Red #7

650 14 1
                                    

[Frost]

Saturday morning ngayon at tulad ng nakasanayan ko, morning jogging with Josh at Seb ang ginawa namin. Nasa iisang subdivision kasi kami nakatira kaya nagkikita na kami tuwing nagjojogging.

Tahimik lang akong nauuna sa kanila sa pagjojogging habang sila Seb sobrang daldal. Nagtatanong kasi si Josh kung kamusta ang buhay ng pagiging loyal. Tumawa lang si Seb at nagbiro na 'Boring' pero humirit naman na 'Pero masaya'.

Nakakadiri siyang marinig na loyal na. Sanay kaming bolero kasi siya kaya iba sa pandinig ang mga sinasabi niya.

Napunta naman ang usapan nila kay Luna at Josh. Alam ng buong barkada na may crush si Josh kay Luna pero todo tanggi naman si Josh. Little sister daw ang tingin niya dito.

"Umamin ka na kasi Josh! Wag kang torpe baka may makauna pa sayo!"

"Sus, mas bagay naman sila diba?"

"Yun nga lang magiging sila lang kapag natuto ng lumipad ang balyena!"sabay halakhak nila.

Nilakasan ko na lang ang music ng iPhone ko para hindi sila marinig. Hindi ako nag-aassume pero alam kong kami ni Luna ang pinag-uusapan nila.

Bakit ba nila ako tinutukso sa babaeng yun?! Hindi ko naman siya type. At isa pa hindi kami nagkakasundo. Anong gusto nila? Magkaroon ng gera? Ewan ko ba sa kanila kung bakit nila pinagpapartner ang mga taong hindi nagkakasundo.

Love is about two people who loves each other, not hate each others.

Pasensyahan na lang tayo, hindi kasi ako naniniwala sa kasabihang the more you hate, the more you love. Dahil sa lagay ko, hindi ako marunong magpatawad.

***

[Luna]

Sunday. Pumunta ako sa mall after mass. I was craving for Jollibee's fries, burger and chocolate sundae. Ghad! Ano ako buntis?! Well, siguro malapit na ang dalaw ko kaya nagkakaganito ako.

Medyo mahaba ang pila pero kaya ko naman maghintay. Pagdating ng turn ko agad kong sinabi ang order ko."Isang Yum with Cheese, large fries, choco sundae at.....choco filp float."I said while eyeing on the menu. Tinanong naman ako ng babae kung dine in or take out."Take out."

Hindi nagtagal nakuha ko na ang order ko at umupo sa isang bakanteng table malapit sa bintana. Kitang kita mula sa kinauupuan ko ang busy street. Mga taong nagmamadali at mga taong naiinis dahil sa mababagal maglakad ng mga estudyante.

Tahimik akong kumakain ng biglang..

"Hi, Miss. Can I join you?"napalingon ako sa nagsalita. He smiled at me sweetly and nodded to the vacant seat that is available."Can I?"

I rolled my eyes and chuckled."Sure, Josh. Basta share ng food."

Yung order niya is spaghetti, with burger, coke float at tuna pie. Takaw talaga basta lalake pero sa build ng katawan niya saan kaya niya tinatago lahat ng fats niya? Or nadadaan lang niya sa gym at basketball?

Twisted Red String (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon