Red #1

1.6K 25 7
                                    

A/N: Nilagyan ko na ng imaginary characters sila Frost at Luna. Nasa gilid po yung name ng cast :3 

---

[Luna]

"Waah! Lulu ang daming gwapo! Shet!"pabulong na sigaw ni Katie habang niyuyugyog niya ako habang naglalakad.

"Ano ba!" hila ko sa braso ko."Nahihilo ako sayo!"

"Sorry."sabay peace sign niya sa akin."Eh kasi naman! Tignan mo! Ang gwagwapo nila! Ang tatangkad pa! Mga basketball player siguro sila!"sabay tingin sa di kalayuan.

Sinundan ko ang tingin niya at ayun nga. Mga limang lalake na nagkwekwentuhan di kalayuan sa amin at tulad nga ng sinabi niya matatangkad at mga gwapo sila.

"Ordinary."sagot ko sa kanya.

"What?! Ordinary lang ang mga yan sayo?!" halos pasigaw na sabi niya sabay turo sa mga lalake. Agad ko namang binaba ang kamay niya dahil napatingin ang isa sa kanila sa pwesto namin.

"Loka loka ka talaga!" pasigaw na sermon ko at hinila ko siya para makatago sa may poste. Blind spot sa mga lalake."Muntik na tayong makita ng mga yun! Anong gusto mong sabihin nila sa atin?! Ha?! Ang ingay mo talaga!"

"Sus. Arte mo lang." sabay crossed arm niya sa akin. "Ang sabihin mo, nahihiya ka lang dahil gwapo talaga sila."

"Gwapo naman sila, pero ordinary looks na lang yan para sa akin, pwede ba?" I rolled my eyes at her. "And besides they didn't catch my attention. So, what kung gwapo sila?"

Bigla niya akong inakbayan at sinama sa pasimpleng nakawtingin sa mga lalake."Kahit isa sa kanila wala kang natitipuhan?"nakangiti siya at may panunukso ang tono ng boses niya.

'Heto na naman po tayo' bulong ko sa sarili ko na mukha na rinig niya dahil sinikuhan niya ako right side ko. "Aray! Ano ba!"

"Sshhh!" saway niya sa akin at hinawakan niya ang baba ko para iharap ang tingin ko sa mga lalake."Akin yung nakalight blue shirt na nagtetext, sayo?"

I rolled my eyes again and pulled her hand away from my face. "Sabi ngang wa---" naputol ang sasabihin ko dahil sa pang-anim na dumating sa pwesto nila.

Nakipagfist bump siya sa mga kaibigan niya saka umupo sa bench na nasa harap ng crush ni Katie. Sinuot niya ang headset niya at nagscan sa phone niya. Yung ulo niya sumusunod sa beating ng kanta na pinapakinggan niya.

"Dhai?"narinig ko ang tawag ni Katie pero hindi ko siya pinansin. 

Violet shirt, matangos na ilong, thick eyebrows, beutiful eyes and...kissable lips.

What?!

"Huy!"

"Aray!"napahawak ako sa ulo ko sa sakit ng pagkakabatok niya."Ano ba?! Ang sakit ha!"

Twisted Red String (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon