Red #8

672 15 0
                                    

[Frost]

Monday morning at late si Josh. First time 'to dahil sanay kaming on time dumadating ang ungas pero 15 minutes  late siya. Major subject pa talaga namin. Mabuti na lang at hindi terror ang prof namin.

After class diretso kami tambay sa likuran ng covered court ng school. Napansin kong tahimik lang si Josh sa tabi at hindi sumasali sa paglalaro namin ng basketball.

"You okay?"tanong ni Jan matapos naming maglaro. Nakasunod lang ako sa kanya.

"Ok lang. Masakit lang ang ulo ko."Sagot ni Josh at ngumiti ng tipid sa amin.

"Sus! Kulang lang yang ng halik ng isang chicks eh!"kantyaw naman ni Flinn.

"Puro ka babae Flinn!"--Seb

"Parang ikaw hindi?! Ngayong may Katie kittie kana! Iiwan mo na ako?!"--Flinn.

Binatukan naman ni Seb si Flinn at lumaban naman si Flinn.

Mga loko talaga ang mga 'to. Napailing iling na lang ako at iniwan sila doon para magshoot ng bola. Naramdaman ko naman na may papalapit sa akin. Paglingon ko si Josh.

"Oh? Bakit kapag tayo-tayo lang tahimik ka? Pero kapag kasama natin si Luna ang daldal mo?"mapang-asar na sabi niya habang nakapamulsa at nakangiti sa akin.

"Baka gusto mong sa mukha mo itapon ko ang bola?"nilarolaro ko ang bola sa kamay ko habang kunot noong tumingin sa kanya."Bakit ba lahat ng gagawin ko, isisingit niyo pangalan ni pancake?"Tinapon ko sa kanya ang bola at nasalo naman niya.

"Well, nakakatuwa lang kayong tignan kapag nag-aaway."He chuckled a bit pero nagbago yun ng humawak siya sa noo niya.

"Talagang ok ka lang? Namumutla ka 'Tol."Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

"Pahinga at biogesic lang 'to. No worries."Ngumiti siya sa akin at binato ulit ang bola patungo sa akin. Nasalo ko rin naman 'to pero paglingon ko sa kanya tumalikod na siya sa akin.

Susunod na sana ako sa kanya pero bigla siyang bumagsak sa sahig at doon na nagkatarantahan ang lahat.

***

[Luna]

"Luna naman! Bakit ka pa pumasok! May lagnat ka!"ang ingay talaga ng babaeng 'to. Ilang beses ko ba dapat sabihin ayos lang ako?

"Katie naman. Masama na nga ang pakiramdam ko ang ingay mo pa rin."matamlay na sagot ko sabay subsob ng mukha ko mesa ng library.

Maaga kaming pumunta ng school ni Katie para group study dahil may quiz kami after P.E. class pero hindi ko magawang magstudy kasi feeling ko gusto kong sumuka na ewan. Ang sama ng pakiramdam ko at parang lumulutang sa ere ang ulo ko.

"Magpahinga kana lang sa clinic, Lu. Ang putla mo."

"I can take care of myself,Lu. Tulog lang katapat nito."

"Lu, wag matigas ang ulo."

"Kat, alam mo namang I hate medicine diba?"tumingin ako sa kanya at ngumiti."Kain na lang tayo, pwede?"kokontra pa sana siya pero nagpacute na ako sa kanya.

Twisted Red String (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon