Red #15

461 7 0
                                    

[Luna]

Pagkagabi nakatanggap ako ng text kay Josh.

From: Josh

Ok ka lang? Pagpasensyahan mo na si Frost. :)
He's just jealous of me >:3

Matapos kong magbihis ng pangtulog ay nagreply ako agad sa kanya.

To: Josh

Yeah,right. Selos lang siya sayo kasi mabait ako sayo, sa kanya hindi XD
mapride tlga siya

From: Josh

Hmm...ganun na nga siguro? :)
btw, free ka ba sa saturday? Kain tayo?

To: Josh

Nanaman? Gusto mo talaga ako kasma nuh? >:D

From:Josh

Hahahaha! No choice kasi ako. Ikaw lang available eh :3
Sige na? Please? >.<

Napangiti ako sa text niya. Para siyang bata habang binabasa ko ang text niya.

To: Josh

Ok fine. Basta libre mo! :P

From: Josh

Ahy! Madaya! -_-" Ikaw naman. Last time ako kaya nanlibre.

To:Josh.

Hahaha! Ok ok..ako na.
kawawa man ang bata eh :P

From: Josh

Oy di ako bata! XD
Osige na. 10am meet up sa mall, ok? goodnight :*

To: Josh

Goodnight :3

Humiga na ako sa kama at nilagay malapit sa puso ko ang phone ko. Kakain na naman kami ni Josh ng sabay sa saturday. Date na naman ba 'to tulad ng sabi ni Antonio?

Hmmm...Antonio?

Bakit kaya siya ganun kanina? Nung isang gabi pa siya weird. May feelings ba siya sa akin kaya siya nagselos?

Gumulong gulong ako sa kama. Hindi pwede. Mali ang iniisip mo, Lu. Imposibleng magkagusto ang lalakeng yun sayo. At isa pa pake mo kung magkagusto siya sayo? That's none of your business.

Pero ano rin ba 'tong feelings ko? Bat parang naapektuhan ako sa mga sinabi niya? Siguro dahil ayokong may kinukumpara siya sa akin. May pride din kaming mga babae.

Muntik na akong mapatalon sa kama ko ng magvibrate ang phone ko at tumunog ito. Tinignan ko at halos lumuwa ang mga mata ko.

Josh calling...

Bakit siya tumatawag? Naggoodnight na kami ah?

"Hello?"I said as I answered his call."Napatawag ka?"

"Hmmm..wala lang. Uubusin ko lang ang call ko, sayang eh."kahit di ko nakikita alam kong nakangiti siya. Does he like me?

Wow! Wag kang mabisyosa Luna! Tama na nga!

'Pero aminin mo, ideal guy siya.' ngiti ng isipan ko.

"At ako pa talaga tinawagan mo?"sabay higa sa kama ko at yakap sa hot-dog pillow ko.'Manahimik ka nga.'sermon ko sa isipan ko.

'Ang sabihin mo, si Antonio gusto mo.'tukso ni isipan.

"Alangan naman lalake tawagan ko?"

"Masama ba? Kami nga ni Katie nagtatawagan minsan."kumento ko. Hindi ko na lang pinansin yung iniisip ko at nakipagkulitan na lang ako kay Josh.

"Para sa inyong mga babae, ok lang. It's natural. While for us it's like, 'Dude, are you gay?'"

"Ano?! Bakit naman? Tatawagan lang ang kapwa lalake gay agad?"

"Kasi po Katie, hindi yun natural sa aming mga lalake. Girl-girl call and text is an OK, while boy-boy call and text is a BIG NO."

"Di ko gets."

"Di mo magegets kasi you're not a boy."

"Fine."I rolled my eyes and shiftted."By the way..hindi mo pala sinasabi na kambal kayo ni Sheira!"

"Ahw, need ko bang sabihin?"

"Josh naman! Magkaibigan tayo!"

"Hahahaha! Well, sorry. Hindi ka nagtanong eh."

Napapout ako sa sinabi niya.  May punto siya, pero paano ko naman tatanungin? Wala nga ako alam diba?

"Pero sa totoo lang, Josh. Parang sila Antonio at Sheira pa ang kambal. Pareho silang may sungay."

"Hahahahahaha! Siguro nga ampon ako at si Frost talaga ang anak! Hahahaha!"

"I know right! Hahahaha! Mas mataas nga lang ang sungay ni Antonio!"

"Teka...pansin ko hindi na nagagalit si Frost kapag tinatawag mo siyang Antonio? Hmmm.."

"Ha! Bahala sa kanya! Wala naman siyang magagawa kung yun ang gusto kong itawag sa kanya, diba?"

"Hmm..you have a point.."ewan ko ba pero parang nakangisi siya sa tono ng boses niya. Bakit parang ang saya saya niya?

"Sige, matulog na ako Lu. 11 plus na oh."

Napatingin naman ako sa wall clock ko at tama nga siya. 11:27pm na pala pero wala namang klase bukas eh.

"Wala po tayong klase bukas, Josh."dahilan ko."Ok lang magpuyat."

"Kahit na. It's not good for the health. Kaya matulog na tayo lalo ka na kasi ang payat payat mo."

"Che! Sexy ang tawag dito!"

"Whatever you say, Luna.."I hear him chuckled at the other side."Goodnight, sexy Lu."

"Hmpf! Night."

Narinig ko pa ulit ang tawa niya bago niya binaba ang tawag. Ang sarap pakinggan ng tawa niya..

Kay Antonio kaya?

My ghad!! Bakit na naman ba si Antonio?!

"AAARGGH!!"sabay gulong sa kama."Ginugulo niyo ang utak ko! Josh! Antonio!! WAAAAAH!!"

'Baliw'--isipan.

--To be continue...

Twisted Red String (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon