Red #23

520 10 0
                                    

[Luna]

Laking gulat ko nang makita ko sa sala namin si Antonio kinaumagahan.

"Anong ginagawa mo rito?!"sigaw ko. Ala-syete pa lang ng umaga pero andito na siya!

Tinignan niya ako with a wicked smile."Nice dress.."

Napatingin naman ako sa damit ko at agad uminit ang mukha ko."Leche kaaaaaa!!"

Mabilis akong pumasok ulit sa kwarto ko pero rinig na rinig ko pa rin ang tawa niya. Nakakainis! Nakakahiya!

Nakared tank top ako at yellow short na pantulog!

Ano ba kasing maasahan niyo sa isang babaeng dinistorbo ng sobrang aga?! Wala pa talaga abiso sa akin! Mamapapatay ko na talaga ang lalakeng yun!

***

"Ano bang pakulo mo ha?!"sigaw ko pagkalabas ko ng bahay."Ang aga-aga naghahasik ka na ng lagim sa buhay ko!"

"Shut up. Ang aga-aga bumabaho ang mundo ko dahil sa hininga mo."poker face na sabi niya sabay bukas ng pinto ng kotse niya."Sakay."

"Abah! Kung makainsulto parang hindi mo ako nahalikan?!"hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para itopic yun. Ghad! Nawalan na ako ng hiya sa sarili ko!

He just smirked at me."Get inside.."then umikot na siya para sumakay sa driver's seat.

Padabog akong sumakay ng kotse niya at sinera ang pinto."Anong nginingiti mo dyan? Ulol."

Inistart na niya ang engine at nagsimulang magdrive."Saan ba tayo pupunta? Gusto ko pa matulog eh..."

"Wag ka ngang mag-pout..."lumingon ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya habang diretso ang tingin sa daan.

"At bakit? Kasi hindi bagay? Mind your own business."

"Tsk. Kahit pancake yang dibdib mo.."sumilip pa siya saglit para tignan dibdib ko bago binalik ang tingin sa harapan.

"Bastos!!"sabay takip ng dibdib ko."Ang manyak mo talaga!"

"....I still want to kiss you"he said that with a teasing smile.

At dun ako natameme.

***

"Why did you bring me here?"yan agad ang tanong ko ng huminto kami sa isang McDo.

"Kakain malamang..."kibit balikat niyang sagot sabay hawak sa kamay ko at hila papasok sa loob.

Napatingin ako sa kamay namin. Ilang beses na kami nagkahawak kamay pero ganito pa rin ako, mainit ang mukha at kumakabog ang dibdib ko.

Twisted Red String (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon