Red #18

508 9 0
                                    

[Luna]

"Argh..ang aga-aga tumatawag..aish.."kinapa kapa ko ang phone ko na nasa ulunan ko lang at pikit matang sinagot ang tawag."Bakit ba?"

"Grumpy are we?"and I heared him chuckled.

"Shut up. Distorbo ka eh."papatayin ko na sana ang tawag pero nagsalita siya agad.

"Woops! Wag mong ibaba grumpy pancake!"at kahit hindi ko siya nakikita I can tell he's smiling! Asar! Umagang umaga inaasar na niya ako!? Anong oras na ba?

Tinignan ko ang phone ko saglit at nakitang 5am pa lang! Ghad!

"Antonio Araneta! Ala-singko pa lang pero naghahasik ka na ng lagim sa umaga ko?! Pwede ba kung wala ka namang sasabihing mahalaga patulugin mo akong hayop ka!"galit na sigaw ko pero dahil bagong gising lang ako husky pa ang boses ko.

"Cute..."

"Ano?!"galit ako pero uminit mukhe ko. Ano ba yan, Luna..

Hindi ko alam ung guniguni ko lang yun o ano pero parang may sinabi siya eh tapos tumawa pa siya. Tama ba narinig ko?

"Wala!"narinig ko pa siyang tumawa ng mahina."Bumaba ka na nga dyan. I'm here infront of your house."

Agad akong napabangon at napaupo sa kama."ANO?!!"mabilis akong dumungaw sa bintana at kitang kita ko siya na nasa labas. Nakasandal sa poste at nakapamulsa habang nakadikit ang phone niya sa tenga niya.

"Sht! Wag mo nga akong gulatin pancake!"nakatingin na siya sa pwesto ko at nakahawak pa siya sa dibdib niya habang tumatawa. Rinig ko yung tawa niya sa kabilang linya."Fix yourself, pancake."sabay ngisi niya.

Mabilis akong nagtago sa loob at napahawak sa buhok ko. "Argh! Nakakahiya!"sabay dabog ng mga paa ko. Ramdam ko yung init ng mukha ko sa hiya!

"Wag kang mahiya. Dati ka namang panget eh."He chuckled at the other line.

"IKAW HAYOP KANG MANYAK KA!"sabay end ng call.

Humanda talaga siya sa akin pagkababa ko!

Magmamartsa na sana ako patungo sa banyo para mag-ayos pero napaisip ako. Bakit ko naman siya pupuntahan sa labas? Pake ko ba sa kanya?

Napangisi ako sa naisip ko. Tutulugan ko na lang siya.

Agad akong humiga ulit sa kama at nagtalukbong ng kumot. Manigas siya sa labas!

Kakapikit ko pa lang ng tumunog ang phone ko. May text.

From: Antonio.

Paghindi ka baba dyn, gagawa ako ng eskandalo dito.

I meant it >:D

Kung may super power lang ako o lakas ni incredible hulk, sira na ang phone ko ngayon.

Twisted Red String (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon