Red #19

662 9 2
                                    

[Luna]

"Akala ko ba ngayon tayo kukuha ng form?"rinig ko sa boses niya ang pagtatampo.

"Sorry, Kat. Masama ang pakiramdam ko eh tapos kulang pa ako sa tulog..."matamlay na sagot ko sabay takip ng braso ko sa mga mata ko.

"Gusto mo ba puntahan kita? I'll buy you foods.."

"Kung utang yan, wag na lang. Matutulog na lang ako..."napangiti ako sa concern niya at the same niya sa pagiging kuripot niya.

"Arte mo pa..Ako na nga 'tong gustong bisitahin ka dyan eh!"natawa na lang ako sa pagtatampo niya. Minsan iniisip ko bata siya.

"Just go with Seb..Alam ko naman magkasama kayo eh..."tukso ko.

"Naman! Hahahaha! Sige, just text me if you need anything, ok?"tumango tango ako sa sinabi niya pero naalala ko na hindi niya pala ako nakikita.

"Okiee.."sagot ko.

"Kung nandito lang sa akin ang clearance mo, edi ako na sana ang kukuha ng form mo..."

"Thanks, Kat..sige, matulog na ako..bye."

Doon na nag-end ang chitchat namin. Napatitig ako sa kisame at napabuntong hininga.

Ano bang nangyari kanina? Teka nga...totoo ba talaga yun?

Argh! Sana hindi pero alam kong totoo eh!!

"Waaaah!"sabay padyak ng mga paa ko sa ere."Nakakainis! Langya ka talaga Antonio!"

FLASHBACK>>>

"Don't get me wrong, ok!"agad niyang depensa matapos ang matagal na katahimikan namin."Hindi kita kaya kita type!"

"Kung ganun bakit mo ako gustong idate! Ano na naman bang pakulo mo at pumasok sa bulok mong utak yang date with me!"agad kong binawi ang kamay ko at masamang tinignan siya."Wag mo nga akong pinagloloko! Loko-loko!"

"Ok ok!"sabay taas ng kamay niya bilang pagsuko."I just want to try, ok? Wala naman sigurong mali diba? Date lang naman! Hindi naman kita papatayin!"

"Parang ganun na rin yun!"

"Arte mo! Ako na nga 'tong nagyayaya eh! Pasalamat ka niyaya kita ng date kung hindi kawawa ka!"ngisi niya. Agad ko naman siyang dinuroduro.

"Wag ka ngang ambisyoso! At ang dami ko na pong naging date, kaya hindi ako kawawa!"

Naging seryoso ang mukha niya at tumayo ng tuwid habang nakapamulsa siya."If that's the case then date with me. Wala namang masama doon diba? I'll treat you and you'll accompany me and that's it. No more no less."

"Kung ayoko pala?"paghahamon ko. Aba akala niya easy to get ako? Kahit may kung anong bagyo ang nasa tyan ko ngayon at mga karpintero sa dibdib ko, hindi ako magpapa-easy to get!

Twisted Red String (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon