[Luna]
Lumipas ang unang dalawang buwan ng first semester namin at sa hindi malamang dahilan kahit iba't iba ang course namin, naging hobby na namin ni Katie ang sumama sa basketball team ng Architecture. Nakakaasar nga lang para sa part ko.
Diba dapat kiligin ako dahil parati kong kasama ang crush ko? Pero hindi eh! Kumukulo ang dugo ko sa kanya!!
Minsan nga nung nalaman ng team mates niya kung anong nangyari sa amin bigla niyang iniba ang kwento!
"Siya ang unang humalik! Gumanti lang ako dahil ayokong mapahiya siya!" defend niya na parang siya yung biktima!
"ANG MANYAK MO! WAG MONG IBAHIN ANG KWENTO! KADIRI KAAAAAA!" I shouted at the top of my voice kaya napatakip siya ng tenga with matching tawa pa!
"ARGH!! I HATE YOU ANTONIOOOO!"
At pagkasabi ko nun nag-iba ang expressiona niya..
At nang mga panahon na yun, doon ko nalaman kung ano ang buo niyang pangalan...
"Paano mo nalaman na Antonio first name nitong ungas?! HAHAHAHAHA"---Flinn.
"DI NGA?!"--Katie
"Sht! Ayaw na ayaw niyang matawag niyan! HAHAHAHA!"---Jan
"Pare! Ang epic talaga ng pangalan mo! HAHAHAHAA!"---Seb
"Antonio Frost Campus Araneta! BWAHAHAHAHAHA!"---Kristoff.
"PFFFFT...HAHAHAHA!"--Josh.
Nganga ako sa revalation that time. The next thing..lahat kami binatukan niya.
"BAKIT AKO KASAMA?!" reklamo ko sabay himas ng ulo ko."Nakakarami ka na! You're abusing me! Wala ka ba talaga respeto sa mga babae?!"
"HOY! Ang drama mo! Ba't ikaw?! Wala ka nga ring respeto sa akin!"

BINABASA MO ANG
Twisted Red String (completed)
Teen FictionIt's a story about how Fate pushed them together to be an enemy to each other, to be friends, to fall in love, to be hurt and to fall in love again but Fate likes to play in their life....letting her fall in love with her guy best friend while she's...