A/N: Basahin ang author's note sa ending!! :3 btw, sorry kung may errors man. Hindi ko 'to dinoble check.
Mahaba habang chapter 'to XD
[Frost]
Tanghalian noon at kakatapos lang ng klase namin ng magdecide kami ng barkada na tumambay pagkatapos kumain ng tanghalian. At syempre si Seb, tumanggi dahil gustong kasama ang girlfriend.
"Babawi pa ako sa gf ko eh," kibit balikat na sabi niya sabay kuha ng cellphone niya at may tinapye.
Nag-away pala sila simula ng matapos yung valentine's day kaya ayan ginagawa niya ang lahat para magkaayos sila. Ngayon nga lang namin nalaman pero hindi ko maalala kung bakit. Sa pagkakaalala ko dahil sa isang babae?
Ewan! Masyado akong busy at problemado para isipin pa ang problema ng iba. Hindi ko pa nakakausap si Luna matapos kaming mag-usap ni Josh. Si Josh naman hindi namin kasama dahil hindi naman namin siya classmate sa last subject namin dahil sa ibang class napunta ang schedule niya.
Habang inaasar nila si Seb ay una na akong naglakad patungo sa tatambayan namin ng may makasalubong ako. Si Sheira.
Nakasalubong ang tingin namin pero agad akong umiwas. Malaki ang atraso niya sa akin kaya hindi niyo ako masisisi kung hindi ko siya papansinin. Wala rin akong pakelam kung nasasaktan siya. Kung nag-isip muna siya bago niya ginawa ang lahat ng ito, pwede ko pa siyang ituring na kaibigan, pero hindi. Kahit kapatid niya pa ang bestfriend ko, pasensyahan na lang.
Dirediretso akong naglakad pero pagharap ko sa dinaraanan ko, napahinto ako. Dalawang tao ang nakasalubong ko at ganun din sila, napahinto rin ng makita nila ako.
Babatiin ko sana sila ng mapansin ko ang magkahawak nilang kamay. Nakita ko na sila dating magkahawak ang kamay pero bakit parang iba ito sa mga dating hawak kamay nila?
Nalipat ang tingin ko kay Luna pero umiwas lang siya ng tingin kaya kay Josh naman nalipat ang tingin ko at ganun din siya, umiwas ng tingin.
Yung akala kong sakit na nararamdaman ko dati ay babalik pero hindi. Iba yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Mas doble.
"What's the meaning of this?!" si Sheira na ang nagtanong ng gusto kong tanungin. Siya na rin ang sumigaw para sa pwesto ko. "Wag mong sabihing kayo na, Josh?!"
Tahimik lang akong nag-antay ng sagot sa kanila habang nakatingin sa kanila. Hindi sila makatingin sa akin.
"Answer me, Josh!"
"Oo kami na," sabay taas ni Josh ng kamay nila.
***
[Luna]
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at naisipan kong itanggi ang sinabi ni Josh pero bago pa ako makapagsalita ay nasa harapan na namin si Sheira na sobrang seryoso ang mukha na nakatingin sa amin.

BINABASA MO ANG
Twisted Red String (completed)
Teen FictionIt's a story about how Fate pushed them together to be an enemy to each other, to be friends, to fall in love, to be hurt and to fall in love again but Fate likes to play in their life....letting her fall in love with her guy best friend while she's...