EDITED VERSION*****
Althea's POV
Isang linggo na ang lumipas simula nang mangyari 'yong sa rooftop. It shouldn't bother me, but it did. Hindi ko lubos maisip kung bakit niya 'yon ginawa at bakit hinayaan ko siyang gawin 'yon.
Ngayon din ang araw na dadalaw kami sa Magical University. Magkakasama kaming buong grupo sa isang kotse. Nag-uusap sila habang ako ay tahimik lang. Napansin naman nila ang pagiging tahimik ko lately. Gusto kong sabihin na kasalanan 'yon lahat ni Isaac. Shit.
"Althea, ang tahimik mo nanaman. May problema ka ba? You can open it up to us," sabi ni Cath.
Agad naman akong umiling. Kadalasan kapag may problema ako ay sa akin lang. Ayaw kong sinasabi sa iba dahil wala rin naman akong kaibigan. "Ayos lang ako."
Madaling araw kaming umalis sa Academy dahil kailangan daw naming pumunta nang maaga sa Magical University. Dalawang sasakyan ang nagamit namin. Ang isa, kay Mr. Scott at sa asawa niya. Kasama niya si Mr. hawkins, at Mrs. Athena.
Sila raw kasi ang taon-taong naghahawak ng Tournament. Napabuntong hininga ako. I don't know where are we going. Basta't ang alam ko lang ay tinatawag itong Magical University. Siguro ay tulad din ito ng Alexandria Academy. A school where students are well-trained.
Nakatanaw lamang ako sa labas ng sasakyan. Napakaganda ng lugar na dinaraanan namin. Payapa, puro puno.
Winawagayway ng malakas na hangin ang mga matataas na punong nadaraanan namin. Oo nga pala, semester break na sa former school ko. Kumusta na kaya ang mundong kinalakhan ko? Nagsisimula na ang season ng tag-ulan.
Unti-unting dumausdos sa salamin ng kotse ang mga patak ng ulan. It's raining. Pero 'yon ang gusto ko. Pakiramdam ko kasi kapag umuulan ay sinasabayan ng kalangitan ang nararamdaman ko.
"May naaalala ka ba kapag umuulan?" Napalingon ako kay Kristian. Siya kasi ang katabi ko. Atsaka si Lydia. Nasa harap naman namin si Kurt, Cath, at Isaac na nagkukuwentuhan tungkol sa mga makakalaban daw namin.
"Marami." Muli akong napatingin sa kalangitan. Kapag umuulan, kaunti lang ang tao sa daan. I always take that as an opportunity to go out and feel the rain.
"Lahat tayo ay may naaalala kapag umuulan." Napatigilan ako sa sinabi ni Kristian. Doon ko lang napansin na tumahimik ang iba naming kasama. Isaac is holding his phone, Kurt is sleeping as well as Cath while leaning unto him. Si Lydia naman ay nakasandal lang sa bintana ng kotse at tahimik na nakatingin sa labas.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong.
"Si Lydia, she hates rain. Kaya nga kapag umuulan, mas pinipili niyang magkulong sa dorm niya. It was rainy season when her bestfriend died, Rian. She can't get over it." Doon na ako tila natauhan. Rian is dead? Kaya ba ganoon na lang ang pagpapahalaga ni Isaac sa dorm na 'yon? Napapikit ako. Ganoon nga siguro nila kamahal si Rian.
"Kurt and Cath broke up and that was rainy season. Hadlang kasi ang lahat sa relasyon nila. They said we are too young for love. Pero may tamang edad ba sa pagmamahal?" He sligjtly chuckled. "They tend to judge what they don't understand."
Napatingin ako kay Cath at Kurt. Maybe it is really hard for them to overcome that kind of circumstance. Lalo pa't hadlang ang lahat sa kanila.
"But for me? I really love rainy season," sabi ni Kristian. Nakatingin siya kay Lydia at doon ko naunawaan ang lahat. They're in a relationship, too. Just like Cath and Kurt. "Sinagot niya ako saktong unang araw ng tag-ulan at para sa akin ay wala ng mas gaganda pa roon."
BINABASA MO ANG
Alexandria Academy
Fantasy"You knew how hard it was for me to trust people! You knew what I've been through, but you still broke me!" Althea Genovie grew up without someone to lean on. Kaya't sa tuwing may gustong pumasok sa buhay niya ay itinutulak niya palayo. Her life rev...