Red #12

665 11 1
                                    

Napagkasunduan namin ni Antonio na walang makakaalam ng nangyari sa McDo at agad siyang nag-argree dahil "Ayokong sabihin nilang tayo dalawa. Yack.".

Aish! Pasalamat siya at tinulungan niya ako that time! Kung hindi nabugbog ko na talaga siya! At wag siyang mag-alala, YACK din siya!

Nang dumating ang final week naging busy kami. Requirements doon, exams dito, kopyahan doon, overnight dito, study doon, eyebags dito. Kaya nang matapos ang lahat ng exams at napasa na namin ang mga requirements namin, maraming umabsent para matulog. At isa na ako doon.

Ok lang naman, kasi clearance na lang.

The next day after ko magshiesta sa bahay pumunta na ako ng school para umpisahan magpasign ng clearance sa mga professor na mahirap hagilapin. Kesyo may meeting, may lakad, kumain or talagang missing in action lang.

Pagkalunch may apat na kaming napapirmahan at dahil maglulunch ang mga prof maglulunch na rin kami. Palabas na kami ng gate para kumain sa isa sa mga karinderya sa labas ng school ng may humarang sa amin ni Katie.

Si Darwin.

"We need to talk."yan agad ang sinabi niya at hinila na ako pero syempre hindi nagpatalo si Katie.

"We need to talk mo yang mukha mo!"sigaw niya at agad na hinila ang kabilang kamay ko pero hindi rin ako binitiwan ni Darwin.

"Kat, please? I just need to talk to her."seryosong sabi niya at hinila na naman ako.

Hinila na naman ako ni Katie."Ayoko pala!"sabay palo sa kamay ni Darwin na nakahawak sa kamay ko."Bitawan mo nga siya!"

"Katie naman.."

"Katie mo yang mukha mo! Shut up ka na nga! Bitawan mo na kamay ni Luna! Bitaw!"

"Anong nangyayari dito Kat?"napalingon kami kung sino ang nagsalita mula sa likuran ko. At tumambad sa amin ang anim na kapre ng basketball team ng architecture department.

Ngayon masasabi ko ng pinagtitinginan na kami ng LAHAT.

Nahagip ko siya at nagkatitigan na naman kami. Nakarehistro sa mukha niya ang inis habang nakapamulsa siya. Nalipat ang tingin niya kay Darwin na hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.

"Ito kasi!"sabay turo ni Katie kay Darwin."Ayaw lubayan kami ni Katie!"

"Tol, kung ayaw wag pilitin."seryosong sabi ni Seb at lumapit sa tabi ni Katie sabay akbay dito."Ok ka lang?"

"Oo nga. Kita mo na ngang ayaw sumama eh."--Kristoff.

"I just want to talk to her, masama ba yun?"--Darwin.

"Oo."napalingon ang lahat sa nagsalita na ngayon ay nasa tabi ko na."Can you let her go? Nakakabasto ka eh."maangas na sabi niya.

My ghad Antonio! Dapat sikreto lang bakit mo nilantad?! Akala ko ba YACK kapag nalaman ng iba?! Bakit ikaw itong nagfirst move!

"Ha! Andito pala yung sinasabi mo na boyfriend mo, Lu."he said mockingly.

Narinig ko yung 'HA?!' nila Katie kaya napapikit na lang ako. Uulanin ako ng mga tanong nila mamaya. My ghad!

"Hindi mo ba siya bibitawan?"Makamandag na tanong ni Antonio. Kahit ako natakot sa tono ng boses niya. I know he will not accept a 'NO' for an answer.

Twisted Red String (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon