[Luna]
Sport fest ngayon at kakatapos lang ng Midterm Exam namin. Sana pasado! Kahit bitay! Hays, bakit kasi di ako nakinig sa mga majors ko?
At dahil sport fest ngayon pwedeng magcivilian ang mga students at walang klase! Yepee!
Una akong dumating kay Katie sa school kaya naglibot muna ako sa campus at tumingin ng mga booth. May mga ukay-ukay na booth, message booth, food booth, chowking booth, dunkin donut booth, at marami pang iba! Ubos ang ipon ko this month dahil sa mga booth-booth na yan.
"Lulu!" hinanap ko yung tumawag sa pangalan ko at nakita ko sa di kalayuan si Seb na kumakaway pa.
Lumapit ako sa kanya. Kasama niya sila Josh at Kristoff. "Saan si Katie?" yan agad ang tanong niya pagkadating ko.
"Wow ha? Hindi mo man lang ako babatiin ng 'Morning' o kaya 'Hello'? Katie agad?"
Napakamot naman siya ng ulo na yumuko. "Hehehe, sorry. Hello din."nahiya pa ang loko."So, saan na siya?"
"Sus, dalawang buwan na tayo magkakaibigan, di ka pa dun nasanay. 1 hour late yun for sure." Ganun si Katie, pagsinabing 8am, pupunta yun ng 9am or 9:30am. Oh, diba? Pinoy talaga siya.
Di nagtagal dumating na sila Jan at Flinn. At dahil sila lang ang close ko na nakita ko sa campus kaya tumambay muna ako kasama nila. Tinukso lang nila ako kay Frost kaya aalis na sana ako pero leche, sinuhulan nila ako ng pagkain eh. So, stay na lang ako. Abah! Wagas kaya sila manlibre nuh. Mabubusog ka.
"Nood kayo ni Katie mamaya sa laro namin ha?"--Seb.
"Sus, ang sabihin mo gusto mong magpasikat kay Katie."I rolled my eyes and snatch some V-cut from him. "Umamin ka na kasi."
"U-umamin saan?! Wala akong ginawa sa bestfriend mo ha!"
Tumingin kaming lahat sa kanya with unbelievable look. "Yan na lang ba ang nasa isip mo, Seb?"di makapaniwalang tanong ni Flinn."Ikaw ang tunay na manyak."
BINABASA MO ANG
Twisted Red String (completed)
Fiksi RemajaIt's a story about how Fate pushed them together to be an enemy to each other, to be friends, to fall in love, to be hurt and to fall in love again but Fate likes to play in their life....letting her fall in love with her guy best friend while she's...