Pasado 10 na pero wala pa rin si Josh. Kanina pa ako dito sakto 10 pero kahit anino niya hindi ko pa nakikita. Cannot be reach rin ang phone niya. Anong nagyari dun? Rare sa kanya ang malate sa pagkakaalam ko, pero bakit 15 minutes na siyang late?
Umorder na ako at umupo sa isang vacant table. Palingon lingon ako sa entrance ng Jollibee in case na dumating siya pero wala pa rin.
Hmmm..Inindian ba ako ni Josh? Baka naman nakaemergency siya? Pero pwede naman niya akong itext o tawagan para sabihan kung hindi tuloy. Aish.
Lumingon ako ulit sa entrance at nakita ko siya na parang nagdadalawang isip kung papasok ba siya o hindi.
Si Antonio.
Once again nagkatama ang mga tingin namin. Kumunot ang noo ko at siya naman napabuntong hininga at nagkamot ng ulo. Anong problema niya?
Pumasok na siya at dumiretso sa table ko. Teka? Bakit niya ako nilalapitan? Anong kailangan niya?
Umupo siya agad sa upuan sa tapat ko at kumain ng fries.
Hinintay ko siya magsalita pero nakatingin siya sa labas ng bintana at hindi ako pinapansin habang sunod sunod ang subo niya ng fries.
Agad kong hinablot ang fries ko at pinalo ang kamay niya. Napalingon naman siya sa akin at sinamaan ko siya ng tingin.
"At anong sa tingin mo ang ginagawa mo?"Naningkit ang mga mata ko habang tinitignan ko siya.
"Kumakain, malamang."sinubunkan niyang kunin ang fries pero nilayo ko 'to. Coke ko naman ang kinuha niya at ininom!
"Hoy! Akin yan!"inabot ko yung baso pero agad siyang nakaiwas.
Binaba niya na ang baso at tumingin sa labas."Ililibre kita mamaya kaya shut up."sabay patong ng siko niya sa mesa at patong ng baba niya sa palad niya."Josh asked for a favor. Puntahan daw kita dito dahil wala ka raw kasama."
"Eh?"
Tumango tango naman siya pero hindi pa rin niya ako nililingon. Naghintay ako na may sasabihin pa siya pero wala na. Yun lang.
"Teka nga."sabay lapag ng fries sa table."Saan ba si Josh? At bakit di siya nakarating?"
"Bakit ayaw mo akong kasama?"tinignan niya ako at tinaasan ng kilay. Ang maldito naman niya. Dalaw ba niya?
Tinaasan ko rin siya ng kilay."Ayaw. Bubwisitin mo lang ang araw ko."seryosong sabi ko."At isa pa bakit ka pumayag sa favor niya? Diba you hate me?"
"Naawa ako sayo eh. Walang kasama."kibit balikat niya at hablot ng fries.
"Sabi ko nga aasarin mo lang ako."inubos ko na ang coke at tumayo."Aalis na ako. Sayo na yang fries."badtrip na sabi ko at naglakad papunta sa exit.
"O-oy!"rinig ko ang pag-urong ng bangko pero hindi ako lumingon. Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko pero lumabas pa rin ako pero agad akong napahinto ng harangan niya ako.
"Bakit?"inis na tanong ko.
"Papatayin ako ni Josh kapag pinauwi kita ng maaga!"
Tinaasan ko siya ng kilay "So?" tinulak ko siya ng mahina at naglakad ulit pero may nahagip ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Twisted Red String (completed)
Teen FictionIt's a story about how Fate pushed them together to be an enemy to each other, to be friends, to fall in love, to be hurt and to fall in love again but Fate likes to play in their life....letting her fall in love with her guy best friend while she's...