Red #20

491 9 0
                                    

Nakatayo lang ako sa labas ng gate kasama siya. Oo, pumayag na ako sa gusto niya pero hindi ko alam kung anong sasabihin. Dapat bang may sabihin?

Sumilip ako sa itsura niya. Nakawhite and gray three-fourth shirt siya, maong pants at color blue na vans shoes. While me? A simple gray blouse with a design of little white flowers, dark blue na short, at red converse shoes.

"Why are you in short?"he said kaya napabalik ako sa realidad. Napatingin ako sa sarili ko. Panget ba? Dapat ba talagang dress ang isuot ko? Hindi ako mahilig sa mga palda na damit eh!

"Bakit?"

"Tsk! Magpalit ka nga doon. Wear jeans or jeggings."seryosong saad niya bago pinasak ang earphone niya sa tenga niya.

Padabog akong pumasok ulit sa bahay. Nakakainis siya! Hindi man lang niya na-appriciate ang effort ko sa pagdamit?! Wala talaga siyang respeto sa babae o kahit ano mang soft part para sa babae! Paano kaya siya nagustuhan ni Crystal!?

"Oh? Hindi tuloy ang date?"hindi ko na lang pinansin ang Ate ko at bumalik sa kwarto para magdamit ulit.

Forget about Crystal! Date niyo ni Antonio 'to so  forget about her. About them. Never mind them, Luna!

It's about you and Antonio this time.

Teka nga...

Did I really just consider this as a DATE?!

***

Nakasuot na ako ng light blue blouse, black jeggings at flip flop. Tinignan lang niya ako ng walang imik at pinagbuksan ng pinto ng kotse.

Pagkaupo ko sa shot gun seat, mas lumakas ang drum sa dibdib ko! Tapos feeling ko gusto ko mag-cr dahil sa bagyong nasa tyan ko. Hindi ako mapakali!

Gusto kong tanungin kung saan kami pupunta pero umurong ang dila ko. Tinanaw ko na lang ang street lights sa labas na nag-uumpisa ng magbukas. Napatitig ako sa langit na nagiging orange red na ang kulay.

Mas magandang makita ang sunset pag nasa dalampasigan ka. 

"Saan gusto mong pumunta?"My thoughts were interupted of his question. Hindi niya alam kung saan kami pupunta?

"Akala ko ba date 'to? No surprises?"I raised my eyebrows at him.

"Bakit naman ako mag-aabalang gawin yun?"

Napanganga ako sa narinig ko. So, ibig sabihin, no efforts? Kakain lang kami sa labas--he'll treat me and I'll accompany him -- then tapos na?

"Anong klaseng date 'to?"bulalas ko.

"Try-out date?"parang hindi pa siya sigurado.

Twisted Red String (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon