A/N: COMMENT AND VOTE!!! :*
----
[Frost]
Dalawang tao lang ang nakikita ng mga mata ko ngayon. Si Luna at Josh.
Mula sa malayo pinagmasdan ko ang ginawa ni Josh para kay Luna. Mula sa malayo pinagmasdan kong umiyak si Luna dahil sa ginawa ni Josh. Mula sa malayo tahimik akong nasasaktan.
Pakshet. Ang drama ko pero masisisi niyo ba ako? Nasasaktan ako.
Hindi dapat ako nasasaktan. Ayokong masaktan dahil lang kay Luna. Ang babaeng naging dahilan kung bakit nabulag si Crystal. Siya ang may kasalan, walang iba.
Pero bakit parang sinasakal ako sa nakita ko?
Bakit hinihiling ko na sana ako si Josh?
Para sa akin mali ang lahat ng ito...
Pero bakit ayaw sumang-ayon ng puso ko?
Umalis na ako sa lugar kung saan nagkukumpulan ang mga tao bago pa may makakita sa akin. Masyado masikit.
"Fck!" hindi ko maiwasang mainis sa sarili ko. Hindi ko maintindihan bakit ako nagkakaganito. Nagkafeelings lang ako sa kanya dahil miss ko si Crystal, diba?
"Hi Tony," nabaling ang tingin ko kay Sheira na nasa harapan ko at hinaharangan ang dinaraanan ko. "Ang sweet nila nuh?" puno ng sarcasm ang matamis na boses niya. "Pati kapatid ko, nilandi niya, " naging matalim ang tingin niya sa lugar nila Josh.
"Kung gusto mo, pati sila siraan mo."
Hindi ko alam kung bakit lumabas yun sa bibig ko pero hindi ako nagsisisi sa sinabi ko. May parte sa isipan ko na hindi kumontra.
Iniwan ko si Sheira na nakatayo doon. Wala akong oras para sa kanya. Wala na siyang ginawa kung hindi bumuntot sa akin. Ilang beses ko bang ipaparating sa kanya na hindi ko siya gusto?
Highschool pa lang kami, ganyan na siya. Hanggang ngayon ganyan pa rin siya.
Naglakad lakad lang ako sa campus dahil kapag mananatili ako sa isang lugar, maboboro lang ako at maaalala siya. As much as possible ayokong isipin siya. Silang lahat pero mukhang pinaglalaruan ako ng tadhana sa nakita ko. Mababaliw na ata ako sa mga nangyayari at sa nararamdaman ko.
Pagkaliko ko pa lang, nakita ko sila ulit but this time much closer.
Josh's lips are pressed on her's.
Lahat ata ng ingay dahil sa Christmass Fest hindi ko narinig. Wala akong marinig pero may kung anong nabasag, yun ang alam ko.
Bago pa ako makagawa ng katarantaduhan, tumalikod na ako sa kanila at umalis sa pesteng lugar na yun. Gusto kong burahin sa alaala ko ang nakita ko pero parang naging permanente sa paningin ko ang nakita ko.
BINABASA MO ANG
Twisted Red String (completed)
Teen FictionIt's a story about how Fate pushed them together to be an enemy to each other, to be friends, to fall in love, to be hurt and to fall in love again but Fate likes to play in their life....letting her fall in love with her guy best friend while she's...