Red #11

546 13 0
                                    

Pumasok na kami sa bahay ko pero tahimik pa rin kami. Sinalubong ako ni Manang at agad inasikaso pero nahalata kong masama ang pakiramdam niya. Kanina ko pang umaga napansin ang matamlay na kilos ni Manang kaya sinabi ko na lang na magpahinga siya. Bago umalis si Manang para bumalik sa kwarto niya ay sinabi niyang nagkareunion sila Ate at ng mga college friends niya kaya bukas pa ng hapon ang uwi ni Ate.

Lumingon ako sa kasama ko na naglilibot ng tingin sa sala namin.

"Halika sa taas at kukuhaan pa kita ng damit mo."aya ko sa kanya. Naglakad na ako patungo sa hagdan ng nagsalita siya.

"I'm fine. Uuwi na lang ako at sa amin magpapalit."sabi niya. Lumingon ako at nakita ko siyang papatalikod na.

Pwede ko naman siyang hayaan pero malakas pa rin ang ulan at baka may mangyaring masama pa sa kanya. Argh. Kailan ka pa naging concern sa kanya, Luna?

"Malakas ang ulan, Antonio. Dumito ka nga muna."sabi ko at tumalikod ulit."Bayad ko na rin 'to sa ginawa ko kanina. At sa pagtulong mo kanina...at nung nagkasakit ako..."mahinang dagdag ko.

Alam kong kasalanan ko rin kung bakit siya nabasa ng ulan. Kung hindi lang ako naging makulit at pinapasok siya sa sarili niyang kotse, edi sana wala siya ngayon dito at sana wala akong prinoproblemang manyakis.

Umakyat na ako at alam kong nakasunod siya sa akin dahil rinig ko ang footsteps niya. Ewan ko ba pero kilala ko na ang footsteps niya.

Dumiretso ako sa kwarto ng Ate ko na nasa tapat lang ng kwarto ko para kunin ang susi sa guest room.

"May mga damit na iniiwan si Kuya Jake dito incase na magovernight siya dito. I think the both of you have the same built."Kumuha ako ng isang long sleeve na black and gray shirt at gray sweatpants saka ko binigay kay Antonio."Heto."

Tinignan naman niya ang damit saka inabot."Whose Jake?"tanong niya na may kunot sa noo.

"Boyfriend ng Ate ko."sagot ko."Kung gusto mo maligo t magpatuyo, andun ang banyo. Feel free to use it."turo ko pinto sa kaliwang parte ng guest room."May dryer na rin dyan sa loob."dagdag ko.

"Wow ha?"tinignan niya ako from head to toe."Grabe ka kung makaasikaso ah? Are you trying to be goody good to me 'cause you're starting to like me?"He winked at me and smile his sweetest smile.

Bago pa mamula ang mukha ko ay agad ko siya hinagisan ng towel na kakakuha ko lang sa cabinet."Kapal talaga ng mukha mo!! Pwede ba! I really really hate you! So why would I like you?!"sabay duro ko sa dibdib niya."Magpalit ka na nga at..haa...haa..HAAATCHING!"

"Yack!"sabay tulak sa akin."Kadiri kang babae ka! Don't you dare transfer all your virus to me!"sigaw niya sa akin at lumakad papalayo sa akin at patungo sa banyo.

"Wow ha! You're welcome pooooo!!"sabi ko mala-chichay ang boses."Mabuti pa si Josh nagthank you ng pahiramin ko ng damit!"

Nawala yung ngiti sa mukha niya at napalitan ng seryosong mukha."Galing na dito si Josh?"

Tinaasan ko siya ng kilay at nilagay sa bewang ko ang kamay ko."Yup. Nung naulan kaming dalawa. Pinahiram siya ni Ate ng damit ni Kuya Jake."sagot ko."Same kayo ng body built ni Josh diba? Kaya kasya yang damit ni Kuya sayo."tango ko sa damit na hawak niya.

"Ah..ok."

***

Pagkatapos kong iwan si Antonio sa guest room ay dumiretso na ako sa kwarto at naligo. Pagkalabas ko ng kwarto abot langit ang tili ko.

Twisted Red String (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon