COMMENT AND VOTE PO!! XD
[Frost]
Nagtaka ako kung bakit ang tagal ni Pancake sa CR kaya pagkalabas ni Katie ay sinabihan ko siyang sundan namin si Pancake sa CR.
Nagtaka naman ako kung bakit serado ang CR. Akala ko nung una naglilinis ang janitor sa loob kaya aalis na sana kami pero nakarinig ako ng mga sigawan mula sa loob.
"Nang dahil dayo, I almost lost a twin brother...and Crystal got blind..I lost a bestfriend because of you..."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko sa narinig ko. Boses ni Sheira yun. Ano bang kalokohan ang mga sinasabi niya? At sino ang kausap niya? Si Pancake ba?
"Huy? Forst? Bakit nakatayo ka lang? Tara't hanapin ang pancake mo!"narinig ko si Katie pero hindi ko siya pinansin. Ayaw kumilos ng mga paa ko at gustong makinig ng mga tenga ko sa mga sasabihin nila. Gusto kong malaman kung si pancake ba ang kausap niya.
"Anong hindi mo kasalanan?!"napatingin na ang mga ibang estudyanteng dumadaan sa sobrang lakas ng sigaw ni Sheira.
Galit na galit siya.
"Dahil sayo naaksidente kami, Luna!!" Si Luna ang kausap niya?
"Dahil sayo nabulag ang bestfriend ko!! Dahil sayo halos mawasak si Frost!! Nagkanda leche leche ang pagkakaibigan namin ng dahil sayo!! Kung binantayan mo sana ang bata hindi kami mababangga ng truck!! Kung sana naging maingat ka masaya sana kaming lahat!! Kaya kasalanan mo ang lahat ng ito!!"
Halos mabingi ako sa sa mga narinig ko. Totoo ba ang mga narinig ko? Si Luna ba ang may dahilan kung bakit sila naaksidente?
Flashback>>
"Ayos na raw ang bata at yung babaeng kasama niya na muntik mabangga nila Josh. Galos lang ang natamo nila."habang naghihintay magising si Crystal yan ang narinig ko sa magulang nila Josh."Humingi na ng paumanhi ang magulang nila sa nangyari."
"At yung driver ng truck?"seryoso ang boses ni Tita.
Hindi sapat ang paumanhin nila. Dahil sa kapabayaan niya muntik mawala ang taong mahal ko. Hindi ko sila mapapatawad. Lalong lalo na ang babaeng yun.
End of Flashback>>
Bumalik ako sa realidad ng may bumangga sa akin. Dahan dahan akong yumuko at tinignan ang mukha niya.
"An..tonio."bulong niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Kaharap ko ang babaeng naging dahilan kung bakit nabulag si Crystal. Kung bakit wala na kami ni Crytal ngayon.
Ano bang dapat kong maramdaman?
"Hah! Ikaw pala Tony!"nabaling ang tingin ko kay Sheira."Siguro naman narinig mo ang mga sinabi ko? Para hindi na ako paulit ulit?"

BINABASA MO ANG
Twisted Red String (completed)
Novela JuvenilIt's a story about how Fate pushed them together to be an enemy to each other, to be friends, to fall in love, to be hurt and to fall in love again but Fate likes to play in their life....letting her fall in love with her guy best friend while she's...