EDITED VERSION
*******
Isaac's POV
"Gusto mo raw akong makausap?" Tumayo ako sa likod niya kaya humarap siya agad sa akin. "What do you want, Hunter--"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay malakas na tumama ang kamao niya sa labi ko kaya agad na nalasahan ko ang dugo. I wiped away the blood and clenched my jaw.
"What the fuck is wrong with you?!" He called me for this? Hindi ba't ako ang dapat magalit sa kaniya? He's trying to steal my girl for the second fucking time around.
"You deserve that, Isaac!" galit na sigaw niya sa akin. "You don't have any idea how much I like her, but you...you took advantage of her!"
"Try to steal her away from me and you're dead! I'm warning you, Hunter." Hindi ako makapaniwalang umabot nanaman kami sa ganitong punto katulad nang nangyari noon kay Rian.
"I tried my best not to like her because she's yours, Isaac! But your biggest mistake was to let her drift away from your hands. Lying to her was a mistake. But you still did. Walang sisihan kung makita mo nalang na isang araw, hawak ko na siya. And when that day comes, I will not lie to her. I will never let her drift away from me. Ever!" he said with his serious voice. Then he bumped my shoulder. Iniwan niya akong natulala at walang masabi roon.
Napabuntong hininga ako at pumikit. I didn't want that. God knows how much I love Althea. Sa mga nakaraang araw na itinutulak niya ako palayo, mas naging klaro sa akin kung gaano ko siya kamahal. If only she'll let me make it up to her, gagawin ko ang lahat bumalik lang siya sa akin. I hate myself every single time I see the pain on her eyes that I've caused. Sinaktan ko ang babaeng minahal ako kung sino talaga ang nakita niya sa akin, but all I ever did was to put her in so much pain.
Bumalik na ako sa room namin at natigilan ako nang makasalubong ko si Althea na miski siya ay nakatitig na rin sa akin. Hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko. If only I could turn back time. Mamahalin kita higit sa lahat, Althea.
"What happened to you?" tukoy niya sa sugat na natamo ko sa pagkakasuntok sa akin ni Hunter.
"Wala 'to. Nauntog lang," bulong ko pero sapat na para marinig niya.
"Okay." She smiled and walked away from me. She's still angry, and I can't blame her. Dapat nga siyang magalit sa akin dahil ang laki ng kasalanan ko sa kaniya.
I want to stop her from walking away from me. Pero alam kong hindi niya ako pakikinggan. And It's my fault. Hunter's right. I'm stupid for letting her drift away from me.
----------
Althea's POV
Inabisuhan kami na magsisimula na ang Tournament sa loob ng isang oras kaya't kumilos kami agad. Nanginginig ang mga kamay ko sa kaba kahit pa ilang ulit na kaming nag-training para dito.
Nang matapos kaming lahat ay iginiya kami ni Mr. Robert patungo sa isang hall. Doon nadatnan namin ang mga members ng Magical University. They're standing on the side of a transparent tube-like na human-sized. Mayroong mga nakakabit doon na mga wire na sa tingin ko ay nagpapagana sa mga ito. Ito siguro ang magdadala sa amin sa loob ng Realm of Monsters.
"Please, go to your respective engines," ani Mr. Robert at itinuro niya ang mga engines na kaniyang tinutukoy. Mayroong mga pangalan 'yon, at agad kong nakita ang akin.
Kaharap namin ang Team Magical University at tuwid lang ang tingin nila. Halatang handang-handa na sila para sa magaganap na Tournament.
I can see cameras everywhere. Ito ang mga camera na nakakonekta sa Media Theatre; kung saan kami mapapanood ng mga taong nais makita ang magaganap na laban.
Nilingon ko ang mga kagrupo ko at seryoso lamang din ang kanilang emosyon. Ayaw huminto nang pagnginig ng kamay ko sa kaba at takot, until I saw Hunter. Kahit malayo siya ay natanaw ko ang ngiti niya na nagsasabing magiging ayos din ang lahat. He stretched his hand and waved at me. Napangiti ako at sa puntong 'yon ay bahagya na akong kumalma.
