Red #6

714 13 0
                                    

[Luna]

"KAYO NA?!"sigaw nilang lahat.

Ano raw? Kami na? Nino?

Binigyan ko sila ng 'Huh' look at may tinuro sila ng sabay sabay sa tabi ko. Sinundan ko naman ang tinuro nila. Nasa tabi ko si Antonio. Poker face siyang nakatingin sa akin na para bang naghihintay na may gawin o sabihin ba ako.

Teka..katabi ko siya?

 

"Ang sarap talaga ng tulog mo ano?"

 

 

"WAAAAAAH!"Umalis agad ako sa kama at umatras palayo."ARAAAY!"napahawak naman ako sa kaliwang paa ko.

Argh! Yung nasprained kong paa kanina!

Agad namna ako nakaramdam ng may humawak sa braso ko para tulungan ako. Pagtingin ko kung sino si Josh pala. Nasa tabi niya si Katie.

"Anong nangyari sayo?"nag-aalalang tanong ni Josh. Napatingin naman si Katie sa paa ko.

"At ginaya mo pa si Frost? Injured ka din ganun?"taas kilay niyang tanong na may halong panunukso."Hindi ka naman ganyan nung iniwan ka namin ni coach dito ah."

"Ayeee! Ano 'to! Bakit wala kaming alam?! Hahahahaha!"---Kristoff.

"Asus! Dami niyo pang arte! Kayo rin pala ang magkakatuluyan!"---Jan.

"Manahimik nga kayong lahat!!" sigaw ko sabay tayo ng maayos kahit masakit ang paa ko."Una sa lahat HINDI KAMI! Pangalawa, hindi ko siya ginagaya! Tinulak niya ako kanina kaya nasprained din paa ko! Pangatlo, NEVER magiging kami! As in NEVEEEEER!!"

"Ang O.A mo, Lulu." sabay kurot ni Katie ng pisngi ko."At papaano mo ipapaliwanag sa amin ang bed scene na nakita namin?"sabay pamewang niya.

Twisted Red String (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon