labing-anim

1.2K 101 6
                                    

I've very busy this past few days and so is Paolo. Bihira kami magkita even sa bahay. Naghahanda na kase siya para sa Fashion Week na sinalihan niya. It's time na maipakita niya ang kanyang mga obra. And because of that, palagi niyang kasama ang driver namin that leaves me to take an Uber ride.

Ayoko naman magpahatid kaya Royce kase kahit ata anong pilit at kumbinsi ko sa sarili na ibaling sa kanya pagtingin ko, hindi ko talaga magawa.  Okay naman siya. Mabait at higit sa lahat husband material, kaya lang hindi ko alam kung bulag ba ako o sadyang tanga lang.

☆☆☆☆

Instead of going home, naisipan kong dumaan sa mall para maglibang. Tutal I'm not in my corporate look kaya di naman dyahe na maglakad-lakad.

I was reading a text from Chanel when I accidentaly bumped into someone.

"Sorry, my fault. Huh! Andrea, right?"

"Yeah! Maine diba?"

"Oo. Pasensiya na, my bad. I was not looking, nagtext kase yun secretary ko."

"Okay lang. So who's with you? Mag-isa ka ba?"

"Yeah! Papalipas ng oras. E ikaw?"

"Ako din. Would you like to have coffee o kahit ano with me? Baka may gagawin ka? Tutal mag-isa rin ako."

"Ah no! I mean,sige. Wala naman akong kasama."

"Tara. Doon na lang tayo sa Coffee Project."

"Okay."

We went to the coffee shop. I find Andrea nice and I think natanggap ko na okay lang na siya ang ligawan ni Richard. Tutal, she is decent and came from a very rich family.

"So tell me, boyfriend mo ba si Mr. Madrigal?"

"No! Of course not!"

"Grabe sa no! Pero nanliligaw?"

"Ah yes."

"Wow. He's so cute ha. Sikat siya sa business league and ang swerte mo. Millionaire Bachelor of the year kaya siya. Actually, huwag kang magagalit, crush ko siya."

"Ganun ba? Okay lang. Di naman kami."

"Forget about it! Ano ba mga pinagsasabi ko?"

"E ikaw, boyfriend mo ba yun kasama mo last time?"

"Ah si Richard? Hindi pa.  Pero we were fixed to be married."

"Fixed?"

"Oo. Kase yun ang gusto ng parents ko and ng Lola niya."

"Ah okay. Pero gusto mo ba?"

"Actually, at first no! Pero now, medyo. Okay naman siya."

"Bakit?"

"Well kase eversince I met him, medyo suplado. And I guess alam ko lang na hindi niya ako gusto. Parang napipilitan lang siya."

"How about you, payag ka ba sa ganung set up?"

"Nung una, ayaw ko. Pero ngayon, parang gusto ko na. Kaya lang ang tanong, gusto ba niya? Anyway, wala na rin siya magagawa kase we were to get married na in three months time."

"Kakaiba ang lovestory mo, day.  Buti na lang di ako galing sa pamilya na ganyan. Mahirap lang kami dati and hindi naman ako pipilitin ng Nanay ko na magpakasal kung ayaw ko."

"Gusto ko na naman. Kaya lang nga,baka ayaw niya. Baka hindi kami magclick."

"I hope maayos ninyo yan."

"I hope, magustuhan na rin  niya ako."

"Tama ka. O paano, I have to go. Nagtext na yun Uber ko, he's near the vicinity na. Nice seeing you again Andrea. And thanks for the coffee."

"Same here. Minsan bonding ulit tayo ha. I like you na."

"Ako din. Okay bye na."

Nalulungkot ako sa dahilan na ikakasal na si Richard, pero at the same time, gusto ko si Andrea na maging kaibigan. She's so nice.

Pero isa lang ang naisip ko, move on. Confirmed, wala kaming future together.

A/N I wish wala ulit pasok bukas. Joke!No proofread po.

Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon