[Luna]
"Bye."paalam ko kay Josh.
"Bye. Pag-isipan mo yun sinabi ko."sabay ngiti at kaway.
Pasado ala-sais na ng ihatid ako ni Josh sa amin. Nagkayayaan kasi kaming maglaro sa arcade pagkatapos naming kumain. Sinamahan na rin niya akong maggrocery. Habang nasa mall kami, he asked about me and Antonio.
I explained to him everything and I can't believe what he said!
"Ituloy niyo na lang yan."He said casualy."Wala namang mawawala."
"Josh, I don't even like him."dahilan ko."Thankful ako sa ginawa niya pero hindi ko naman gagawin kung ano man yang iniisip mo, ok?"
"Bakit? Sa pagpapanggap na magsyota dapat may feelings ba?"he said teasingly.
"H-ha?! That wasn't what I mean!"
"Tsk.tsk.tsk."sabay kurot ng ilong ko.
"Aray! Josh!"pinalo ko ang kamay niya at lumayo sa kanya.
"Napapaghalataan ka na, Lulu. Hahahaha!"
"Ewan ko sayo! Bahala nga sayo!"sabay walk-out.
Bakit nga ba ako naging defensive kanina?! Asar! Bakit ba gusto nilang magkagusto ako sa manyak na yun?! Hindi ko siya gusto, ok?! I hate him!
'Pero bakit kumakabog dibdib mo?'bulong ng isip ko.
Bumalik ako sa realidad nang tumunog ang phone ko. May text.
From: Antonio
Abah, nagdate ng hindi nagpapaalam sa boyfriend? >:P
Kumunot ang noo ko sa nabasa ko. Nakita niya kami ni Josh sa Mall? At sinasabi niyang date yun? At hindi ako nagpaalam sa boyfriend ko? Don't tell me he's jealous? Nagpapanggap lang naman kami, diba?
Date pala yung kanina? Hehehehe
Umakyat na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit bago ko siya nireplayan.
To: Antonio
Sinong boyfriend ko? >:3
Are you jealous? XDFrom: Antonio
Who's jealous? -_-"
And I'm you're pretend boyfriend, FYI. Hindi ako magseselos.To: Antonio.
Tama! Pretend BF kita...kya hindi ko kailangan magpaalam sayo :P
Just go with Sheira and have a date with her.Hindi ko alam, pero bakit napasok sa topic namin si Sheira? Parang ako tuloy ang nagseselos. Tsk.
From: Antonio
Wait...ikaw ata ang nagseselos eh! XD
And you already know that I don't like her right?To: Antonio.
Nagsuggest lang na makipagdate ka kay Sheira, selos agad?
Sinabi ko lang yun kasi bagay kayo! May SUNGAY!! XD AHAHAHAFrom: Antonio.
At least lumalaki SUNGAY ko, yang BUNDOK mo? Kailan lalaki, PANCAKE? >:D
To: Antonio.
Ang manyak mo kahit kailan! Inggit ka lang kasi wala kang BUNDOK!! XP
Tumunog ang phone ko at akala ko kay Antonio galing ang text. Kay Josh pala.
From: Josh
Action speaks louder than words. :)
Happy day para sa akin. Thanks to you :*Goodnight everyone!
(GM)Agad naman akong nagreply ng 'Goodnight. Thanks sa time kanina. :3'.
Tumunog ulit ang phone ko.
From: Antonio.
Ang sweet niyo naman ni Josh.
May paThank u thank u pa sa text.Bigla akong nataratanta at chineck ko agad ang sent items ko. Argh! Bakit ako nawrong send?! At sa lahat pa talaga so Antonio pa?!
Tumunog ulit ang phone ko pero this time call na. Dinilat ko pa ang mga mata ko para makasigurado kung tama ba ang nakikita ko.
Antonio calling....
At bakit naman siya tatawag?
"Oh?"sagot ko.
"Wow? Ganyan mo babatiin ang boyfriend mo?"panunukso niya sa kabilang linya.
"Alam mo, ewan ko ba kung inaasar mo lang ako o talagang gusto mo maging boyfriend ko. Kanina ka pa eh!"
"Wag ka ngang managinip ng gising! Ikaw? Magiging girlfriend ko? Hoy! Malalaking BUNDOK ang gusto ko para hindi kapos palad! Hahahahaha!"
"Ang bastos mo talaga! Ayoko rin sa mga taong may mga mababantot na pangalan nuh!"
"Parang yung pangalan niya ang bango bango?!"
"Mas mabantot yung sayo! At kung ayaw mong makapos palad dun ka kay Sheira! Mabundok yun!"
Bigla namang tumahimik sa kabilang linya. Akala ko na-end yung call pero nung chineck ko hindi naman.
"Hello? May manyak pa ba dyan?"
"May kilala ka bang Crystal?"nagulat ako sa sobrang seryoso ng boses niya. Wala ng halong biro o ano man ang boses niya pero napansin ko yung lungkot. Yun na kaya yung ex niya na iniwan siya? Pero bakit niya tinatanong sa akin?
"Wala. Bakit mo naman natanong?"
"Ah. Wala, gusto ko lang sabihin na hindi mo siya mapapantayan. Hahahaha! Mabundok yun eh! Babye!"
"Ahy leche ka--*tooot.tooot.tooot*--EWAN KO SAYO!"sigaw ko kahit alam kong wala na siya.
Tinignan ko lang ang phone ko. Kailangan niya talagang sabihin sa akin yun? Pake alam ko ba sa ex niyang iniwan lang siya sa ere?! At least ako hindi nang iiwan sa ere!
Teka? Bakit ba ako naiinis?! Asar naman! Makatulog na nga!
--To be continue...
A/N: Mabagal ang update, kung gusto niyo may mga short stories ako :) maramirami rin yun.
HAPPY EASTER SUNDAY TO ALL!
GOD BLESS!

BINABASA MO ANG
Twisted Red String (completed)
Teen FictionIt's a story about how Fate pushed them together to be an enemy to each other, to be friends, to fall in love, to be hurt and to fall in love again but Fate likes to play in their life....letting her fall in love with her guy best friend while she's...