[Luna]
Tatlong araw. Sa tatlong araw na pinilit akong bumangon at pumasok ng school, hindi ko siya nakita. Ni anino niya wala. Ni hi or hoy wala akong natanggap. Parang walang Antonio FRost Araneta ang nasa school.
But then naconfirm ko na pumapasok pa rin siya, iniiwasan lang niya ako.
Masakit na mag-adjust agad sa isang bagay na hindi mo nakasanayan. From being noisy to being quiet. From heartbeats to heartaches.
"Sorry talaga dhai."sabi ni Katie bago pumasok ng room kung saan magprapractice pa sila ng mga representative."Alagaan niyp bestfriend ko, Jan! Kapag may nangyaring masama dyan, wala ng manlilibre sa atin!"baling niya kay Jan na bigla naman umakbay sa akin.
"Don't worry. Mahal namin 'tong masungit na 'to."sabay gulo ng buhok ko. Agad kong pinalo ito at umalis sa pagkakaakbay niya.
"Shut up."and glared at him before looking at Katie."Ayos lang ako. Titiisin ko na lang ang mga kumag na 'to."sabay turo kay Jan at Flinn.
Sa three days na nasasaktan ako, sila ang parating nandyan kaya kahit papaano, kahit panandalian lang, sumasaya ako.
"Tara lets lumamon!"sabay akbay ulit ni Jan at hila sa akin papuntang canteen.
Sa tatlong araw ring nakalipas ganito na ang naging routine namin. After naming ihatid sila Seb at Katie para sa practice nila, nagbobonding kami nila Jan at Flinn. And if you've notice, wala si Josh. Hindi ko talaga alam kung bakit pero naging mailap na siya while kasama naman ni Kristoff si Josh.
Minsan naiisip ko hindi na dapat ako sumama sa kanila. Nasira ang pagkakaibigan nila dahil sa akin. Kahit ilang beses man nilang sabihing hindi ko kasalanan, alam kong may kasalanan pa rin ako.
Dapat naman hindi ako papasok kasi wala na gaanong klase dahil busy ang lahat sa Christmas Fest, pero dahil attendance is a must, no choice ako.
Napabuntong hininga na lang ako at tumayo mula sa pagkakaupo. Nakita ko naman napatingin silang dalawa sa akin."CR lang ako."
"Sasa---"
"Bakla ba kayo?"tinaasan ko sila ng kilay."Just stay here. Hindi ako magtatagal."
Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at umalis na ako. Dumaan ako ng CR at nag-ayos ng sarili. I stare at myself for a minute.
I really changed. Yung matapang at masayang ako, nasaan na? Biglang naglaho. Gusto ko siyang kausapin pero pinapangunahan ako ng takot.
Hindi naman ako ganito dati. Kapag gusto ko siyang sigawan na gagawa ko but now? I think I can't.
Napabuntong hininga ako ulit at lumabas na. Imbis na bumalik sa canteen kung nasaan sila Jan ay naglibot libot na lang ako.
To: Jan; Flinn
Maglilibot lang ako.
I know it's not the right thing to leave them pero sa tuwing nakikita ko sila, mas naaalala ko na kasalan ko ang lahat. Kung hindi ako naging tanga four years ago, hindi sila maaaksidente. Kung hindi ako naging kaibigan nila, magkakaibigan pa rin sila hanggang ngayon.

BINABASA MO ANG
Twisted Red String (completed)
Teen FictionIt's a story about how Fate pushed them together to be an enemy to each other, to be friends, to fall in love, to be hurt and to fall in love again but Fate likes to play in their life....letting her fall in love with her guy best friend while she's...