Red #27

496 9 1
                                    

[Luna]

Nagising ako ng may ngiti sa labi. Sobrang good mood ako ngayon at hindi ko matatanggi dahil yun sa pagkanta niya kagabi.

Biglang uminit ang mukha ko kaya napahawak ako sa pisngi ko.

"You're beautiful.."bulong ko sa sarili ko."Waaaaah! Leche ka Antonio Bantot!!"sigaw ko sabay higa ulit sa kama.

Feeling ko gusto ko lang humiga ulit sa kama at matulog. Hindi dahil sa tinatamad ako dahil sobrang good mood lang ako! Ayokong lumabas ng bahay baka masira lang ang mood ko nuh!

Pero dahil may klase pa ako kumilos na lang ako. Naligo na ako, nag-ayos at kumain pero yung ngiti sa mga labi ko hindi naalis!

"Para kang baliw, Lu."sabi ni Ate matapos kong kumain at magtoothbrush. Nililigpit niya ang hapagkainan habang ako tumingin sa salamin for the last time."At nakakatakot yang pagiging blooming mo ha.."

"Ate naman.."I rolled my eyes at her."Good mood ako, wag mong sirain."kinuha ko na ang bag pack ko at patakbong-lakad pumunta sa pinto."Babye na!"sigaw ko bago lumabas.

Naabutan ko naman si Manang na nagwawalis sa tapat ng gate namin.

"Bye Manang! Ingat!"sabi ko sabay beso sa kanya.

"Abah good mood ang bata.."ngiti ni Manang. Ngumiti rin ako bago nilibot ang mga mata ko. Mukhang hindi niya ako susunduin ngayon.

Medyo nalungkot naman ako pero ayos lang, wala rin naman siyang sinabi na susunduin niya ako ngayon. At isa pa, hindi ko alam kung anong oras ang pasok niya.

Naglakad na ako patungo sa sakayan ng biglang may bumusina mula sa likuran ko.

"Ay leche!"napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Langyang 'to gagong 'to! Nagmumunimuni ako dito tapos gugulatin niya ako?!

Nilingon ko ang kotseng bumusina sa akin para sigawan pero laking gulat ko ng mapagtantong kotse NIYA yun.

Lumapit ako sa bintana ng driver's seat at kumatok. Pagkababa niya ng bintana ay bumungad sa akin ang nakangising si Antonio.

"Ano bang problema mo?!"mukhang nagulat naman siya sa pagsigaw ko kasi napaatras siya."Mamamatay ako sa gulat ng dahil sayo! Leche ka! Required na gulatin ako ha?!"

"Woah! Ang init ng ulo natin ah? Wake up at the wrong side of your bed?"tukso niya sabay kurot ng ilong ko."Ha! Kamatis na naman siya!"

"Che! Ewan ko sayo! Ang ganda ganda na sana ng umaga ko sinira mo lang!!"nilayo ko ang mukha ko sa kanya at hinimas ang ilong ko."Ang sakit nun ha!"

He just chuckled at me.

"Shut up!"

He looked away while shaking his head and chuckling."Get inside. Baka malate ka pa."and tooked his bag na nasa shot gun seat and throw it at the back."I have an 8:30 class, pancake so stop day dreaming of me."and smirked.

Twisted Red String (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon