EDITED VERSION
*******
Kurt's POV
Inaayos ni Cath 'yong electronic chair para sa akin. Tinitingnan ko lang siya habang isinusuot niya sa akin ang belt.
Napangiti ako. Her beauty doesn't fade and everytime I look at her, I fall in love. Ganito pala 'yong pakiramdam kapag alam mong siya lang talaga 'yong babaeng gusto mo.
"Tinitingin mo?" natatawa niyang sabi. She leaned and smiled at me. "I need you to be strong until this tournament ends, okay?"
Tumango ako. "Yes, ma'am!" I'll be everything just for her. "I love you." Natigilan siya nang sabihin ko 'yon. Hanggang ngayon, nagugulat pa rin siya kada sinasabi ko 'yon.
"I-I love you, too." Nauutal siya kaya natawa ulit ako. Lumayo siya sa akin at napaigtad ako nang tumusok 'yong machine sa kanang braso ko at nagkaroon ng pumipintig na orasan doon.
Ang grupo namin ni Althea ang unang sasabak sa training, sunod ang grupo ni Isaac. Nilingon ko si Isaac. "Wala bang goodluck kiss diyan para kay Althea?"
Sinamaan niya ako ng tingin. "Manahimik ka! Pagbalik mo, humanda ka sa akin." Napalunok ako. Tinawanan naman ako nila Kristian. Patay.
-----------
Althea's POV
Unti-unti kong nararamdaman ang pagbigat ng mata ko. Napasandal ako sa electronic chair at narinig ko si Isaac na muling nagsalita, "Hanapin ninyo ang isa't isa sa loob ng illusion. Goodluck, everyone."
Tuluyan na akong nawalan ng malay. Ilang minuto pa ay napabalikwas ako ng bangon at napasinghap nang ma-realize kong nasa loob na nga ako ng illusion. Puro puno ang nakikita ko sa paligid at hindi ko maiwasang mamangha. Siguro kung hindi ko alam na illusion ito, iisipin kong totoo ang lahat ng ito. Puro puno at mga huni ng ibon ang maririnig sa kapaligiran.
Tumayo ako at kumapit sa puno. Tiningnan ko ang oras sa wrist ko, patuloy 'yon sa pagpintig at pagtakbo.
01:20:33sc
Mayroon kaming isang oras para mahanap ang isa't isa. Pero paano ko sila mahahanap sa ganitong klase ng lugar? Napabuntong hininga ako at nagsimulang humakbang. Pinapakiramdaman ko ang paligid dahil anumang oras ay maaaring may lumabas na halimaw at sugurin ako.
"Kurt! Kristian!" sigaw ko, pero mukhang iba yata ang nahanap ko. Nanlaki ang mata ko nang may umungol sa likod ko. Dahan-dahan akong lumingon at natigilan ako nang makakita ng halimaw na triple ang laki sa akin. Kulay itim ang balat nito at hindi kaaya-aya ang hitsura.
Umungol ito nang malakas at inunday sa akin ang hawak niya na palakol pero agad akong umiwas. Mabilis akong nagtago sa likod ng isang puno. Wala akong dala ni isang armas na puwedeng ipanglaban sa kaniya.
Napapikit ako. I need to think. Shit! Naglabas ako ng apoy sa kamay, if I have to fight without any weapon, I must use my power to survive. I formed a fireball in my hand and threw it to the monster. Umungol ito nang malakas dahil nalapnos ang kaniyang braso.
Tila mas lalo itong nagalit sa akin kaya ang isa niyang mahabang kamay ay tinulak ako at napatalsik ako sa puno at napaubo ako sa sakit. "Shit!" I looked at my shoulder that's now bleeding, tumama ito sa matulis na kahoy.
Gamit ang buong lakas ko, hinanap ko ang matulis na kahoy na 'yon pero nakakonekta 'yon sa puno.
Nilingon ko ang halimaw napalapit na sa akin habang hawak ang kaniyang palakol. Gamit ang buong lakas ko ay sinipa ko ang puno para maputol ang matulis na sanga. Napadausdos ako sa lupa. Hindi ko na ininda ang sakit ng katawan ko, tumayo ako at kinuha ang sanga pagkatapos ay tumalon at sinalubong ang halimaw.
Itinusok ko ang matulis na sanga diretso sa kaniyang ulo kaya bumagsak ito at tumalsik ako sa kung saan. Napapikit ako sa sakit ng katawan ko.
