A/N: HOOOOY!! Icomment niyo ang reaction niyo!! XD salamat!! I love you :*
[Luna]
Natapos ang Christmas Fest at nag-umpisa na ang Christmass Vacation. Matapos ang drama sa Mall ay pumasok ako the next day at simula nun hindi ko na mahagilap kahit anino ni Antonio sa campus. Hanggang matapos ang school days, walang Antonio akong nakita.
Third day ng vacation at namamasyal lang ako sa kalapit na children park ng may lumapit sa akin. Si Darwin.
"Hello," ngiting bati niya. Ngumiti na lang din ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod lang siya. "So, 'musta na?"
"Ayos lang," alam ko ang tipig masyado pero wala pa rin akong ganang makipagdaldalan tulad ng dati. Hindi na ako yung dating Luna.
"Matamlay man?"nahalata niya pala? "LQ kayo ni Frost?"
Napahinto ako sa pagbanggit niya kay Antonio. Isang banggit lang ng pangalan niya bumabalik ang lahat. Ang alaala at feelings ko para sa kanya. I want to stop everything from replaying but I can't.
Why can't I forget him?
Pumapabor na nga ang hindi niya pagsulpot, pero bakit hindi ko pa rin magawa? Bakit ang hirap?
"Luna?" bumalik ako sa realidad at humarap kay Darwin. Umiling lang ako at ngumiti ng tipid sa kanya.
"Sure? Parang hindi ka kasi ok."
"Masama lang ang pakiramdam ko," buntong hininga kong sagot. Gusto kong makaalis sa sitwasyon na 'to. Gusto kong mapag-isa para makapag-isip man lang. I decided to forget him but how?
Susulpot ba ngayon si Antonio?
"Lu!"napalingon ako sa tumawag sa akin. Umasa akong si Antonio, pero si Josh pala. Nang makalapit siya sa akin, bigla niya akong inakbayan at nilapit pa sa kanya.
Anong ginagawa niya?!
"Oh, Darwin napadaan ka yata dito?"ngiting bati niya dito.
Nagpalipat lipat ang tingin ni Darwin sa akin at kay Josh. "Ahh, nakita ko kasi si Luna na mag-isa at mukhang malungkot."
"Don't worry ako na bahala dito! Pagkain lang katapat nito!" masiglang sabi ni Josh. Ang sigla yata ng mokong na 'to?
Gusto kong kumawala sa akbay-yakap niya pero ang higpit. Ano bang ginagawa ni--.
Is he doing this para lumayo si Darwin? Ginagawa niya kung anong ginagawa ni Antonio dati sa akin?
Nagpaalam na lang si Darwin sa amin na may pagtataka.
"Kain tayo," ngiti niya sa akin. Tinignan ko lang siya bago kumawala sa akbay-yakap niya.
BINABASA MO ANG
Twisted Red String (completed)
أدب المراهقينIt's a story about how Fate pushed them together to be an enemy to each other, to be friends, to fall in love, to be hurt and to fall in love again but Fate likes to play in their life....letting her fall in love with her guy best friend while she's...