Red #36

466 10 8
                                    

A/N: Ang bilis kong mag-update ngayon XD ... wala kasing magawa :3

BTW!! Idedelete ko na yung isang story ko na And That's my Life kasi, hindi ko na alam paano icontinue yun @.@ masyadong malalim rin ang story dun, pero may SOON na story naman ako XD (ang gulo ko) title: Shh..I have a Secret: Love Affair! Try niyo basahin yung first kong pinost dun ang COMMENT kung anong say niyo :) THANK YOU!! LOVE YOU ALL :*

P.S: may mga short stories rin ako :*

COMMENT AND VOTE!! PLEASE LANG! ^__^

-----

[Frost]

Nakita ko siyang masayang kasama si Josh. Alam kong kinakausap ako nila Jan pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanilang dalawa. Mukhang masaya si Luna kapag si Josh ang kasama niya. Hindi tulad ko.

Sa tuwing kasama niya ako, nagagalit lang siya. Nasasaktan.

Mali yata ang ginawa kong paglapit sa kanya last time. Hindi ako nagsisisi pero ngayon, nakikita kong mali ang ginawa ko.

Masaya siya kay Josh. At alam kong hindi siya sasaktan ni Josh tulad ng ginawa ko. Dapat siguro hindi ko na ulit gawin ang ginawa ko last time.

"Frost?"

Nilingon ko si Flinn. "Bakit?"

"Anong bakit? Hindi ka ba kukuha ng pagkain?"

 

Napatingin naman ako sa lamesa at ako na pala ang susunod na kukuha ng pagkain. Tinanguan ko na lang siya at nagsimulang magserve para sa akin.

Masaya na siya, kaya dapat hindi na ako manggulo.

"Uy! Nandito na rin kayo!" rinig kong salita ni Jan. Iniangat ko naman ang tingin ko at agad na napatingin sa babaeng nasa harapan ko. Nagkatitigan kami.

Paano ako makakalayo sa kanya kung ganito ang nararamdaman ko?

Gusto ko siyang yakapin at halikan. Gusto kong sa akin lang siya ngumiti at umiyak.

Twisted Red String (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon