isaac, it's us for pete's sake!" singhal sa akin ni Cath. Nanlaki ang mata ko nang makitang walang malay si Althea at buhat-buhat ni Kristian. I tried to stood up but my body isn't cooperating.

"Don't stand up, Isaac. We need you to be healed first," sabi ni Kristian at inilapag niya si Althea sa tabi ko. I held her hand and kissed it. Why do I have to be this weak? Bakit hinayaan kong mangyari sa kaniya 'to?

"Isaac, ito na 'yong healing plant--"

"Use it to her." Natigilan sila pareho dahil sa sinabi ko. Tumutulo pa rin ang sugat mula sa ulo ko at nauubusan na rin ako ng dugo pero wala na akong pakialam. Wala na akong paki sa sarili ko. "Save her. I'll be okay."

"We can't do that! Isaac, kailangan mong mabuhay!" sigaw sa akin ni Cath. Alam kong galit sila dahil sa pinili kong desisyon. Tumulo ang luha ko sa sakit habang tinititigan si Althea.

"Pero ano pa'ng silbi ng buhay ko kung wala na ang babaeng dahilan kung nakit gusto kong mabuhay? If I lose Althea here inside this fucking tournament, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

"At sa tingin mo mapapatawad niya ang sarili niya kapag nalaman niyang namatay ka para lang sagipin siya?!" Napatitig ako kay Cath nang isigaw niya 'yon. Umiiyak na rin siya. "We're gonna save you both, Isaac. Hahatiin natin ang gamot."

Pinahiga nila ako itinapal ang mga dahon sa sugat namin ni Althea. Napangiwi ako nang lukubin ng katas ng halaman ang sugat ko at ramdam ko ang pagdaloy nito sa akin, that means it's working. I held Althea's hand habang nakatitig sa mukha niya.

Maya-maya pa ay naglaho ang iba kong mga malalalim na sugat kaya napatitig ako kay Althea na naghihilom na rin ang ibang sugat. I was waiting for her to wake up pero ilang minuto na ay hindi pa rin siya dumidilat.

"W-What's happening?" I touched her neck to see if she's breathing at nanlaki ang mata ko nang maramdamang wala na siyang pulso. "Tangina, Cath! Ano'ng nangyayari?! I thought that plant will save Althea?!"

"H-Hindi ko alam." Nangingilid ang mga luha ni Cath habang lahat kami ay nakatitig may Althea na hanggang ngayon ay hindi gumigising.

Niyakap ko siya habang walang patid ako sa pagluha. "Althea, don't die on me! Shit! Althea, please! Kristian, Cath, do something!"

"W-Wala na akong kayang gawin, Isaac. She needs to fight to be able to wake up. At kapag hindi pa siya nagising sa loob ng isang minuto..." Hindi na maituloy ni Cath ang sasabihin niya kaya mas lalo akong nangamba.

"What will happen?" Hindi sila makatingin sa akin ni Kristian. Damn. Bakit kahit alam ko na 'yong mangyayari ay ayaw ko pa ring harapin 'yong katotohanan? Kinuwelyuhan ko si Kristian. "Ano sabing mangyayari--"

"She'll die! She'll freaking die, Isaac!" sigaw niya kaya nanlambot ako. Napasigaw ako sa sakit habang niyayakap ko si Althea. Hahayaan ko nanaman bang mawala ang babaeng pinakamamahal ko dahil sa tournament na ito?

No, I won't. Kung hindi ko naitama ang pagkakamali ko noon, itatama ko 'yon ngayon. Sasagipin ko siya. I can't see myself living in this world without her by my side.

"Althea, shit! You told me you're brave then why give up on me! Wake up, baby...please! Wake up, damn it!" Hindi, hindi ko kayang may mawala nanaman sa akin. "Wake up and that's an order from the president! Either you break it or I'll break you, baby! Please..." Tumulo ang mga luha ko at ipinaglapat ko ang mga labi namin.

"I don't want to be saved. I want you..." I uttered and kissed her again. Wake up.

Natigilan ako nang maramdaman ko ang kamay niyang gumalaw at yumakap sa akin. Althea.

********

Althea's POV

Is it wrong to like someone so much that you wanted them to be yours and yours alone? Because if it is, I don't want to be right anymore.

Simula nang malaman ko ang nangyari tungkol kay Rhian at ang totoo, lagi kong hinihiling na sana ako na lang si Rhian, o 'di kaya sana ako na lang ang unang nakilala ni Isaac at ng grupo. Sana ako na lang si Rhian para mahalin din nila ako.

She must be really happy when she was still alive. Isaac really loves her more than anyone he'd ever met. More than me. But I don't want to compete with my sister. Hindi ko sinasadyang mahalin ang taong unang nagng sa kaniya.

When my body shut down the moment Kristian and Cath saw me, I thought to myself that I don't want to wake up. Ayaw ko nang magising dahil wala na akong babalikan. Wala na akong dapat pang ikatakot dahil wala naman akong maiiwan. I have no parents, I have no family to make amends with once I got out of here, at higit sa lahat, I don't have Isaac anymore.

Pero nang maramdaman ko ang labi niyang nakalapat sa akin, for once, hindi ko sinuway ang puso kong mahalin siya. Sa unang pagkakataon, hinayaan ko 'yong puso kong manatili sa mundo para sa kaniya.

Pagmulat ko ng mata ko ay niyakap ako nang mahigpit ni Isaac. "I thought I'll lose you." He was crying. Rinig na rinig ko ang paghikbi niya kaya napaluha na rin ako. Is he really waiting for me to wake up?

"Althea..." Lumingon ako kay Cath, maluha-luha na rin siya at natigilan ako nang siya naman ang yumakap sa akin, kasunod ni Kristian. They all hugged me like a...family.

"Don't ever scare me like that again," sabi ni Isaac habang nakahawak sa mukha ko pagkatapos ay mahigpit niya ulit akong niyakap. I can see happiness on his face that moment.

I've realized something. Hindi totoong wala akong pamilya, I have them. Pinunan nila ang pagkukulang ng isang magulang at pamilya sa buhay ko.

"Let's move and find the others. Kapag nauna natin silang mahanap, mabilis na matatapos ang tournament at bibilangin ang score natin, pati na rin sa Team Magical University. The highest score, wins," paliwanag ni Kristian. Tumayo kami at inaakay kami nila Cath para mabilis kaming makausad.

"We'll get through this as a family, alright? Walang puwedeng mamatay at maiwan dito sa loob ng tournament. Don't die on me, that's an order." Napangiti kami at nagsimula nang kumilos.

Even if we're in the middle of a fucked up situation, I want to value these moments. Dahil baka ito na ang huli.


***********

Alexandria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon