Simula

4.2K 131 3
                                    

"Meng bilisan mong kumilos, hinihintay na tayo sa hacienda. Padating na daw yun anak ni Donya Rosalinda. Baka mapagalitan pa ako at mawalan ng trabaho kapag di tayo nagmadali! Parika na!" Sigaw ni Nanay sa akin.

"Opo, Nay. Nandyan na po!" Nagmamadali akong pumanaog sa silong kung saan naroon na si Nanay na naghihintay.

"Pakatagal mong bata ka! Halika na! Dadaan pa tayo sa tindahan ni Aling Tindeng para maibili ka ng biskwit ng hindi mo ako kulitin." Hila-hila ako ni Nanay habang naglalakad kami palabas ng bahay.

☆☆☆

Sa edad na anim, kasa-kasama na ako ni Nanay sa pamamasukan sa bahay ng mayamang si Donya Rosalinda.

Wala kasing mapag-iwanan sa akin ang Nanay ko dahil namatay na si Tatay mula ng mabaril ito sa Zamboanga noong ipinadala ito bilang parte ng hukbo. Mag-tatatlong taon na ang nakalilipas. Kaya kami na lang ni Nanay ang magkasama.

Naubos ang mga naiwan sa amin ni Tatay na pera at tanging pensyon lang ni Tatay ang inaasahan namin ni Nanay. Kaya naman napilitan si Nanay na magtrabaho dahil malapit na akong mag-aral ng grade 1.

"Meng, doon ka lang sa likod bahay ha. Huwag kang aalis doon dahil may mga bisitang dadating ang Donya. Baka mapalayas tayo sa mansyon kapag naglikot ka. Mawawalan ng trabaho si Nanay. Kapag wala ng trabaho si Nanay, hindi na tayo makakakain."

"Opo, Nanay. Di po ako maglilikot."

"Mabuti kung ganun. Bilisan na natin. Mamaya mo na kainin yang biskwit mo, baka mahuli tayo."

Nagpahila na ako kay Nanay.

Sa murang edad ko, batid ko na ang hirap ng buhay namin ni Nanay. Kaming dalawa na lang naman sa buhay. Ni hindi nabanggit ni Nanay kung may kamag-anak kami, kung may Lola ba o Lolo ako. Palagi na lamang kaming dalawa ang magkasama. Di naman ako nagdaramdam sa kanya. Mahal ako ni Nanay kaya sapat na yun para sa akin.

☆☆☆

Nakarating kami sa mansyon. Di pa rin maalis sa akin ang pagkamangha sa ganda nito.

Tunay ngang mayaman siguro ang nakatira dito. Hindi ko pa sila nakikita. Bawal sa akin ang magawi sa loob ng bahay. Yun ang kabilin-bilinan ni Nanay. Kaya naroon lamang ako sa ilalim ng puno, naglalaro ng nag-iisang manikang kayamanan ko na bigay ni Tatay bago siya napatay sa giyera.

Inihatid muna ako ni Nanay sa pwesto ko at ibinigay ang biniling biskwit pati na ang bote ng tubig.

"Diyan ka lang ha. Babalikan kita pagkatapos kong maglinis sa loob."

"Sige po Nay. Dito lang po ako, promise."

"Mabuti. Huwag malikot." Tumango lang ako samantalang si Nanay ay humalik sa ulo ko bago tuluyang umalis at pumasok sa bahay.

Naglaro akong mag-isa. Kinakausap ang aking kaibigang si Pipi, ang aking manika.

Hindi ko namalayan na matagal na pala akong naglalaro pero wala pa rin si Nanay.

Sa sobrang gutom ko ay naisipan kong umalis sa pwesto ko para hanapin si Nanay.

Naglakad ako hanggang makarating ako sa may pinto papasok sa loob ng mansyon.

Naririnig ko pa ang tawanan. May mga matatanda at bata.

Hinanap ng mata ko si Nanay, pero di ko sya makita.

Ngunit may nakita akong hindi ko maipaliwanag sa musmos kong pag-iisip.

Isang anghel. Isang napakagandang anghel. Anghel na bumaba sa lupa.

"Meng! Ano ba! Diba sabi ko huwag kang aalis sa likod? Naku halika! Buti na lang lumabas ako kundi baka nakita ka ng Donya. Mapapalayas ako dito." Hinila na niya ako. Pero ang mata ko ay nakatingin pa rin sa likod, sa batang mukhang anghel.

"Sinasabi ko na sayo, ayoko ng maulit ito. Kundi, di na kita isasama. Mananatili kang mag-isa sa bahay."

"Sorry po Nay. Di na po maulit."

"Dapat lang. Mawawalan ako ng trabaho sayo niyang ginagawa mo e!"

"Pasensiya na po, Nay. Di ko na po uulitin."

Ibinalik ako ni Nanay sa ilalim ng puno. Pinaupo at sinabihang huwag tatayo.

Hindi na ako umimik. Nakatingin lang sa mansyon.

Naaalala pa rin ang mukha ng batang lalaking nakita ko kanina.

Ang aking anghel.

A/N Eto na po ako ulit. Di ko matiis na hindi magsulat. Sana po ay tangkilikin ninyong muli ang aking mga kwento.

Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon