[Frost]
Lunch time na at kasama na naman namin sila pancake para maglunch. Hindi rin naman ako makaangal kasi nga girlfriend ni Seb si Katie na bestfriend naman ni pancake.
"Yun lang order mo, Kat?"--Seb
Tumango naman si Katie at ngumiti sa boyfriend niya. Nagkatinginan kami ni Kristoff at Flinn at sabay sabay na umiling. Kailan kaya kami masasanay sa kasweetan ng dalawang 'to?
"Sasabay na ako sayo mag-order Seb."biglang sabat ni Josh at tumayo ito sa kinauupuan."Ikaw Lu? Anong order mo at ako na ang bibili."ngiting dagdag pa nito.
Ito ang hindi ako masasanay. Bakit ba ang friendly niya sa lahat ng babae? At bakit niya ba kukunin ang order ni pancake? May mga paa naman si pancake para umorder doon.
"Hoy.Tunaw na."Napalingon ako sa katabi ko. Si Flinn.
"Ha?"
"Kung makatitig ka kay Josh at Luna parang gusto mo silang lapain ng buhay."nakangising sabi niya."Aminin mo, nagseselos ka?"
"Ako? Magseselos? At bakit naman ako magseselos?"
"Halata na kasi, Tol."sabay akbay naman ni Jan sa akin."Galit ka kung makatitig kay Josh eh."
"Hindi ka pa nasanay dyan! Araw-araw yang galit! Hahahaha!"--Kristoff.
"Ewan ko sa inyo."agad kong tinanggal ang pagkakaakbay ni Jan sa akin at uminom ng gatorade ko. Ano bang pinagsasabi nila?
Bumalik na sila Seb at Josh na dala na ang mga pagkain nila. Tumabi si Seb sa left side ni Katie at si Josh naman sa right side ni pancake na kaharap ko lang.
"Salamat Josh."ngiting sabi ni pancake. Kilig naman siya.
Teka? Bakit ba ganito ako?
"Oh? Di kayo kakain ng lunch?"tanong ni Josh sa amin.
"Busog pa ako. Nadamihan ko ang kain ko kaninang umaga eh."--Jan.
"Hahanap muna ako ng makakain."sabay tayo ni Kristoff. Sumunod naman si Flinn.
"Kumain ako bago pumunta ng school."--Ako
Tahimik lang ako habang sila Jan at Seb naman nagkwekwentuhan. Napansin ko naman yung ngiti ni pancake kay Josh nung binigyan siya ni Josh ng mogu-mogu.
Yun lang at natuwa na siya? Para siyang bata.
"Wow ang sweet niyo naman."bago ko pa marealize, nasabi ko na yun. Aish!
Tumingin silang lahat sa akin at lahat nagtataka.
"Hoy, pancake aminin mo nga, sino sa amin ni Josh?"I said teasingly."Nung una sa akin ka nagpapansin, ngayon kay Josh? Kayo na?"tinignan ko silang dalawa.
"Anong pinagsasabi mo Tol?"natatawang sabi ni Josh.
"Frost, nagseselos ka ba?"Katie said with a hint of amusement. I just gave her 'are-you-kidding-me' look.
"You're jealous man!"--Jan.
"Why would I be jealous? She's not even my type! Ni wala nga siya sa level ni Crystal! Curious lang ako kung sila na, ok? Nung una sa akin siya nagpapapansin, ngayon kay Josh?"tumingin ako kay pancake."Did you realize I'll never like you dahil wala ka sa level ni Crystal?"

BINABASA MO ANG
Twisted Red String (completed)
Teen FictionIt's a story about how Fate pushed them together to be an enemy to each other, to be friends, to fall in love, to be hurt and to fall in love again but Fate likes to play in their life....letting her fall in love with her guy best friend while she's...