A/N: Wala 'to siyang proof read kaya kung mga mali man, sorry >.<
VOTE AND COMMENT!!! :*
-----
[Luna]
"Ano ba kasi yung tatanungin mo kay Josh at hindi na pwede makapaghintay?"inis na tanong ni Katie habang nag-aayos ng gamit.
Kakatapos lang ng 11:30-1pm na klase namin. Wala pa kaming lunch at gutom na gutom na ang loka-loka.
"About sa mga sinabi ni Crystal last time."sagot ko habang hinihintay siya matapos."Diba nakwento ko na sayo yung nangyari nung nasa parking lot kami? Ngayon ko nga lang naalala na kailangan kong tanungin si Josh tungkol dun."
"At bakit naman?"nilagay na niya sa shoulder niya ang shoulder bag niya at tumgin sa akin. "Baka masyadong ambisyosa lang talaga si Sheira at akala niya na may relationship sila ni Frost at sinasabing ikaw ang nagsira sa pantsya niya."sabay ngisi."You know her. Patay na patay si Sheira sa boylet mo."
"Anong boylet ka dyan?! Umayos ka nga at puntahan na natin si Josh. Baka naghihintay na yun."napailing na lang ako at lumabas na ng classroom.
"Pero dhai! Gutom na ako!"sabay tabi sa akin sa paglalakad."Kain muna tayo saglit lang..."
Tinignan ko kung anong oras na."Okie..pero saglit lang ha?"sabi ko at mukhang nagniningning ang mga mata niya habang nakatingin sa akin."Nakakadiri ka dhai."
"Eh sa gutom na ako! Nakakainis na schedule kasi!"sabay pout niya at kuha ng phone."Text ko muna boylet ko."
Hindi na ako sumagot at nagtext kay Josh.
To: Josh
Kakain lang kami ni Katie saglit.
Txt me if nasa open stage ka na.Hindi ko na hinintay na magreply siya at tinago na sa bulsa ng pants ko ang phone ko.
Saan na kaya yung isa?
After kasi naming matulog sa kubo dumiretso na ako sa classroom ko. Hindi ko talaga namalayan na nakatulog na rin ako kanina. Sobrang tahimik kasi doon tapos kulang pa talaga ang tulog ko dahil ang aga mambulabog ni Antonio.
Muntik pa akong malate at si Antonio? Pinagtawanan lang niya ako.
Asar.
***
Matapos naming kumain ni Katie ay naglakad na kami papuntang open stage pero wala kaming nakitang Josh.
"Oh? Saan na man yun?"lumingon lingon si Katie sa paligid."Mukhang wala naman siya dito."
"Nagtext na siya sa akin na nandito na siya.."nagpalingon lingon na rin ako pero wala. Puro mga nakatambay na mga students lang ang nandito at mga nagskeskateboard.

BINABASA MO ANG
Twisted Red String (completed)
Fiksi RemajaIt's a story about how Fate pushed them together to be an enemy to each other, to be friends, to fall in love, to be hurt and to fall in love again but Fate likes to play in their life....letting her fall in love with her guy best friend while she's...