"Players, lay inside the engines," sabi ng isang babaeng nakasuot ng lab gown na agad naman naming sinunod. Sumara ang tube pero transparent 'yon kaya kitang-kita ko ang pagbukas ng ceiling at nahati ito sa gitna.
Napangiwi ako sa sakit nang may tumusok sa pulsuhan ko na para bang may inuukit doon, and the next thing I knew, umaangat na kami papunta sa itaas.
"The 23rd Tournament now begins. Welcome to the Realm of Monsters, players."
And all went black...
--------
Habol ang hiningang napamulat ako at napaupo. I coughed. Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Nang maayos na ang paningin ko, pinagmasdan ko ang paligid.
It's a forest. Trees were scattered everywhere. Wind blows the grasses on the ground. Maaliwalas ang paligid at wala akong ibang marinig kun'di ang huni ng mga ibon at ang sanga ng mga puno na lumalangitngit. This forest is breathtaking.
Tumayo ako at napatingin sa left wrist ko. There's a number written in my swollen pale skin. Namaga siguro ito dahil sa tumusok sa akin kanina.
01: 19: 30: 02
00The upper digits are time left for the players. Habang ang nasa ibaba naman ay numero kung ilan ang mapapatay naming monsters.
"All players are now inside the Realm of Monsters. Kill every monsters and find all of your members to win. Goodluck!" Tila mayroong mga speaker sa buong paligid at rinig na rinig ng lahat 'yon.
Tumayo ako at nagsimulang maglakad kahit pa nanginginig ang dalawang tuhod ko sa kaba sa puwedeng mangyari sa akin sa loob ng lugar na ito. Kailangan kong umusad para mahanap ang isa man lang sa mga kagrupo ko. Pero natigilan ako nang makarinig ng kaluskos kaya pinakiramdaman ko ang paligid. Nagtago ako sa likod ng isang puno dahil alam kong hindi ako nag-iisa lalo na nang maramdaman ko ang malalaking hakbang na nanggagaling sa kung saan.
"Shit." Wala ako ni isang sandata panglaban at pangprotekta sa sarili ko. I closed my eyes and created a dagger using ice. Umalingawngaw ang ungol ng halimaw na hinahanap ako at inaamoy.
Napasapo ako sa ulo ko dahil wala pa rin akong naiisip na plano dahil hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako. Pero kapag naiisip ko kung gaano namin pinaghandaan ang Tournament na ito ay naglalaho 'yon. Hindi ako dapat matakot. I must hold myself together and fight this monster.
I gripped on the dagger and came out behind the tree. Nilingon ako ng halimaw at agad akong sinugod pero umilag ako at tinalon ang likod niya. Sigaw ito nang sigaw at nagpupumiglas pero ibinaon ko ang dagger sa mata niya at tumalon ako paalis. Gumewang-gewang ito kaya kinuha ko na ang tyansang 'yon. Nakakita ako ng sanga na agad kong kinuha at walang ano-ano ay tinusok ko 'yon sa dibdib ng halimaw pero bumagsak ito sa akin at nadaganan ako. Sumirit ang dugo nito at kumalat din sa damit ko. Patay na ito.
Pero hindi ako makaalis dahil napakabigat nito. I put my hand in its chest and pushed it pero hindi ko man lang ito naitulak kahit kaunti. Kaya naglabas ako ng hangin at itinulak ito.
Nakahinga ako nang maluwag at saglit na napatitig sa paligid. This is how we supposed to fight? Isa pa lang ito pero nanghihina na agad ang kalamnan ko. I stood up and started walking. Puro dugo ang suot ko pero hindi ko na 'yon pinuna. Mas madugo pa ang mangyayari habang lumilipas ang oras.
Tiningnan ko ang numero sa pulso ko at nag-iba na 'yon.
01: 19: 23: 20
01Napabuntong hininga ako. Whatever happens, I'll find them. Isaac, I'll find you.
********
BINABASA MO ANG
Alexandria Academy
Fantasy"You knew how hard it was for me to trust people! You knew what I've been through, but you still broke me!" Althea Genovie grew up without someone to lean on. Kaya't sa tuwing may gustong pumasok sa buhay niya ay itinutulak niya palayo. Her life rev...