[Luna]
"Katie! Hindi ko na alam ang gagawin ko!" I whined.
Sobrang gulo na ng utak ko simula kagabi pa! Parang may video sa utak ko na replay nang replay lahat ng nangyari kagabi. Yung sweetness ni Josh, yung mga sinabi ni Jan at yung pagkanta at pag-alis ni Antonio after singing.
"Mababaliw na ako, Kat!" sabay gulo ng buhok ko at gulong sa kama ko.
Dito nagsleep-over si Katie at heto kami ngayon, tambay sa loob ng kwarto ko habang unti unti akong nababaliw sa mga nangyayari.
"Tama naman din si Jan, Dhai" sabi niya sabay wagayway ng lollipop niya. "Bakit ka ba nababaliw dyan kung alam mo naman ang sagot kung sino sa kanilang dalawa."
"Dhai! Hindi naman ganun kadali eh! Hindi ko talaga alam kung sino ang tinutukoy niya ni Jan!" tumigil na ako sa paggulong at tinignan ang kisame at napabuntong hininga. "Ang hirap Katie. Mahal ko sila. How can I choose if I know one of them will be hurt after."
Narinig kong tumayo si Katie mula sa pagkakaupo sa swivel chair ng computer desk ko at hindi nagtagal nasa tapat ko na siya at nakatingin ng diretso sa akin habang may hawak na lollipop.
"Then I'll ask you, bakit mo mahal silang dalawa?" sabi at tumayo ng tuwid pero nakatingin pa rin siya sa akin.
Bumangon ako at umupo ng indian seat saka tumitig sa sahig.
Bakit ko ba sila mahal? Bakit pareho ko silang mahal? Hindi naman pwedeng mangyari yun diba? Dito na ba papasok yung hiling na 'Sana dalawa ang Puso ko?'.
Napabuntong hininga ako. "Mahal ko si Josh dahil.." nag-isip ako at biglang nagflash lahat ng pagsasama namin. Napangiti ako ng hindi ko namamalayan. "..dahil, masaya ako sa tuwing kasama ko siya. Sa tuwing malungkot ako, nandyan siya para pasayahin ako. He's always there whenever I need him, whenever I want someone to talk or listen to my ridiculous stories. He's sweet, kind, and caring. Sa tuwing kasama ko siya, napapangiti ako Kat."
"Eh si Frost?"
Nawala ang ngiti ko ng banggitin niya ang pangalan ni Antonio. Pagkabanggit niya palang bumalik lahat ng mga away at sigawan namin. Yung kulitan at asaran namin. Yung first time ko siyang nakita at nakausap. Yung panahon na nagpapanggap siyang boyfriend ko hanggang sa nalaman namin ang tungkol kay Crystal.
Biglang naging mahapdi ang mata ko at naging blurry.
Naalala ko rin yung malungkot na ngiti niya ng nagtama ang tingin namin kagabi.
"K-Kasi.." bakit ko nga ba siya mahal? Bakit ko siya minahal? Bakit hindi ko pa rin siya makalimutan?
Naramdaman ko ang paglaro ni Katie sa hibla ng buhok ko. "May nabasa ako sa internet kagabi, 'Infatuation is when you find somebody who is absolutely perfect. Love is when you realize that they aren't and it doesn’t matter.'" tumabi siya sa akin at biglang humiga sa kama. "Mahal mo si Josh, dahil naging mabait siya sayo. Siya yung ideal boyfriend ng mga babae while si Frost, mahal mo siya dahil siya si Frost. Siya yung nagpapatibok ng puso mo."

BINABASA MO ANG
Twisted Red String (completed)
Teen FictionIt's a story about how Fate pushed them together to be an enemy to each other, to be friends, to fall in love, to be hurt and to fall in love again but Fate likes to play in their life....letting her fall in love with her guy best friend while she's...