"I thought this is a freaking illusion!" sigaw ko. Hindi ako makapaniwalang mararanasan namin ang sakit sa loob ng illusion.
Tumayo ako at gamit ang buong lakas ko ay nagsimula akong maglakad. There's no time to rest, umaandar ang oras at hindi ko pa nahahanap sila Kurt.
Thirty minutes na lang ang natitira sa oras na mayroon kami para mahanap ang isa't isa.
Pinapakiramdaman ko ang buong paligid nang makarinig ako ng kaluskos na nanggagaling sa madilim na bahagi ng kagubatan. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng ungol.
Gusto kong magmura at magwala. Kakatapos ko lang makipaglaban sa malaking halimaw na 'yon pagtapos ay may bago nanamang darating? At hindi nga ako nagkamali dahil may isang halimaw ang muli nanamang lumitaw. Tumakbo ako at gumawa ng spear gamit ang yelo. Nilingon ko ang halimaw at sinibat ito pero sinalo niya lang 'yon at inihagis pabalik sa akin. Nanlaki ang mata ko nang bumulusok ito papunta sa akin pero bago pa ito tumama ay may sumalo no'n.
"K-Kristian..." Hindi ako makapaniwalang nahanap niya ako. Hindi lang 'yon ang ikinatuwa ko, nandoon na rin si Kurt at siya ang pumatay sa halimaw.
Pagkabagsak ng halimaw ay napahiga si Kurt sa damuhan, halatang pagod siya. "Apat na halimaw sa loob ng isang oras? Papatayin ba tayo ni Isaac?!" reklamo niya na ikinatawa namin ni Kristian.
Nahanap namin ang red flag na pinapahanap ni Isaac sa amin at matagumpay naming nagawa ang mission, ganoon din ang grupo nila Isaac. Pagkalabas namin sa illusion ay nagkuwentuhan kami patungo sa cafeteria. Pagod na pagod kami pero parang pangkaraniwang training lang din sa kanila ang ginawa namin.
"Bukas, may training ulit tayo. Kumain kayo nang marami at ipunin ninyo ang lahat ng lakas ninyo," ani Isaac habang kumakain kami. "Sa susunod na araw, bibisita ang mga taga-Magical University na makakalaban natin. We have to atleast welcome them even if they don't deserve it."
Natahimik sila Kurt. Siguro nga mayroon talagang alitang naganap sa pagitan ni Andrei at Isaac. Kung ano man 'yon, nadadamay pati ang tournament.
Umalis si Isaac, Kurt, at Kristian dahil aayusin pa raw nila ang mga gagamitin namin para sa training bukas. Naglalakad kami ni Lydia at Cath papunta sa dorm ko. Gusto raw muna nilang tumambay kasama ako.
"Do you mind telling me what happened between Isaac and Andrei?" Gusto kong malaman dahil nang kausapin ako ni Andrei noon, pakiramdam ko ay may galit siya kay Isaac, and vice versa.
Lydia chuckled, drastically. "Isaac and Andrei were best of friends back then when Isaac chose to stay here in Alexandria Academy. Naiwan si Andrei doon sa Magical University and Andrei thought that Isaac forgot about him. Introvert kasi si Andrei noon at si Isaac lang ang kumausap sa kaniya. Kaya ayaw niyang magkaroon ng ibang kaibigan si Isaac."
Andrei is introvert? Kung iisipin, kabaliktaran siya ng salitang 'yon. Pero siguro, nasaktan talaga siya kaya nagawa niyang magbago.
"Isaac is mean, Althea." Nagulat ako sa sinabi ni Cath. "Back then, he pushed Andrei away. Ayaw niya kasi sa makulit. Kaya nagalit sa kaniya si Andrei. Pero pinagsisihan naman 'yon ni Isaac. Kaso, sarado na ang pinto ng pagpapatawad para kay Andrei." Nagkibit-balikat siya.
Ang dami ko pa ngang hindi alam sa kanila at kay Isaac. Napabuntong hininga ako. I want to get to know them beyond their facade.
********
BINABASA MO ANG
Alexandria Academy
Fantasy"You knew how hard it was for me to trust people! You knew what I've been through, but you still broke me!" Althea Genovie grew up without someone to lean on. Kaya't sa tuwing may gustong pumasok sa buhay niya ay itinutulak niya palayo. Her life rev...