Red #38

507 9 5
                                    

[Luna]

Nang bumalik kami sa regular class, naging busy na rin ang iba. Nag-uumpisa na kasing magbigay ng mga final requirements ang mga prof. kaya maduguang pagdidivide ng oras ang ginagawa namin.

We're eating our late lunch right now but Jan and Flinn is missing in action. Ang sabi ni Kristoff, nakita raw niyang kasama nila si Antonio. Mukhang may pag-uusapan daw.

After buying our food, we sat down to a table near the entrance. Saktong pagkaupo namin, dumating sila Jan. Umupo sila sa katabing table namin. The boys greeted each other with a guy-thing-punch, except for Josh and Antonio. Nagtanguan lang sila saka umupo.

Nahuli ko ring napasulyap si Antonio sa akin, pero napayuko agad ako ng ngumiti siya sa akin. Leche! kamatis na naman ako nito! After ng little girl talk namin ni Katie last sunday, hindi ko magawang tignan si Josh sa mga mata niya ng diretso at kapag nakikita ko naman si Antonio agad akong umiiwas habang namumula. Argh! Ano bang gagawin ko?!

How will I tell them about my feelings?! Ang dami ko ng nirecite na mga linya sa kwarto ko paggabi pero pagkaharap ko na ang isa sa kanila, naninikip ang dibdib ko sa kaba at takot.

Kaba pagkaharap si Antonio at takot kapag kay Josh naman.

Habang nag-iisip hindi ko tuloy naintindihan yung sinabi ni Josh. Basta ang alam ko aalis muna siya saglit para may bilhin. Tumango na lang ako at kumain habang si Katie naman dinadaldalan ako tungkol sa isang story na binabasa niya ngayon. Ang, lola niyo naman kilig na killig kaya itong si Seb naman badtrip.

Tinatawanan namin si Seb ng biglang may bumagsak sa mesa namin. Laking gulat namin ng makita si Sheira na nilapag pala ang tray ng pagkain sa lamesa namin ng padabog.

"Hello there guys! Having fun?" todo ngiti niya sa amin with energy pa, pero sarap ihampas ng tray sa mukha niyang plastik. Nawalan na ako ng ganang kumain dahil sa lecheng babaeng 'to.

Oo nga pala, hindi ko pa rin alam kung bakit iba yung inasal niya last time na nagkaharap kami. Matanong nga next time si Josh.

Biglang sumiksik si Angel sa tabi ni Kristoff dahil siya yung pinakamalapit sa kinatatayuan ni Sheira.

"Seb! Bakit amoy sunog na plastik?!" nagulat ako sa pagsigaw ni Katie.

"Abah! Hindi ko kasalan kung yang bestfriend mo habulin ng mga plastik na sunog!"---Seb.

"Plastik na sunog? Ang naaamoy ko sunog na buhok dahil sa plantsa," --- Jan.

Napanganga ako sa sinabi nila. Talaga bang sinabi niya lang yun?! Naghahanap yata sila ng away?

"Are you talking about me?! In my face?!" tili ni Sheira kaya ang daming napatingin na students sa amin.

Napatakip ako ng tenga ng wala sa oras at masamang tinignan si Sheira. "Pwede ba? Nakakarindi yung tili mo!" sigaw ko sa kanya. "Kung wala kang matinong gagawin dito. Get lost! Kakain pa kami."

Twisted Red String (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon