Red #9

760 16 2
                                    

[Luna]

Nakakains.

Nakaasar.

Ang sakit.

Bakit kasi ako umasa? Ang tanga mo talaga, Lu. Matagal na kayong wala pero umasa ka pa rin? Kinakarir ang pagiging tanga? Akala ko pa naman tutupad siya sa usapan pero hindi. Ano ba ako sa kanya? Wala. Isang nakaraan.

Aish! Tama na daw ang pagiging emo ko! For sure magagalit si Katie pag nalaman niyang umiiyak na naman ako para kay Darwin. Dapat nakamove on na ako pero bakit isang text lang niya na nag-aala daw siya sa lagay ko, bigla akong lumambot?

Siguro nga may feelings pa rin ako sa kanya. Kahit konti. Pero dapat mawala na 'to.

Pero ngayon inis ang nararamdaman ko. Kung hindi dahil kay Darwin at sa katangahan ko para maniwala sa text niyang pupuntahan niya ako para sunduin hindi ko sana siya makakasama! Bakit sa lahat ng pwedeng makakita sa akin dito sa labas si Antonio pa talaga?! Wala na bang iba?! Bakit hindi si Josh? Flinn? Jan? Kristoff? o kahit yung janitor or guard ng school?! Bakit siya pa?!

Umangal at sumigaw ako sa kanya pero natameme ako ng bigla niyang ilapit ang mukha niya sa akin."Shout and I'll kiss you. Aggressively."He said with a wicked grin plastered in his face.

Napalunok ako ng laway sa sobrang lapit namin at dahil sa banta niya. And I know he could tell that my face is red. He's too close for my own good kaya sumunod na lang ako sa kanya. Sumakay ako ng kotse niya kahit ayoko!

Tahimik lang kami sa loob ng kotse hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Siguro dahil pagod ako kakaemote at dahil may sakit ako kaya agad akong nakatulog sa loob ng kotse niya.

***

Nagising ako sa pagsara ng pinto. Dahan-dahan kong dinalat ang mga mata ko at una kong nakita si Antonio na nasa labas at umupo sa harapan ng kotse niya. May hawak siyang sigarilyo at nakatingin lang siya sa langit.

Lumingon lingon ako kung nasaan kami at sure akong wala ako sa amin. Puro damo ang nakikita ko sa labas pero hindi naman ganun kataas. Lumabas ako ng kotse at tinignan ang buong lugar. Nasa isang bakanteng lote pala kami kung saan kita ang buong school namin at ang lugar mula dito sa taas.

"Gising ka na din sa wakas."rinig kong bungad niya kaya tumingin ako sa kanya. Umihip siya ng usok galing sa sigarilyo niya.

"Alam mo namang masamang manigarilyo diba? Lalo na sa isang athlete na katulad mo."taas kilay kong sabi at lumapit sa kanya.

"Girlfriend ba kita?"

Nagulat ako sa sinabi niya kaya natahimik ako. May kung anong inis ang nakita ko sa mga mata niya.

Oh shit. Nagkatinginan na naman kami tulad dati. And I hate those eyes. It's just so attractive and mysterious.

Argh! Get a grip Luna! Wag mong ipahalata na nagagandahan ka sa mga mata niya! Wake up stupid girl!

"Hindi."agad kong bawi."But I hate smoker."biglang hablot ko ng sigarilyo niya at tinapon sa paanan ko at tinapakan yun.

"What the?!"inis at gulat niyang tanong sa akin."Pake ko ba kung you hate smoker?! Edi umalis ka! Tsk. Sayang yung stick."

Twisted Red String (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon